C a p í t u l o S e i s
Sobrang liwanag na ilaw ang bumungad sa akin pagka-mulat ng mata ko. Napaka-hina ng katawan ko. I tried to stand up kaso nahihilo ako, teka asan ba ako?
"Apo, musta na ang pakiramdam mo?" Narinig ko ang boses ng isang matandang babae sa tabi ko. I blinked my eyes many times before I have realized it was my Lola Aurora. "Nag-aalala ako sa iyo na baka bukas ka pa magising."
Teka, andito na si Lola Aurora? Nasan ba ako? Nasa kalye lang ako ako kanina-- "Kung iniisip mong nasa labas ka pa rin, hindi na apo. Andito ka na sa bahay, at buti kamo mabait ang kaklase mong si George na kahit na ba lasing ka ay dito ka pa rin dinala sa bahay mo."
Medyo nagising ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, hindi nga ako nananaginip kanina, si George nga 'yung lalaking sumundo sa akin.
Teka, paano niya nalaman ang bahay ko? "La, paano po niya ako nahatid?" Nagtataka kong tanong. Hindi pa naman siya nakakarating dito sa mansiyon.
Ngumiti ng bahagya si Lola, "Si Kim ang nagsabi paano makakapunta rito. Buti kamo at may mga kaibigan kang katulad nila."
Kahit nahihilo ako gumagana pa rin ang diwa ko. Kaibigan? Si George? The heck, isang beses pa lang kami nakakapag-usap 'nun. Hindi ko pa nga kilala personally, ang isang iyon.
Pero infairness ah, nakaka-dalawang beses na siyang bigla biglang dumadating sa buhay ko na that moment need ko pa talaga ng company ng iba. May utang pa tuloy ako sa kaniya dahil dito. Ugh, bakit kasi ang kalat ko kanina? Nakakahiya sa kaniya. Magsosorry na lang ako bukas.
"La?" Pagtawag ko.
"Yes, Ria?"
"Si George po ba? Ahm, nakauwi na po ba siya?" Siyempre, I have to make it sure na naka-uwi na siya. Baka nahatid nga niya ako, tapos siya naman tong ma-pano sa daan.
"Don't worry dear." At hinimas ng lola ko ang aking buhok at gumaan naman agad ang pakiramdam ko dahil dito. "Kakalabas lang rin niya, sinabihan ko siyang itext ka niya once makarating na siya sa kanila."
Tumango na lang ako. "Ah sige po."
"O siya, umakyat ka na at magbihis ka na, maligo ka kung kaya mo pa." Inalalayan ako ng lola ko sa pagtayo. "Ipaghahain kita ng mainit na noodles ng matanggal ang hilo mo."
Buti na lang kamo, at ang lola ko ang naka-abot sa akin ng ganito ako kung hindi, baka tuluyan na akong itakwil sa pamamahay na 'to.
"Thank you po La." Aakyat na sana ako sa hagdanan ng mansyon, nang makarinig ako ng sigawan mula sa hagdanan.
"Sino ang kasama ng batang iyan ha?!"
"John please calm down! 'Wag mo siyang kakausapin ng mainit ang ulo mo!" I heard my mom screaming from upstairs.
At hindi nga ako nagkamali. Pa-baba si Mommy and Daddy sa hagdan. Mukhang huli ako ngayon ah.
"Asteria! Kita mo nga talaga!" Parang nanghina ang buong katawan ko ng marinig ko ang napaka-lakas na sigaw ng Daddy ko sa may salas. "Nagkanda-bagsak bagsak ka na nga sa University mo, ngayon uuwi ka ng ganyan ka kalasing? And look at your clothes. Ka-suotan ba ng matinong babae iyan!"
Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Daddy sa mga braso ko. "Alam mo bang kanina pa mainit ang dugo ko saiyo?" Nagtaka ako 'nung sinabi niya iyon.
"John please stop!" I heard my Mom cried out. "'Wag mong pagbuhatan ng kamay ang anak mo!"
"Anak, kumalma ka!" Even my Lola Aurora was stopping my Dad.
"No I had enough of this spoiled-brat, Aelyn." Pinilit ako ni Daddy na humarap sa kaniya kahit na pinipilit ko ring bitawan niya ako, kaso malakas siya at hindi ko siya maitulak.
Naiiyak na ako, sa dami ng pagkakataon na mahuhuli ako, ito pa talagang lasing ako. Automatic, tanggal na naman ang hang-over ko.
"Nakikita mo ba to?! Ha! Ikaw ang nasa picture na iyan hindi ba?!" The voice of my Dad, roared as I was surprised when I saw him holding photos and what shocked me the most, there were picturesof me and Eliot kissing. "Kaya ka ba nagkakanda-bagsak bagsak dahil dito lalaking ito?! After all your failures, kahit sana 'yung dignidad na lang ng pamilya natin ang iningatan mo, kaso sinira mo rin?!"
Paano sila nagkaroon ng picture na iyan?! Imposible! I tried to reason out. Mali ang balitang iyan! "Daddy let me explain, mali po ang kwento sa balitang 'yan--"
"Explain? Really Asteria?! Mali?! Ano?! Inedit ang mukha ng iba, pinatong ang sa iyo para magmukhang nakikipag halikan ka kung kani-kaninong lalaki?"
Ang sakit. Sobrang sakit na. Ayun ang alam ko, sa mga oras na ito, sobrang durog na ang puso ko. Even my own family did not hear my side of the story. Hindi man lang nila nalaman that I was the real victim.
Hindi ko na lang namalayang I was already crying at nagmamakaawa kay Daddy na pakinggan niya ako. Lumuhod na ako sa harapan niya, pero wala pa rin siyang tinag sa pagsasalita sa akin ng mga salitang alam kong walang katotohanan.
"John maghunos-dili ka sa pananalita!"
"No Mom, this grandaughter of yours deserves to receive such cruel words for her unbearable actions!"
"Hon, please hear her out!"
"Hear her out?! What the hell Aelyn? I am so fed up with your daughter's failures now itong scandal. Hindi man lang inisip na nakataya din ang dignidad natin dito, hindi lang sa kaniya!"
Biglang humarap sa akin si Daddy, and this time alam ko wala na talaga siyang papakinggan. "And you, ganyang klaseng babae ka ba ha? Pina-laki ka namin ng maayos, pero ganyan ka? Binigay namin ang gusto mo, pero anong binalik mo? Kabaluktutang walang kakwenta-kwenta! Anong klaseng anak ka? You're such a disgrace being a De Villa, and a shame to the whole clan of Fernandez!"
A disgrace and a shame.
And that point I felt the last string on my heart was cut. I've had enough.
Pinalaki ng maayos? Binigay lahat ng gusto? Really? For all I know, when I was still growing, wala si Daddy sa tabi ko, kasi he was with another woman, na ako pa mismo ang naka-discover ng pag-tataksil niya against Mommy.
Napatayo ako bigla. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Dad? Pinalaki mo ako ng maayos? Really? Binigay lahat ng gusto ko? Talaga po ba?" Nararamdaman ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.
"Aba at ang lakas ng loob mong sumagot sa akin ngayon!" My Mom was pulling my Dad na huwag ako ma-abot kasi kitang-kita ko na gustong-gusto na akong saktan ni Daddy.
"Wala kang binigay Dad! Because when I was looking for a father to make me feel secured, you, my own Dad made me feel so insecure when you left me and Mommy for your so called Kerida!" I could feel my hands were gripping, "Wala kang binigay sa amin ni Mommy, kung hindi sakit at walang kasiguraduhang buong pamilya. Pamilyang buo lang ang hinihiling ko, pero pinagkait mo 'yon kasi mas pinili mo ang ibang babae kaysa sa amin ni Mommy and if I became like this, it is because of what you have done against me and Mommy--"
Hindi ko na lang napansin na biglang bumagal ang oras ko, at naramdaman ko na lang na ang hapdi na pala ng kanang pisngi ko. Anong nangyari?
Ilang segundo pa, I saw my Mommy, standing in front of me habang naghahabol ng hininga. "I told you, tapos na iyan at wag na wag mo ng ibo-brought up 'yang topic na iyan dahil tapos na 'yan!" And this time si Mommy na ang nagalit sa akin.
Nanginig bigla ang buo kong katawan kasabay nang parang nanghihina ako. All this time, nagagalit ako sa kaniya dahil nagawa pa rin niyang tanggapin si Daddy kahit na ilang beses na siyang linoko nito. Sobrang hindi ko masikmura na natutulog sila ng tabi sa iisang kwarto kahit na ba iniwan at linoko siya ni Daddy.
"Umakyat ka na sa kwarto mo, magpahinga ka na.." I saw na kahit si Daddy nagulat sa ginawa ni Mommy. She was the least I expected na gagawin 'yun sa akin..
Hindi ko tanggap.
Alam kong kaya akong pagbuhatan ng kamay ni Daddy, pero siya? No.
Hindi ko na nakayanan ang nararamdaman ko, that I did not notice that I had already went outside our mansion. I have heard the guards calling me but then, I did not choose to hear them out.
I continued to run and run until I saw myself sa tulay dito sa amin, na sa baba ay isang napaka-dilim na ilog.
Sobrang sakit na, pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya pang mamuhay. Ang sakit na ng puso ko, pakiramdam ko patay na ako sa mga oras na ito sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko.
Umiiyak ako sa mga oras na iyon habang nakatingin sa ilog sa ilalim ng tulay, nang mapagdesisyunan kong umakyat sa may hawakan ng tulay.
Bakit ba parang pinagkakaitan ako ng tadhana sa nangyayari sa buhay ko? Napaisip ako, what did I do in my past life to suffer like this? Ilang tao ba ang napatay ng dating ako, para pagbayaran ko nang ganito kasakit ang lahat ng kasalanan niya?
"Ano bang ginawa mo, dating Asteria De Villa para maranasan ko ang lahat ng hirap na 'to!" I screamed out, while the tears from my eyes were rolling down on my cheeks. Para na akong sira ulo para maniwala sa reincarnation.
Sa nangyayari sa akin, daig ko pa ang nakapatay ng isang daang tao. Ilang dugo ba ang dumanak dahil sa kabayanihan ng pamilyang pinang-galingan ko para pagbayaran ko ang mga kamatayang dapat hindi naman ako magbayad.
Ayoko na, hindi ko na kaya sobrang pagod na ako. Hindi ko na kayang ilaban pa ito. Siguro kamatayan na lang talaga ang makakapag-tapos ng sakit na nararamdanan ko. Baka sa kabilang buhay, hindi na ako makakarinig ng ganitong kasasakit na mga salita, baka doon mas maging masaya pa ako.
Baka doon makalimutan ko ang poot at galit na nararamdaman ko, kasi hanggang sa dulo ng buhay ko, kahit ang sarili kong ama na laman at dugo ako, hinusgahan ako at hindi inalam ang kwento na ako ang sinira, na ako ang biktima sa pangyayaring iyon.
Pare-parehas lang sila, si Ivonne, si Ken, si Mommy and Daddy. Lahat sila, they are all the same, they all judged me without hearing my reasons. Si Lola Aurora na lang ang kakampi ko kaso, paano ako lalaban kung iyong mga taong mas dapat magtiwala sa akin ay sila mismo ang sinukuan ako.
Hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang laban, hanggang dito na lang ang lahat ng ito
Sorry Lola, hindi ako napag-paalam ng maayos sa iyo, sobrang salamat sa lahat.
Handa na akong mamatay.
Huminga ako ng malalim at handa ng ialay ang buhay ko sa rumaragasang tubig sa ilalim ng tulay nang maramdaman kong bago pa man ako makatalon ay biglang may kung sinong yumakap sa akin at bigla akong hinila upang pigilan ako sa binabalak ko.
Naramdaman kong bumagsak kaming dalawa sa sementong sahig at sa lagay na iyon, nadaganan ko siya. At sino namang maglalakas loob na pigilan ang gusto kong gawin?! Hindi ba niya naiitindihang pagod na ako at gusto ko ng magpahinga?!
"Bakit mo ako pinigilan?!" Tinitigan ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Nakapatong ako ngayon sa kaniya habang tinititigan ko siya ng masama. "Anong karapatan mo para pigilan ako?!" Pagwawala ko habang sobrang daming luhang lumalabas sa mga mata ko.
Magsasalita pa sana ako nang makita ko ang bahagya niyang malungkot na pag-ngiti sa akin. "Asteria, hindi mo kailangan gawin 'to at lalong hindi mo kailngang buhatin ang lahat ng problema mo." Nagulat ako sa susunod niyang ginawa. "Andito ako, si George, handang samahan ka sa oras na nararamdaman mo ang sakit na iyan."
Naramdaman ko ang mainit niyang pagyakap sa aking katawan. "Walang masamang umiyak, andito lang ako, papakinggan lang kita." Yinakap niya pa ako lalo ng mahigpit habang hinihimas ang likod ko.
At sa mga oras na iyon, hindi ko alam anong mahika ang ginamit niya, pero wala na akong nagawa kung hindi, ilabas ang hikbing sobrang tagal ko nang pinipigilan.
Na kahit na ba may galit ako sa mga lalaki, sa oras na 'to hinayaan ko ang puso kong mapalapit sa isang lalaking siguro'y pwede kong matawag bilang kaibigan.