Chapter 08

1513 Words
•••?????••• ????????'? ??? Nagising ako sa hindi ko malamang lugar. Nasa isang malaking kama ako at isang kwarto na halos lahat ay puti at napakalawak pa ng kwarto. Anong klaseng kwarto eto? Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Ni wala man langa kong makitang pintuan o 'di kaya bintana man lang. Anong klaseng lugar ba 'to? ”Hello~” ngunit nabigla ako ng hindi ko mabuksan ang aking bibig. Mabilis kong kinapa ang aking bibig at wala naman kahit anong bagay na nakakapagpigil sa 'kin na magsalita. Ngunit bakit hindi ako makapagsalita? May nakita akong isang babae na ang kasuotan ay puti lahat. Bigla niya akong nilingon kaya kumunot ang noo ko. ”Kamusta ka magandang prinsesa,” ani niya sa 'kin. Sinubukan kong sumagot sa kaniya pero nabigla ako ng may ibang boses akong narinig. ”Ikaw? 'Di ba ikaw ang diwata na nagligtas sa 'kin noon nang makulong ako sa panaginip?” iyon ang sinabi ng boses. Pero nakakapagtaka kasi katunog ito ng aking boses? Sinubukan ko uling magsalita ngunit hindi pa rin ito lumalabas sa aking bibig. Nakita ko ang pagtango ng diwata. ”Oo ako nga. Congratulations! Ikaw ngayon ay isa ng ganap na diwata. Sa araw na 'to ay nabuhay na rin ang iyong mapapangasawa.” ang sabi niya. Namilog ang mat ko sa kaniyang sinabi. Doon ko lang napagtanto na hindi ako ang magko-kontrol ng aking katawan ay may ibang nilalang na nakapasok sa 'kin. Hindi ko kontrolado ang katawan ko ngayon. ”Hahaha!” narinig ko ang pagtawa ng aking sarili. Sino ka ba at pumasok ka sa katawan ko? Tanong ko sa babaeng nasa katawan ko. Pero wala akong nakuhang sagot. ”Bakit ka tumatawa diwata?” inosenteng tanong ng diwatang kaharap ko. May katandaan na siya pero maganda pa rin naman siya, ngunit hindi ko lang siya kilala. ”Kailan mo ba titigilan ang kahibangan mo? It's almost thirty years, please tumigil ka na!” sabi ng babaeng nag control sa sarili ko. Medyo naantig ako sa pinag-uusapan nila kasi feeling ko ay patungkol ito sa nangyayari sa 'kin ngayon. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mata ng diwatang kaharap ko. ”P-paanong? W-wag mong sabihing…” Naramdaman ko ang aking sarili na ngumiti ng nakakaloko. ”Long time no see, Ina. Ano na namang kahibangan ang pumasok sa isipan mo at dinamay mo na naman ang inosenteng batang ito.” galit iyong sinabi ng babaeng nasa kawatan ko sa diwatang tinawag niyang ina. ”Paano ka nakapasok sa batang iyan? Ikaw ba? Ikaw ba ang sumabotahe sa mga plano ko?” puno ng hinanakit ang diwata sa harap an ko ngayon. Sino ka bang nasa katawan ko? Salita ko, nagbabakasakali na baka marinig niya ako. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit hindi ko nagawa. Mukha akong na sleep paralysis sa sitwasyon ko ngayon. ”Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo ina. Gising ang diwa ng babaeng ito kaya naririnig ka niya.” nabigla ako sa sinabi ng babae. Alam niya. At may kinalaman ang diwatang kaharap ko sa mga nangyayari sa 'kin. Siya ba ang naglagay sa 'kin sa mundong ito? ”Itigil mo na 'yan! Gusto ko lang naman na makasama kang muli, mahal kong an--” ”Stop it, ina! Hindi mo alam kung paano magmahal. Sarili mo lang ang iyong iniisip. You only love me because it can benefit your image here, in this land.” ang sabi pa ng babaeng nasa katawan ko. ”No matter what you say. I will do this and the prophecy of that book will gonna happen, no matter what!” ”You gave me no choice then.” mariin naman na wika ng babae na nasa katawan ko. ”You can't do anything. Wala ka ng kapangyarihan, remember? And I'm doing it kasi gusto ko na bum---” ”You're doing it for it love then I'm doing it for justice. And I have my ways mother. And now its gonna be the start of our war.” Ni isa sa mga pinagsasabi nila ay wala akong maintindihan. Patungkol saan ba ang pinag-uusapan nila? Bigla na lang nagpalabas ng kapangyarihan ang diwata at tumama iyon deritso sa dibdib ko. Naramdaman ko kaagad ang sakit nito kaya napapikit ako ng wala sa oras at sa muling pagdilat ng mata ko ay puting kisame na ang sumalubong sa 'kin. ”Sam!” napabaling ako sa kanang bahagi ko ng marinig ko ang baritonong boses ni supremo. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha ng siya ay makita ko. ”Kamusta ang pakiramdam mo, Samantha?” napabaling naman ako kay ma'am Aurora. Nakita ko rin na nandito sa loob si Julia at Liam maski na ang iilang gwardiya na nasa pintuan at nakabantay. Panaginip na naman ba ang lahat ng iyon? O isang pahiwatig? Saan ba ako maniniwala? ”May masakit pa ba sa 'yo?” Tanong naman ni Julia. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinulungan naman kaagad ako ni Julia. Doon ko lang napansin na namumutla pala si supremo sa harapan ko. Naka-upo lang siya sa kabilang higaan at masasabi ko na kakagising niya lang rin ng dahil sa magulo nitong buhok. Marahil ay nawalan din siya ng malay kasi nararamdaman din niya nag sakit ko. ”Young lady, magsalita ka naman po. Tinatakot niyo naman po kami.” ang sabi ni Liam sa 'kin. Sinubukan kong magsalita ngunit namaos kaagad ang boses ko. Mabilis naman akong binigyan ni Julia ng tubig. ”Tubig oh, tubig,” ani niya. Kinuha ko naman kaagad ito at mabilis na ininom. ”Okay na po ako.” ang sabi ko sa kanila. Binalingan ko kaagad si supremo, ”Ikaw? Ayos ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Tumango siya, ”Hmm…” Bigla naman na may pumasok sa pinto na ikinalingon naming lahat. Naghihingalong Alex ang bumungad sa 'min kasama sina Layra at Drey. ”Mahal na diwata! Nagkakagulo po sa main campus. May mga estudyante po na biglaan na lang mag-away.” mabilis na wika ni Alex sa 'min. ”At marami po sila.” dugtong ni Drey, 'yung kapatid ni Fey at Rex. ”And their acting strange. As if hindi nila ginugusto ang mga pinaggagawa nila.” dugtong din ni Layra. ”Bakit sa diwata ninyo sinasabi? Kakagising lang niya.” tanong ni ma'am Aurora. ”Parte ng lumalabas sa bibig nila ay ang pangalan ni Ate Sam. Kaya po kami nandito.” sagot ni Alex. ”Edi sana pinigilan niyo sila. Mas malakas kayo sa kanila.” malamig na wika ni Grey. ”Argh! Ahhh!” napalingon kaming lahat kay Julia. Bigla na lang siyang napadaing na napahawak sa dibdib niya. Kumunot ang noo ko at mabilis siyang sinalo ng ma out balance siya. ”Okay ka lang?” mahinahon kong bulong sa kaniya. ”Sam… hindi maganda ang kutob ko.” balik niyang bulong sa 'kin. ”Bakit? May nararamdaman ka na naman bang kakaiba? May panganib na naman ba?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. ”Ang libro… Nasaan ang libro?” balik niyang tanong sa 'kin. ”Nasa unit natin bak---” ”Samantha! Sa tingin ko kailangan mo ng tumayo diyaan. Nagsisimula na siya.” napabaling ako kay ma'am Aurora. Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa 'kin. ”Ang libro Sam. Sa tingin ko ay may kinalaman na naman uto sa libro.” wika naman ni Julia sa 'kin habang tumatayo na. Mabilis naman akong tumayo mula sa kama. Gano'n din ang ginawa ni Supremo. ”Bilisan niyo po mahal na diwata. Baka masugatan po ang kuya Ian ko.” seryoso akong napabaling kay Drey sa sinabi niya. ”Anong ibig mong sabihin? Nakisali si Rex?” nahagip ng mata ko ang bahagyang pag-irap ni Grey ngunit hindi ko na iyon pinansin oa kasi mas nakapukos ako kay Drey. ”Tara na! Maghanda kayo kasi mukhang mapapalaban tayo.” ma-awtoridad na wika ni ma'am Aurora. Bigla akong kinabahan sa sinabi ni ma'am. Sa paglabas pa lang namin sa loob ng klinik ay lahat ng estudyanteng nadadaanan ko ay yumuko na sila at binabati ako. Nakita ko pa ang bahagyang pamimilog ng kanilang mga mata o ' di naman kaya ay pagkagulat. Nabigla ako ng may lumipad na mag sandata sa 'min. Mabilis ko naman iyong natigilan gamit lang ang isa kong kamay. Ngunit nabigla pa rin ako kasi ang mga gwardiya kanina na sumunod lang sa 'min ay nasa harapan na at naging alerto rin na ani mo'y pinoprotektahan ako sa anumang atake na pupunta sa direksyon namin. Ano ba kasing nangyayari? Naghihingalong sumalubong sa 'min si Sophia at Scarlet na nakabihis ng paglaban. Mukhang may kalaban nga. Nagbigay pugay sila sa 'kin na tinanguan ko lang. ”The student went crazy. Mukhang may nagko-kontrol sa kanila. We need to stop them as soon as possible kung hindi magkakamatayan na naman.” sabi ni Sophia. Hindi ko alam kung ano na naman ang nangyayari ngunit isa lang naiisip kong paraan para kaagad na matigil ang lahat. Ang ipakita ang mga mata ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD