Walang boses ang lumabas mula sa aking bibig nang mag abot ang aming mga mata ni Mang Julio,kahit madilim na tanging mga bituin lang at buwan ang nagsilbing liwanag sa loob ng kubo niya ay kita ko ang pagkabigla ni Mang Julio pagkakita sa akin na akmang tatabi na sana sa kanyang matulog. "Anong ginawa mo dito sa higaan ko?" hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kanyang tanong,bigla kasi akong nakaramdam ng hiya pagkamulat niya,akala ko pa naman tulog na siya hindi pa pala. "Mang Julio ayokong matulog mag isa kapag walang ilaw natatakot ako" sa kubo namin pinapailawan ni Nanang ng lampara ang aking higaan. Naninibago rin ako na hindi ko katabi ang aking manikang si Marimar yung bigay ni Aling Nimfa naiwan ko lang siya sa kubo kanina dala ng aking takot sa nangyaring away nina Nanan

