Julio's POV
"o andito na si Julio simulan na natin tila uulan pa yata" kararating ko lang dito sa lupain ni Palos ngayon ang takdang araw na hiningi ng mag asawang Yolanda at Renato para palinisan ang malawak nitong lupain.
Iniwan ko ang aking kabayo sa may maraming damo bago ko tinungo ang grupo upang simulan na namin ang paghahagyaw
"Ipagluluto ko na lang kayo ng monggo para pananghalian natin mamaya" sabad ni Yolanda na abalang nagpakain sa mga alaga nilang hayop.Inilibot ko ang aking paningin,tahimik ko lang pinasadahan ang kanilang paligid tama lang na hindi nila mahalata na may hinahanap ang aking mga mata,ngunit dismayado ako dahil mula ng dumating ako ay ang mag asawa lang ang nakita ko sa kanilang kubo.
Tanghali na, ang kaninang nagbabadyang ulan ay napalitan ng mainit na panahon,nandito lang ako sa isang malaking puno ng kahoy nagpapahinga habang ang iba kong kasamahan ay umiinom ng lambanog.
"Julio! lambanog?" alok ni Oscar,ngumiwi lang ako na hindi tinugon ang kanilang alok.
"Naku yang si Julio tatanda siguro yang binata ni hindi man lang malapitan ni makisama lang sa atin tss" dinig ko pang ako ang pinag usapan nila.
"ang dami pa namang kadalagahan nagkagusto nyan sa Sitio sa tuwing bumababa yan,kung sa akin pa lang pinagkaloob ang ganyang tindig at kagwapuhan ang dami ko ng inanakan"
"parang si Mang Patenten lang ahahaha" tawanan ang mga ito na nag iinuman,tumayo na lang ako para ilipat ang aking kabayo sa mas maraming damuhan nang may matanawan akong tumatakbo papunta sa gawi namin
"Tatang kakain na raw sabi ni Nanang" halos lahat ay napalingon nang dumating si Elayda.
"sige sunod na kami" saad naman ng ama nito
"Mang Julio" patakbo na sana ito kung saan ako nakatayo dito sa puno ngunit tinawag siya ng kanyang ama kaya natigilan ito.
"Elayda! bumalik ka na sa kubo!" Nakabusangot ang kanyang mukha na napabalik sa dinaanan niya kanina.Nagpatiuna na rin akong umuwi nang marinig ko si Oscar at Renato na mahinang nag uusap sa aking likuran.
"Renato isang kalabaw ang alok ni Kanor dyan sa..alam mo na para sa isang gabi nya kailan mo ba daw dadalhin yan sa sitio?" nagpanting agad ang aking tenga sa narinig mula kay Oscar,wala man itong binanggit na pangalan ngunit alam ko na kung sino ang ipinahiwatig nito.
"mamayang hapon Oscar,naghahanap lang ako ng tiyempo alam mo naman yang asawa ko bantay sarado sa baliw na babaing yan!" hindi ako nagpahalata na mataman ko lang pinakinggan ang usapan nila,nakakatulong rin ang hindi ko pakikisalamuha sa mga tao rito,ang ganitong masinsinang usapan ay hindi nila mahahalataan na tila wala akong pakialam.
"sige pagkatapos ko dito bababa ako mamaya papuntang Sitio,sabihan ko na lang si Kanor na hintayin ka nya sa bilihan ng mga kopra" halos pabulong na sambit ni Oscar sa matanda,tinapik nito ang balikatni Oscar tanda ng pagsang ayon sa plano nila.
Hindi ko mawari kung totoong ama ba si Oscar ng batang si Elayda kung bakit ito mismo ang nagtulak sa anak na mapahamak.
Pagdating namin sa kanilang kubo ay nakalapag na ang pagkain sa malaking mesa nila sa labas ng kubo,lahat ng mga kasamahan ko ay nagkanya-kanya na ng pwesto kita ko pa si Elayda na inabutan ang bawat isa ng plato.
Kinuha ko ang aking sariling baunan at umupo sa malayo nang may kumalabit sa likod ko.
" wahhh! hahaha! nagulat ka Mang Julio" pinasadahan ko lang siya ng tingin may dala itong isang bowl ng monggo.
"Mang Julio higop ka sabaw oh" pag aalok niya,nilapag nito ang dala niyang sabaw at tumabi sa akin na nagsimula na ring kumain sa dala kong baon.
"Mang Julio punta kami ni Tatang mamaya sa Sitio Tumali bibilhan nya raw ako ng manika at damit kasi nagpadala daw ng pera si Mang Palos" natigil ako sa aking pag kain at napalingon sa kanyang kinauupuan katabi ko.
"sasama ba sa inyo ang Nanang mo?" seryoso kong tanong nagsimula na akong magduda sa plano ni Renato sa walang kamuwang muwang niyang anak.
