Chapter 10

1796 Words
•••???••• ????????'? ??? Matapos ang pangyayari ay nandito na kami ngayon sa HQ o headquarters ng Councils. Nandito rin ang lahat ng board members ng paaralan maski na ang lahat ng magtuturo sa paaralang ito. Naka-upo lang ako habang hinihilot ang sintido ko. Iniisip ko pa rin kung anong nangyari kanina. Basta ang natandaan ko lang ay nawalan ako ng malay nang sinakal ako ni Yumi. Ang kasunod no'n ay wala na. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa lupa habang hinahawakan ako nila Liam at Lucas para tumayo. At ang mas nakakalito pa ay nakita ko si Grey sa vision ko na may kasama na, ewan ko kung babae ba 'yun o lalake basta nakatalikod siya kaya hindi ko nakita ang mukha niya at buhok niya kasi naka hoodie rin ito. ”Paumanhin mahal na diwata sa biglaang pangyayaring---” ”No need… just, find Mr. President.” pagpuputol ko sa dapat sanang sasabihin ni sir Boress habang hinihimas pa rin ang sintido ko kasi masakit pa rin ito. ”Nasa'n si Ma'am Aurora?” dugtong kong tanong sa kanila. Nakita ko na tumahimik silang lahat. Kaya napaangat ako nang tingin sa kanila ng nakakunot ang noo. ”S-she's also g-go---” ”What?” napatayo ako dahil sa sinabi ni Sir Boress at lahat naman sila ay napaatras ng bahagya maliban sa mga kakilala ko na sina Julia at sa lahat ng nakakasalamuha ko sa paaralan. ”Hija, huminahon ka muna.” napabaling ako sa aking likod nang may pumasok doon na isang babae na hindi naman katandaan. Kasama niya sina Marco at Althea na nakasalubong pa ang kilay. Nang magtama ang paningin namin ni Thea ay kaagad niya akong inirapan. ”I assure you na ligtas lang sila. But your face looks familiar to me. Nagkita na ba tayo dati?” nainis ako sa sinabi niya. ”No they're not. Hindi ho ako tanga!” mahinahon ngunit may diin kong sagot sa kaniya. Hindi ko na inisip pa ang mga sinabi niya sa 'kin kasi wala naman akong interes doon. ”Then maybe you are now.” pumasok naman ang isa pang babae na hindi ko kilala. ”Amelia! Very rude.” ang sabi ni principal Gil. ”Mom,” ani naman ni Alex na kanina ay tahimik lang sa gilid. ”My niece is just wander---” ngunit tila natigil lahat nang nagdabog ako at lahat sila ay napatayo sa kanilang inuupuan dahil sa lakas ng pwersa na kumawala sa 'kin na hindi ko sinasadya. Naramdaman ko na naman ang kakaibang init sa aking katawan na nagmumula sa 'kin kailaliman. Ewan ko pero umiinit ang ulo ko ngayon. ”Samantha!” mapagbantang tawag sa 'kin ni Sun. Nang tumingin ako sa kaniya ay umiiling siya sa 'kin. ”Your highness! Nakita ko na sila.” lahat kami ay napabaling kay Kristoff na ngayon ay nakapikit na nakahawak ang dalawang daliri sa kaniyang noo malapit sa kaniyang mga mata. ”See, I told you okay lang---” ”I guess they're n-not…” sagot ni Kristoff kahit hindi pa natatapos ang sinasabi ng matandang babae. ”Bet you're too weak to be a goddess! You can't even locate someone. A true godd---” ”Althea, Please!” sabi ni Marco sa kaniyang kapatid na si Thea. They like butting in now. Nakakatawa lang kasi sinisi na naman nila ako while them, mukhang mga sisiw na nagtatago lang kasi ayaw mamatay! Nakita ko ang pag-irap ni Thea na hindi ko na ginantihan pa. Hindi lang siguro niya naiintindihan ang sitwasyon ko kaya siya gano'n sa 'kin. ”They're in a wood… r-running for their lives because there's a--- FCK! SHĮT!” maski kami ay nagulat ng sinabi iyon ni Kristoff habang idinilat ang mga mata niya. Hinihingal siyang napahawak sa kaniyang dibdib. Naka-imprinta rin sa kaniyang mukha ang takot at pagkagulat. ”Bakit Kristoff?” tanong ng karamihan sa kaniya at ako naman ay naghintay lang sa sasabihin niya. ”I-I saw a… a b-basilisk. I almost die... Fck!” he cursed again. ”A basilisk!” ”Basilisk!” ”Like how?” ”Seriously?” Samo't saring wika nila at ako naman ay nakakunot lang kasi wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila. Ano ba 'yung basilisk na 'yun? ”A-anong basilisk? Umayos nga kayo! Sumasakit lalo 'yung ulo ko eh!” inis kong wika sa kanila. Wala na akong pake kung magmukha man akong walang respeto sa harap nila. Masakit na ang ulo ko kaya pasensyahan na lang sa masisigawan ko. ”Basilisk is a legendary reptile reputed to be a serpent king, who can cause death with a single glance on its eyes. Usually it is a pet of the demon king and it make sense now.” seryoso ngunit malamig na wika ni Sun sa 'kin. Then if that's the case, nasa panganib pala talaga sila ni Grey. Pero paano sila na punta doon. ”Saang kagubatan ba 'yun?” seryoso kong tanong habang naghahanda na. ”You can't go there princess. You must stay in the castle and---” hindi ko na pinatapos pa ang matanda. ”And what? Magtago katulad ng mga anak ng hari at reyna para hindi mamatay! Isang kaduwagan 'yun at wala sa bokabularyo ko ang pagiging duwag!” singhal ko. ”Watch your mouth, child! Kaharap mo ngayon ang dating reyna!” singhal naman sa 'kin ng ina ni Alex. ”It's okay, Amelia. Siya pa rin naman ang nakakataas sa 'ming dalawa.” sagot naman ng dating reyna raw. Mas lalo pang sumakit ang ulo ko dahil sa pinagsasabi nila. Parang anytime sasabog na ang ulo ko dahil sa sakit nito. Ang ingay kasi nila na nagpapadagdag nang sakit ng ulo ko. ”Nasa likod sila ng paaralan. I think they're trying to distract it away from the school.” sabi sa 'kin ni Kristoff nang tumingin ako sa kaniya kanina. ”But Sam. I think you should drink a medicine first to ease your---” ” Kaya ko pa Scarlet. Wag kang mag-alala.” sagot ko kay Scarlet. Himala at hindi na siya nagtaray sa 'kin ngayon. ”Maghanda na kayong lahat. At mag-ingat kayo, ayoko na may mamatay sa inyo! Maliwanag ba!” ma-awtoridad kong wika sa lahat. This is not the time to shy up. May karapatan na ako ngayon so why not use it in a right way. Walang sumagot sa 'kin kaya inulit ko muli ang sinabi ko at mas nilakasan ko pa. ”MALIWANAG BA!” mabilis naman silang sumagot. Pilit man o hindi ay wala na akong pake pa roon. ”OPO MAHAL NA DIWATA!” sagot nilang lahat sa 'kin. Kumilos na sila at nagsilabasan na. Lalabas na rin sana ako ng pigilan ako ng dating reyna. ”Hija…” napalingon kaagad ako sa kaniya. Malumanay lang ang boses niya pero halatang matanda na pala siya pag nasa malapitan na. ”Don't stress yourself too much. Hindi pa nagsisimula ang tunay na labanan. Kung nahihirapan kang palakasin ang sarili mo, magsabi ka lang sa 'kin. I'll g-” ”Mamaya na ho 'yan kasi ho may aasikasuhin pa tayo. Tsaka na tayo mag-usap niyan kapag tapos na ang problema.” masungit