Julio's POV Nag aalangan man akong tulungan ang batang si Elayda ngunit sa kalagayan niya ay tila tinalo na naman ako ng pagkahabag nang makita ko ang kanyang patpating katawan na nakahandusay lang sa labas ng aking kubo. Ang pagpipigil kong h'wag mapalapit sa mga tao dito sa bundok ay nabali lang ng isang babaing wala pala talaga sa normal na katinuan. Pinasadahan ko ang kanyang kabuuan ng palihim,ayokong isiping may napukaw siya sa aking pagkatao na hindi ko rin maunawaan kung bakit kahit anong iwas ko sa kanya ay tila may isang bagay na humihila sa akin upang tulungan ko ito. Dumating ang kanyang kinikilalang ina dis oras na ng gabi,nag magandang loob ako sa kanila dahil delikado na rin ang maglakbay lalo na't malalim na ang gabi,may mga ligaw na hayop pa namang mababanaag kapag gan

