"Blackie,iyak si Elayda"naluluha ako habang kausap si Blackie ang aso ni Mang Julio,niyakap ko ito nanghihingi ng makakapitan sa nangyari na naman sa akin tulad ng muntikang gawin ni Mang Kanor sa kanyang sasakyan, ngunit ang mas masakit ngayon ay si Tatang na naman ang pinagbalakan akong hubaran. Dumampi sa aking balat ang malamig na hangin,muli dumaloy ang luha sa mata ko na kanina pa umaagos,gusto kong pigilan pero ang dibdib ko palaging sumisikip, iniisip ko si Nanang baka matulad din siya ni Mang Kanor na may dugo rin. Huling lingon ko kay Nanang bago ako nag tuloy-tuloy sa pagtakbo ay nagpambuno silang dalawa ni Tatang. "Blackie sana ligtas ang Nanang ko" mahinang usal ko na napayakap sa aso. Ang dumi na ng aking punit-punit na damit pati rin ang aking katawan na nakahandusay lan

