•••????•••
??????'? ???
”Anong nangyayari sa kanila?” bungad kong tanong kay Scarlet.
”Malay ko ba? Umaatake lang sila sa 'kin kaya ayan pinatulan ko.” iritadong sagot ni Scarlet sa 'kin.
”Red!” bumungad sa 'min ng naghihingalong si Sun.
”Hindi ka ba nasaktan?” dugtong niya na ini-inspeksyon pa ang kabuuan ng kaniyang bunsong kapatid.
”Get off! Hindi na ako bata pa!” inis naman na wika ni Scarlet. Ang arte talaga! Tsk!
Sa 'kin wala bang magche-check? Kainggit naman 'tong mga 'to. Ba't ba kasi wala akong kapatid na lalake!
Bigla na lang may marahas na kamay ang humila sa 'kin kaya napa-ikot ako sa taong iyon. Bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Kristoff. Ininspeksyon niya ang kabuuan ko ngunit wala siyang sinasabi ni kahit isang salita man lang. Para naman akong timang na napangiti na lang dahil sa kaniyang ginawa.
”Okay lang ako,”ani ko sa kaniya. Nakahinga naman siya ng maluwag ng sinabi ko iyon.
Nagulat ako nang bigla na lang may lumipad na bato sa direksyon namin ni Kristoff ngunit mabilis niya lang itong nasangga sa isa niyang lang kamay habang nakatingin lang sa 'kin. Nakita ko ang pagsama ng timpla ng kaniyang mukha. Kaagad niyang nilingon ang pinanggalingan ng bato na iyong at ihahagis na sana niya ito nang pigilan ko siya.
”No! They don't do that on purpose. May komokontrol lang sa kanila,” ani ko sa kaniya habang walang emosyon naman siyang nakatingin sa 'kin.
”Then if that's the case, patay na tayo ngayon. Force or not, protect yourself no matter what!” singhal niya sa 'kin at saka itinuloy ang paghagis no'ng malaking bato na nasa kamay niya sa pinanggalingan nito.
Sapul ang lalake sa tiyan nito at tumilapon pa sa pinakamalayo. Nakaawang ang bibig ko na nakatingin lang kay Kristoff. I wonder gaano ba kalakas ang lalakeng ito?
Nasa upper class lamang siya ngunit daig pa niya ang prinsipeng si Marco sa lakas nito.
”Go tell, Samantha,” ani ni Sun na ikinalingon ko.
”We have no time girls! Maaring ang iba dito ay hind na 'tin ka-uri.” sabi naman ni Kristoff habang nilalagyan na naman kami ng barrier.
”Why Samantha?” tanong naman ni Scarlet.
”Obviously, they're screaming her name.” sarcastic na sagot ni Sun.
”Let's go Scarlet.” ako na ang humila kay Scarlet kasi baka mag-away na naman ang dalawa.
Nagsimula na kaming maglakad nang mabilis. Ang ibang nadadaanan namin na estudyante ay kinakalaban kami ngunit mabilis naman namin itong napipigilan ni Scarlet habang si Scarlet naman ay nakasimangot lang at mukhang badtrip na naman. Ayaw na ayaw niya talaga sa ganitong labanan eh!
Hindi nagtagal ay nakasalubong na namin si Samantha kasama si supremo. Mabilis namin silang nilapitan. Nag-bow muna kaming dalawa ni Scarlet habang inilalagay ang isang kamay sa dibdib sign ng aming pagpupugay kay Samantha. Syempre mas angat na siya sa 'min ngayon. At hindi pa rin ako makapaniwala na siya ay isang diwata.
”The student went crazy. Mukhang may nagko-kontrol sa kanila. We need to stop them as soon as possible kung hindi magkakamatayan na naman.” bungad kong tanong kay Sam.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kasi wala nang oras e at mukhang nababaliw na talaga ang mga estudyante dito. Sisirain na naman nila ang paaralan tapos itatayo na naman namin. Maraming ng nasayang na pera at buhay tapos madadagdagan na naman ngayon.
Kailan ba magkakaroon ng kapayapaan ang bansang 'to? Nakakabanas na kasi na puro na lang ganito.
”Proceed...” ma-awtoridad na wika ni supremo.
Nakita ko na may tinanggal sa mata si Sam. Is she taking off her contact lenses? But why tho--- I was stunned for a while nang makita ang mata niya. Nakakalunod siya sa sobrang ganda nito. 'Yung tipong parang hinihigop ka sa loob nito.
”Aray!” napadaing ako nang hinampas ako ni Liam.
”Don't stare in her eyes ng gano'n katagal. Baka makulong ka Phia!” galit na bulong sa 'kin ni Liam.
”I'm sorry…” maikli kong sagot.
”Let's go! Kailangan na nating tapusin 'to.” ang sabi naman ni Sam na puma-una nang maglakad sa 'min lahat.
Paano niya nagagawa iyon? I saw determination in her eyes. Nakakamangha naman siya kasi kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay tumakbo na ako nang dahil sa makapigil hiningang obligasyon na hawak-hawak niya.
Paano niya nagagawang maging matapang ng gano'n? Kung iisipin kong mabuti ay never ko pa siyang nakitang umiyak ng dahil sa problema niya. Never ko siyang nakitang nanumbat ng dahil sa kapalaran niya.
She's indeed a brave woman. Buti na lang talaga sa kaniya napunta ang kaluluwa ng sinaunang diwata noon.
Sumugod na ako ng may mga estudyante ng sumusugod sa 'kin. Mabilis kong ginamitan ng kapangyarihang ang bawat estudyante na sumusugod sa 'kin. Pero hinihinaan ko lang 'to kasi ayaw ko na mapuruhan sila kasi baka ikamatay pa nila ito.
”Argh!” daing ko nang may biglang tumama sa aking ulo.
Napahawak ako doon ng maramdamang may umaagos. At nakompirma ko na dugo iyon. Hinanap ko kung nasaan at sino ang may gawa sa 'kin nito.
Tumama ang mata ko kay Fey. Nakakunot ang kilay niya at umiiyak siya. Pero labas pa rin ang kapangyarihan niya sa kaniyang kamay.
And I found out something. May kung anong itim na mahika ang nakapalibot sa leeg niya, sinipat ko ang iba at gano'n din ang nakita ko. Maybe that's the reason kaya sila nagkakaganyan.
Sinangga ko ang atake ni Fey at sinubukan kong lapitan at hawakan ang itim na mahika sa leeg niya ngunit hindi ko pa nga nahahawakan ito ay tumilapon na ako, I mean kami palang lahat dahil sa lakas ng enerhiya na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Napadaing ako ng bahagya ngunit hinanap ko naman kaagad kung saan galing iyon. At nakita ko si Sam na nakataas lang ang isang kamay habang ang buhok niya ay umiilaw ng bahagya 'yung mga parte na may kulay lila.
Nakakamangha siyang tingnan kasi nakakadagdag sa karisma niya ang kaniyang bagong buhok at mata na bumagay lang sa pagkatao niya.
”Tumigil na kayo.” ito ang unang beses na narinig ko siyang napaka-seryoso at napakalamig.
Mukhang naging magic ang kaniyang boses kasi lahat nsng naglalaban ay napatigil at napatingin sa kaniya. Doon na umilaw ang kaniyang mga mata kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.
”Inuutusan ko ang lahat na tumigil na kay---” napasinghap ako ng bigla na lang may sumulpot sa harap ni Samantha.
At 'yun ay si Yumi na sinasakal na ngayon si Sam. Kakaiba siya kung kumilos at tila kakaiba rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mabilis naman na lumapit si Liam sa kanila at ako rin ay patakbong lumapit doon.
”Yumi, bitaw?” ma-awtoridad iyong sinabi ni Liam.
I immediately try to manipulate Yumi's reality at baka sakaling kaya kung gawin iyon sa black magic na nasa kanila.
”Yumi…” rinig kong wika ni Sam.
Lumapit naman bigla si Grey at Sun at walang pasabing ibinalibag si Yumi na ikinagulat ko talaga. Hindi kasi gumana ang kapangyarihan ko sa kaniya.
”ANO BA!” galit na sigaw ni Sam sa dalawang magkakambal. Buti na lang nasalo kaagad ni Liam si Yumi bago pa ito tumama sa kung saan.
Bigla na naman akong nakaramdam ng sakit sa aking katawan ng may hangin na naman na dumaan. At makailang minuto pa ay sumuka na lang ako bigla ng dugo.
Nakita ko na gano'n din si Scarlet na nakahawak pa sa dibdib niya. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili ko at si Scarlet na nasa iisang pwesto habang pinapalibutan ng barrier na siguradong akong gawa ni Kristoff.
Doon ko nasaksihan ang kakaibang kapangyarihan ni Samantha. Bigla kong naalala sa kaniya si Alice. She's like Alice but a more braver and fierce.
May lumabas na kung anong liwanag sa kamay niya na siya palang dahilan kung bakit kami nasusuka ni Scarlet kanina because it's some kind of radiation masama sa katawan ng kahit anong nilalang sa paligid.
”With my words and power. I, Ayanah Natashia the crown princess of all the goddess, order all the student here in my school to stop this craziness. And for the person who did this… start hiding darling, if I catch you, you'll gonna end up dead!” iyon ang lumabas sa bibig ni Sam.
Kasabay ng pagtatapos ng kaniyang salita ay ang pagkawala ng itim na mahika sa leeg ng mga estudyante. Pero hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko ang kaniyang sinabi.
How did she know the name of the past her?
Mabilis na nagsitigil ang lahat nang isang malakas na hangin na naman ang kumawala mula kay Samantha. Bahagyang dumilim ang kalangitan nang ginawa iyon ni Sam. Isang kidlat at kulog ang kumawala mula doon. Nabasag ang ginawang barrier ni Kristoff sa 'min at narinig ko siyang dumaing kaya napalingon ako sa direksyon niya. Tatakbo na sana ako doon ng tinigilan ako ni Scarlet.
”Phia no! Run and you'll end up dead kapag natamaan ka ng kidlat.” tinaasan ko siya ng kilay.
”I'm a lightning Scar---”
”It's Princess Ayanah's power Phia. Nobody can't beat it except herself.” natigil ako sa sinabi ni Scarlet.
”Ahhhhhhh…” napalingon kaming lahat sa isang estudyante na naglulumpasay sa sahig habang kinakalmot ang kaniyang leeg na may umiilaw na lila.
Naramdaman ko na lang ang kamay sa aking balikat kaya napalingon ako ddon at si Kristoff ito, sa kabila naman niya ay si Sun na hinawakan rin si Scarlet.
”So, ikaw pala.” ang sabi ni Sam na nilapitan pa ang naglulumpasay pa rin na babae.
”H-hindi k-ka magtatagumpay…” iyon ang huling sinabi ng babae matapos siyang maglaho ng biglaan na parang bula.
Nang mawala ang babaeng iyon ay nawala na ang pagdidilim ng kalangitan at lumiwanag na ito uli.
”Oh! Samantha!” napatakbo ako kay Sam ng wala sa oras nang bigla na lang siyang bumagsak sa sahig at napa-upo doon na sapo-sapo ang ulo niya.
Nauna namang dumating sa 'kin si Lucas at Liam na kaagad na hinawakan si Sam.
”Young lady…” dinig kong tawag ni Liam sa kaniya.
”Sam okay ka lang?” bungad kong tanong sa kaniya.
”Si Grey… nasaan si Grey...” iyon ang lumabas sa bibig ni Sam na bahagya pang hinihingal.
Bigla akong kinabahan sa kaniyang sinabi kahit na nakapikit lang siya. Kaya tinawag ko kaagad si Kristoff.
”Kristoff. Find Mr. President on your vis---” hindi pa nga ako natapos ay may sagot na siya sa 'kin.
”I can't find him. Maybe he's not here in the campus.” iyon ang sagot niya.
I had this feeling na hindi pa tapos ang pag-atake ng kung sino na namang kalaban sa 'min. At kinakabahan ako kasi baka nakuha nila si supremo. Si supremo na lagi na lang may sakit pagdating ni Sam sa mundong 'to.