CHAPTER 3

1307 Words
Julio's POV "sino ka?bakit dyan ka umihi sa pugon ko?" kagagaling ko lang sa batis nag-iigib ng tubig ngunit nagulat na lang ako at nagtaka kung bakit nakabukas ang kawayang pinto ng aking pugon. Napasalampak ako sa may pintuan nang sa aking pagdungaw ay may batang naka iskwat na nakaupo sa loob,dinig ko pa ang reklamo niya sigurado ako pumasok ito sa pugon para lang mangihi. "bakit hindi ka makasagot?!" bulyaw ko sa kanya.Marahil ay natakot ito na nahuli ko siyang umiihi at sa aking sigaw na nag e-echo sa loob ng pugon dahil hanggang ngayon nakayuko pa rin ito,takot itong mapaangat ng mukha. "kapag hindi ka sumagot ay ipapakagat kita sa aso ko!" pananakot ko sa kanya. "kung ipakagat mo ako ikaw kakagatin ko hmp!" umarko ang aking kilay,pambihirang bata, she's the intruder in my property yet she's the one who gets angry, lakas din yata amats ng batang ito ah,tulad kanina nakayuko pa rin ito na nagsasalitang mag isa. "hoy bata taga saan ka bakit yuko ka lang ng yuko dyan?" kinuha ko ang latigo na nahulog sa papag ng pugon,duda tuloy ako na may pinakialaman itong gamit sa loob,nagkanda hulog na pati ang aking mga sumbrero. "hwag nyo po akong paluin takot ako nyan po!" nanginginig ang kanyang boses sa pag aakala siguro nya na lalatiguhin ko siya ay bigla itong nag angat ng mukha. Napatda ako sa aking kinatatayuan nang mag abot ang aming tingin sa bawat isa,dalawang taon na akong naninirahan sa bukiring ito pero ni minsan wala pa akong nakasalamuha dito na kasing amo ng kanyang mukha. May kahali halinang ganda ang bata na nasa harapan ko ngayon. Napaawang ang kanyang bibig na nakatingin din sa akin,ako ang unang nagbawi ng tingin,naka iskwat pa rin ito na nakaupo, iniwas ko na lang ang aking mga mata na mapadapo sa ibabang bahagi niya. "tumayo ka na dyan" utos ko na binaling ang tingin sa iba kong gamit na nagkalat sa sahig. "nasaan si Mang Julio hinahanap ko siya inutusan ako ni Tatang kunin ang itak ni Mang Palos" kunot ang aking noo na nakikinig lang sa kanya mula sa aking likuran,kundi ako nagkakamali sila ang pamilyang bagong dating nung isang linggo na pinabantayan ni Palos sa kanyang bukirin. "hoy Mang ano,nasaan si Mang Julio?" "ako si Julio"diretso kong tugon "ay akala ko kulubot na si Mang Julio hindi pa pala" sabay kamot sa ulo niya,lihim kong kinilatis ang bawat kilos niya na panay masid sa mga gamit kong pambukid na nakasabit sa dingding ng pugon. Hindi ko mawari kung bata pa ba ito,dalagita o dalaga na ba,iba kasi ang kanyang kinikilos mas malapit sa pagiging bata ngunit ang katawan niya ay mukhang dalaga naman na. "hoy Mang Julio nasan na ang itak?" naputol ang mapanuring tingin ko sa kanya,buti na lang di nya napansin na binabantayan ko ang kanyang mga galaw ng palihim. "heto ang itak,lumabas ka na dito" pagtataboy ko sa kanya at nagpatiuna ng lumabas sa pugon. "hmp! suplado naman,buti di ka kamukha ni Sergio Mang Julio mas igop ka hehehe kaya lang bad" napataas pa ang aking kilay kung sinong Sergio ang kanyang binanggit na ikinumpara ako at anong igop ang ibig nitong sabihin. "uwi ka na" utos ko na kumuha ng susi upang susihan ang aking pugon,kahit bundok ito at may mga taga ibang bukirin din na dumadaan dito minsan na nagnanakaw ng mga niyog o kahit ibang produkto na pwedeng pagkakitaan. "Mang Julio kaibigan ko na aso mo,ohh tingnan mo dinilaan nya ako" "Blackie,alis ka dyan!" nagulantang ako nang makita ko si Blackie ang aking aso na tanging kasama ko lang dito na nasa loob ng kanyang bestida "ehehehe hoy Blackie alis ka na dyan,ay teka sandali bigay ko na lang sayo oi" bigla nitong nilihis ang kanyang bestida na may kinuha sa ilalim. "oh heto blackie bigay ko na lang sayo tinapay ko,dinilaan mo na yan ayoko na nyan" napasapo ako sa aking noo kung bakit nasa ilalim ng bestida niya ang tinapay. "saan mo ba yan tinago ha bata?" pagtataka ko na hinawakan ang aking aso gusto na namang kumawala upang makalapit sa bata. "sa panty ko Mang Julio,tingnan mo oh may bulsa panty ko" akma niya pa sanang ipakita ang panty kuno niya na may bulsa ngunit dinilatan ko siya ng mata "fvck! what's goin'on in this child's mind?" pabulong kong saad na nalilito sa mga ikinikilos niya. Pinagmasdan ko muli ang bata na masayang nakikipaglaro sa aking aso. "bata umuwi ka na!" iritable kong sambit. "hindi bata pangalan ko Mang Julio oy,alis na ako bad ka suplado! si Blackie lang mabait,bye bye blackie alis na ako...Mang Julio bad ka!" binelatan nya pa ako na nagtatakbo na. "bata! hwag kang tumakbo may hawak kang itak!" saway ko, kung makahawak sa itak ay parang hindi nito alam na matulis ang bagay na yun na anumang oras pwede itong masugatan, sisigaw pa sana ako ulit para balaan siya ngunit mabilis na itong nakaliko at nawala sa aking paningin. "anong utak meron ang batang yun" iiling-iling na lang akong pumasok sa loob,pinagmasdan ko pa si Blackie na sinabsab ang tinapay na bigay ng bata,naalala ko tuloy ang kanyang salawal na may bulsa. "ibang klase rin ang batang yun ah tssk!" binalikan ko ang iniwan kong dalawang galoon ng tubig sa may pugon,iaakyat ko na sana ito kanina kundi lang sa batang yun,imbes na plano ko pa sanang mangaso may nabatyagan kasi akong baboy ramo na malapit lang dito ilang gabi ko na itong naririnig sa paligid,naghahanap lang ako ng tiyempo masyado pa naman itong mailap. "waahhhhh tulooooong!" nagimbal ako sa aking narinig sa unahan,kung hindi ako nagkakamali ay boses yun ng bata na galing dito kanina na tila alam ko na ang dahilan kung bakit ito sumigaw. Mabilis kong kinuha ang aking rifle,ngayon na ang araw para mahuli ko ang minamatyagan kong baboy ramo,swerte rin pala ang batang yun ah,naging instrumento pa para mahuli ko na ang ligaw na hayop na yun. "hwag kang kumilos!" naabutan ko ang bata na napahalukipkip sa may punong kahoy, nanginginig sa takot. "saan ang baboy ramo?"alerto ang aking kilos na nagmamasid sa paligid na mataman lang ang bawat galaw,nagiging mailap ang ganyang mga ligaw na hayop kapag nakaamoy ito ng tao sa paligid. "anong baboy ramo Mang Julio?" "ano pa eh di yung kinatatakutan mo! asan na?nakita mo ba kung saan tumakbo ha bata?" palinga linga ako sa paligid na nakatutok ang bitbit kong rifle sa paligid kung saan itong sulok nagsusuot. "hindi naman yun ang kinatatakutan ko eh" nabaling ang aking tingin sa kanya na balisa pa rin. "ha eh ano?"pagtataka ko na itinuro ang malaking puno ng kahoy "yun oh aswang Mang Julio!" pagtingin ko sa itaas isang tarsier lang pala! "malaki mata Mang Julio katakot!" napabuga na lang ako ng hangin sa kanyang inasal ayoko namang husgahan ito,may mga tao kasi na late maturity baka isa ang batang ito. Pinagmasdan ko siya na nakabusangot ang mukha "Mang Julio takot akong umuwi mag isa" tumayo ito na nagpapag sa kanyang suot,bigla akong napalunok nang sumilip ang kanyang dibdib wala man lang itong suot na bra. "Mang Julio?" binaling ko na lang ang aking paningin sa paligid bago ko siya tinugon. "sige maglakbay ka na pauwi,nasa karatig lang ang kubo ninyo,titingnan lang kita,hindi ako aalis dito sa kinatatayuan ko hangga't di ka pa nakarating sa inyo" umaliwalas ang kanyang mukha sa aking sinabi. "Mang Julio paalam! di ka na bad" sigaw nya na nakangiti, hindi ko inihiwalay ang aking tingin sa kanya na naglakad palayo patungo sa kubo nila,ilang beses itong napapalingon sa gawi ko tinanguan ko lamang siya at sinenyasan na magpatuloy sa paglalakad. "Mang Julio...Elayda pangalan ko!" sabay takbo na hindi na ako nilingon pa. At sa unang pagkakataon sa dalawang taon kong pagtira dito sa bundok ay unang beses ako nag magandang loob sa isang bata...kay Elayda
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD