Nakahanda na kami ni Tatang para sa pagbaba namin dito sa bundok papuntang Sitio Tumali.Nagtaka pa ako dahil gusto ni Tatang maayos ang aking suot,sanay naman ako na naka panlumang bestida lang puro pangit naman mga tao doon si Mang Julio lang igop sa paningin ko. "Elayda bilisan mo nga ang kilos mo dyan anong oras na! kapag abutan tayo ng ulan di na tayo makatawid sa ilog tataas ang tubig" bulyaw ni Tatang,nasanay naman na ako sa ugali niya masama ang trato niya sa akin kabaligtaran kay Nanang inaalagaan ako. "hmp! sumbong ko kaya sila kay Nanang na nag ensayo sila sa Nanay ni Marissa sa loob ng silid tas hubad pa" bulong ko sa sarili nakanguso habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok,gusto ko sanang pumunta sa kubo ni Mang Julio sabi kasi ni Marissa marami raw bunga ng lansones sa lup

