"Ma'am, tawagin niyo lang po ako kapag kailangan niyo ako." Nagpaalam na ang aking yaya at bumaba na siya mula sa kwarto ko.
Naka-upo ako ngayon sa kama habang pinagmamasdan ko ang coat na nakapatong ngayon sa study table ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na sa lahat ng taong makaka-kita ng pagsubok kong kitilin ang buhay ko, talagang siya pa.
"I don't know if you're drinking coffee, pero magandang pang-tanggal ng hangover 'yan." Sabay ang pag-abot niya ng kape na, na sa paper cap.
Kami ngayon ay nasa isang mataas na bahagi ng lugar namin kung saan matatanaw mo ang kalangitaan habang yung mga bituin ay kumikislap at sa baba naman nito ay ang mapaka-gandang citylights ng Quezon City.
Hinubad niya ang coat niya at pinatong ito sa balikat ko, at sabay sumandal sa kotsw niyang Chevrolet Equinox.
Pagkatapos ng napaka-historical kong muntik ng pagtalon sa tulay na malapit sa village namin kanina, dito ako dinala ni George, kasi alam naman daw niyang hindi ako sasama sa kaniya kung susubukan niyang ihatid ako sa pamamahay ko.
Tinanggap ko ang kape at nakita kong ngumiti siya sa akin. "Pasensiya na, hindi na kasi ako umiinom, kaya kahit na alam kong may problema ka, dadamayan na lang kita sa pamamagitan ng pag-inom ng kape."
"Thank you." My short response.
"May gusto ka bang itanong?" Ako? Parang baliktad.
Ngumiti ako ng tipid. "Parang alam ko ikaw ang may gustong itanong sa akin."
"Wala naman." Humarap siya sa magandang tanawin sa harapan namin. "Baka kasi nagtataka bakit bigla na lang akong sumulpot kanina."
Ngayon napa-isip ako. Oo nga noh, sabi sa akin ni Lola Aurora, umuwi na raw siya pero bakit nga ba naabutan niya ako? "Oo nga pala, akala ko umuwi ka na, sabi sa akin ng Lola ko."
Napakamot siya sa ulo. "Ah eh, nakaramdam na kasi ako ng antok kanina. Bibiyahe na sana ako pauwi, kaso sobrang bigat na ng mata ko. That's why, I decided na umidlip muna sana." He took a sip from his coffee. "E hindi naman safe sa ibang lugar. Nakita kong may rumo-rondang mga guards sa village niyo, kaya 'dun na lang sana ako iiglip sa labas niyo at least safe. Kaso.."
"Kaso?"
"Paiglip na ako nang nakarinig ako ng may nagsisigawan sa labas kasi medyo nakauwang yung bintana ng kotse ko kaya narinig ko. Naalimpungatan ako at nakita kitang tumatakbo ng walang sapatos."
Sa lahat talaga ng mapapansin ayun pa talaga. "Tapos sinundan ka ni Lola Aurora at mukhang nagpa-panic siya. Nakita kong umiiyak siya kaya lumabas ako at tinanong ko na ang nangyari."
Nakonsensiya ako sa sinabi niya. Teka, ibig sabihin alam niya ang nangyari? "Nakiusap siya kung pwede kitang sundan, at ayun na ang ginawa ko, buti kamo naabutan kita kung hindi nalunod ka na sa napaka-bahong ilog na yun."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa inamin niya, kasi sana ngayon wala na ako sa mundong 'to, di sana tapos na ang masalimuot kong buhay. Hays.
"Alam ko, parang panghihimasok sa personal mong buhay ang ginawa ko. Hindi ko gaanong naiitindihan ang nangyayari sa iyo, pero.." He sighed. "Wag naman sa paraan na magpapaka-lunod ka sa napaka-baho at napaka duming ilog na 'yon. Ang panget ng pagkamatay mo kung 'di kita napigilan."
Huh? Ano raw? "What do you mean?" Tumaas agad ang kilay ko.
"Eto ha." Humarap siya sa akin. "Imagine mo, ang dilim dun. Ang baho pa. Walang mag-tatangkang hanapin ka mula doon kasi ang baho e. Kawawa rin ang embalsamador na gagawa sa bangkay mo, hindi multo mo ang kakatakutan niya e, kung hindi ang amoy mo."
Aba loko ang isang 'to ah. "Pinagtitripan mo ba ako?"
"Imagine mo 'yon, mas okay pang amoy bangkay kaysa--"
"Trip mo ako?"
"Hindi, nagbibiro lang ako ang seryoso mo kasi." Hindi ko na naisawang umirap dahil sa pinagsasabi niya. "Ganito kasi, kung may pinagdadaanan kang napaka-salimuot, sana 'yung kamatayan mo 'wag naman maging mas malala pa sa pinagdadaanan mo."
"Hindi kita magets." Pwede bang deretsuhin niya na lang ako?
"I mean, yung desenteng kamatayan, wag naman 'yong ganun." Natawa ako sa sinabi niya. May categories pala ang kamataya. Lol. "Naghirap ka na nga dito, tapos ganun pa. Hays."
"Paano ba dapat ako mamatay?" Tanong ko sa kaniya, habang pinapainitan ko ang aking dalawang kamay gamit ang paper cap na hawak ko.
"Well." Sumandal na ulit siya sa kaniyang kotse. "Sana mamatay ka ng may naging silbi ang buhay mo. Hindi lang naman ikaw ang may pinagdadaanan, pero ang daming pinipiling mabuhay, despite ng mga masasakit na nangyayari sa kanila."
At heto na naman ako, nakuha na naman nitong lalaking ito ang atensyon ko. Ano bang mahika ang meron ang lalaking to, na kahit mas nakaka-antok pa ang sinasabi niya kay Mrs. Trajano, pero andoon yung kasabikan kong makinig sa kaniya kahit na ba may pagka-man hater ako.
"Alam mo 'yun. Kung mamamatay ka, sana 'yong may sense. Hindi 'yong impyerno na nga naging buhay mo dito, pati sa kabilang buhay pa." Ngumiti siya sa akin at hindi ko maitindihan pero gumaan ang pakiramdam ko dahil 'dun. "Hindi ko alam anong pinagdadaanan mo, pero sana 'yung mga nagpapahirap sa iyo ngayon, maging inspirasyon mo hindi para magpatalo lalo, kung hindi lumaban na."
"Ang hirap lumaban, lalo't sirang-sira na ang buhay ko." Natawa na lang ako sa sarili ko nang marealize ko na sobra ko na nga pa lang sinira ang sarili ko.
"Hindi mo need sirain ang sarili mo dahil lang sinira ka ng ibang tao. Prove them wrong. That you can do more than they are expecting and dictating you." Napatitig ako sa kaniya nang marinig ko ang mga iyon.
Sobrang tinamaan ako sa sinabi niya. All these months, sinisira ko ang sarili ko dahil lang sa mga pinagdadaanan.
Sobrang paninira ko sa sarili na imbis patunayan kong mali ang sinasabi ng ibang tao laban sa akin, e nag-concede pa ako sa mga panghuhusga nila.
"It does not mean na sira ka, magpapakasira ka pa. The more na sinisira ka ng tadhana, the more kang lumaban, kapag nagpatalo ka, pinatunayan mo lang tama ang mga sinasabi nila against sa iyo. But if you would fight, oo di ka sure kung panalo ka, pero at least you tried, at least di ka kaagad sumuko, at least lumaban ka, matalo ka man at least lumaban ka. At kaya ka nga lalaban hindi para matalo, kung hindi para manalo."
Naka-titig pa rin ako sa kaniya. Sobrang lalim ng sinasabi niya, pero alam ko naiitindihan ko 'yun.
Sana madali lang sabihin 'di ba? Kaso hindi madali ang pinagdadaanan ko.
"Hindi kasi madali, kahit naman gusto kong lumaban." Bumigat ulit ang puso ko. Haha. Nakaka-loka na 'to. "Paano kung 'yung mga taong inaasahan kong susuportahan ako, sila mismo ang sinukuan ako, bago pa man ako magsimulang magbago para lumaban."
"Wala ako sa pusisyon mo, pero ang alam ko lang.." I felt he patted my head habang nakatingin sa akin at sa hindi ko maitindihang rason biglang bumilis ang t***k ng puso ko, lalo na 'nung bigla ulit siyang ngumiti. "..kahit tatlo, o dalawa o kahit isa na lang ang naniniwala sa iyong kaya mong magbago para lumaban, mahalaga may taong handang sumuporta sa iyo."
Patuloy niya, "Hindi lahat magiging maganda ang tingin o pakiki-tungo sa iyo, pero 'wag ka kaagad sumuko. Labanan mo man lang 'yung mga pangit na tingin nila. Pahirapan mo man lang sila sa pamamagitan ng hindi pagsuko."
Tama siya, kahit anong hindi pagtanggap ng isipan ko, pero alam ko sa puso ko tama ang mga sinasabi niya sa akin.
"Kaya ko pa bang magbago?" Napabuntong hininga ako. "Kaya ko pa kayang ayusin ang sarili ko?"
Tumingin siyang muli sa akin. "Hindi siguro kung mag-isa ka." Huh, ano? "Pero kung may kasama kang susuportahan ka sa magandang pagbabago mo, hindi ka mahihirapan. Makakayanan mong magbago, hindi para sa iba, kung hindi para sa ikakabuti mo."
Napangiti ako sa lahat ng sinabi niya. "Ayan, nakita din kitang nakangiti." Bigla na lang siyang pumalakpak. May sira ata talaga ang isang 'to e. Kanina ang seryoso ngayon.. ewan ko na. "Sa tagal kitang nakikita sa classroom, ngayon pa lang kita nakitang ngumiti ng ganiyan."
"Huh?" Ganoon ba ako naka-simangot parati?
"Tuloy mo lang 'yan ha." At ngumiti na ulit siya na halos hindi na makita ang mga mata niya, dahil kahit hindi niya sabihin masaya siya na nakinig ako sa kaniya. "Tandaan mo ha, andito lang ako para sa iyo, susuportahan kita 'g**g dulo."
"Salamat.." At ayon na lang ang naisagot ko.
Isa lang ang naitindihan ko sa paguusap naming ito, kaya ko pang magbago, pwede pang maayos ang buhay ko.
Hindi ko maitindihan, pero for 6 months na I felt so empty, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito kagaan ang loob ko.
Siguro ganito talaga ang pakiramdam kapag alam mong may taong aagapay at sasamahan ka kahit gaano na kahirap ang sitwasyon.