"hindi,inutusan nya si Nanang na dikdikin ang nakuha naming mga buto ng kape kahapon para mabilad daw agad bukas" Nagpakawala ako ng buntong hininga na nawalan ng gana sa aking kinain.
"Mang Julio ayaw mo ba ng sabaw sa monggo?"
"ikaw ba nagluto nyan?"
"ahm hindi taga tikim lang ako wehehehe" inosente itong ngumiti sa aking harapan,tumayo na ako,ibinalik ang aking baunan sa bitbit kong bag pati na rin ang gamit kong itak panghampas sa mga damo
"uuwi ka na Mang Julio?" tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo,kinuha nya ang kanyang dalang gulay na monggo.
"ayaw mo bang kainin ang luto ni Nanang?" malungkot ang kanyang mukhang napahawak sa maliit na bowl,walang salita ko siyang tinalikuran,sa dalawang taon ko dito ni minsan hindi ako kumakain sa bawat alok ng pagkain sa mga tao dito.
"Mang Julio hoy hmp! suplado naman oy!" Diretso akong umalis upang puntahan ang aking kabayo,walang bahid ng pagtataka mula sa aking mga kasamahan sa hagyaw ang aking paglisan ng hindi man lang nagpaalam sa kanila sanay na ang mga ito sa aking asal maliban sa matandang Yolanda.
"Julio uuwi ka na ba?parang hindi ka yata kumain ah,heto magdala ka na lang ng gulay sa kubo mo para di ka na makapagluto ng hapunan mo" pagmamagandang loob niya,ngunit katulad ng unang alok ng anak niya ay tinanggihan ko ito at kinausap saglit.
"Anong oras aalis ang mag ama mo mamaya?'' kita ko sa mukha niya ang pagtataka sa naging tanong ko.
"mamayang alas kwatro ng hapon Julio,isang oras din ang lalakbayin galing dito patungong Sitio Tumali sakto pagdating nila doon ay naihulog na ni Palos ang pera bayad niya sa amin sa pagbabantay ng lupain niya,hindi pa kasi namin makoprahan ang mga niyog, sa mga susunod na buwan pa kaya humingi muna kami ng tulong kay Palos para pangkain namin dito" mataman ko lang siyang pinakinggan,respeto ko na rin sa kanyang pagmamagandang loob ay nagpaalam ako sa kanya ng maayos na mauna ng umalis.
"salamat sa pagtulong mo nung isang linggo Julio nakabili kami ng bigas" pahabol niya sa akin,sumenyas na lang ako sa matanda at nagpatuloy na sa paglakad patungo sa pinagpwestuhan ng aking kabayo at mabilis na bumalik sa kubo.
I gently cleaned my .45 caliber with a dry cloth and blew on it.A cabot gun custom 1911,isa ito sa mga limited edition na uri ng baril na nabili ko sa ibang bansa. I lit a cigarette as I gently caressed the gun in my hand.
"seems like you'll be useful tonight huh!" I devilishly smile hawak ang makinis na baril,itinapon ko ang aking sigarilyo,oras lang ang aking hinintay and the show is about to begin....
____________
Mataman kong pinapaliguan ang aking mga kabayo sa kwadra,nang biglang tumahol si Blackie na nagpahinto sa aking ginawa.Pagdungaw ko sa labas ang mag ina na palaging dumadaan dito sa aking kubo ang dumaan,ang dalagang babae ay ito rin ang palaging kumakausap sa batang si Elayda.
"Julio pwedeng makisilong muna kami" ito ang palaging sambit ng kanyang ina sa tuwing dumadaan sila dito sa aking kubo,patuloy lang ako sa paglilinis ng aking kwadra nang magsalita itong muli.
"Julio nabalitaan mo ba ang nangyari kagabi sa Sitio Tumali?kay Kanor ang suki natin dito sa pamimili ng saging?"segundo ko lang siyang pinasaringan ng tingin pinagpatuloy ang aking pagligo sa mga kabayo.
"may bumaril sa kanya kagabi Julio hinarangan ang sasakyan niya,buti na lang sa paa lang ito natamaan! kaya lang hindi na makalakad nilumpo yata ng nakabaril sa kanya kawawa naman problemado tuloy tayo ngayon kung kanino na natin ipambili ang mga produkto natin si Kanor lang kasi dito ang may kaya lang sa buhay na bumibili sa produkto natin "
A terrifying smile formed on my lips as I listened to her story ang tungkol sa pagbaril kay Kanor...
(Author's note: ay alam na kung sino ang bumaril!!😂😂..please add library po kung gusto ninyo ang kwento para tuloy-tuloy ko na po siyang ma update,salamat po😊😊❤️❤️)