kong wika sa kaniya at nag-bow sa kaniya ng bahagya bago ko siya tinalikuran. ”You look like the old Addison.” bulong niya sa pag-alis ko na narinig ko naman. Hindi ko na rin pa inabala ang sinabi niya kasi masakit pa rin ang ulo ko. Nakahanda na silang lahat at kaunti lang kami. Hindi na namin pa isinali ang mga estudyante dahil alam ko na nabigla pa sila sa nangyari kanina lang. Bahagya naman akong nabigla nang may humawak sa magkabila kong braso. It was Lucas and Liam, bigla namang sumulpot sa harap ko si Grayson na may hawaka na kung ano sa kaniyang kamay kaya nakakunot ang noo ko nang tinitigan ko sila. ”Ano bang gi--hmmm” *cough* takte ang pait ng lasa, ito ba 'yung pina-inom ni Grey sa 'kin noon? Masama kong tiningnan ang tatlo na bumitaw na sa 'kin. ”Ano ba! Pwede niyo namang sabihin sa 'kin eh! Kailangan talaga gano'n?” inis kong wika sa kanilang tatlo. Nakita ko naman na nagkibit balikat si Lucas at saka ngumiti naman ng malapad si Liam sa 'kin. Si Sun naman bigla na lang lumapit sa 'king tenga at saka may ibinulong na biglang nagpakaba sa 'kin ng todo. ”Wala na ang lola mo. So better stop finding her.” iyon ang ibinulong niya at nanlaki talaga ang mata ko do'n sa sinabi niya. ”A-ano?” utal kong wika sa kaniya. Sa pagkabog nang malakas ng dibdib ko ay unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko. Doon ko nasilayan ang malokong ngiti ni Sun. Takte nadala ako do'n ah! Kainis! ”Mission success!” bulong niya uli sa 'kin na sa lapit ng mukha niya ay mukha na niya akong hinahalikan. Akala ko totoo na, 'yun pala paraan lang niya para pakabahin ako nang dahil sa gamot. Napapitlag at napaayos naman kami ng pagkakatayo ni James este Grayson nang magsidatingan ang marami-raming tauhan ng kaharian. Nakasuot sila ng armor na may kaniya-kaniyang espada. Nangunot kaagad ang noo ko ng makita ito, ”Hindi ba't sabi ko hindi na natin kailangan ng iba kasi baka makalas na naman ang buh-” ”Utos po ng mahal na hari at prinsesa, prinsesa ng mga diwata!” pagpupugay no'ng isa na sa tingin ko ay leader ng kanilang hukbo. ”Wag ka ng magreklamo pa Samantha. Hindi lang naman ikaw ang sinusunod dito.” mataray na wika sa 'kin ni Thea. Tinaasan ko naman siya ng kilay ng dahil sa sinabi niya at hindi na lang siya sinagot at tumalikod na. Ngunit narinig ko ang pagsagot ni Scarlet sa kaniya, ”Wag ka ring pa bida. 'Di naman bagay sa 'yo. Prinsesa ka nga pero parang wala naman sa pag-uugali mo!” ”Hindi required na maging mabait ang isang prinsesa, Scarlet. Utak ang labanan kapag namumuno ka na. Hindi kasamaan ng ugali. Masama man ako sa paningin mo, well, hindi mo naman alam ang istorya ko kaya tigilan mo ako sa kaartehan mo!” galit niya iyong sinabi kay Scarlet. At napansin ko na parang may pinaghuhugutan siya sa mga sinasabi niya. ”Your Highness! Kailangan na nating magmadali! Nanganganib na ang buhay ng dalawa.” ang sabi ni Kristoff na nagpaalerto sa buong sistema ko. ”LAHAT AY MAGHANDA NA SA PAGLUSOB! TANDAAN, HUWAG TITINGIN SA KALABAN ANUMAN ANG MANGYARI. SA PAA LANG ANG TINGIN, MALIWANAG BA!” buong lakas na wika ni Marco sa lahat. Sana naman ay maabutan pa namin sila… Grey, ma'am Aurora… we're coming.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD