Chapter 07

1487 Words
•••?????••• ????????'? ??? "Higher Samantha! Do not lower it." ang sabi ni ma'am Aurora. Nandito na naman ako sa training room niya at pinaparusahan na naman niya. Ewan ko kung matatawag pa ba 'tong training. Parang parusa na kasi 'to ma'am Aurora eh. "Yes ma'am." matamlay kong sagot sa kaniya at sinimulan na muli ang sinasabi niya. Mas ginalingan ko pa ang pagwawasiwas ko ng hawak kong espada. But then I realized na hindi ko na eenjoy ang pag-eensayo ko kaya mabilis akong tumigil ata napansin naman iyon ni ma'am. "Oh Ba't ka tumigil? Gusto mo na naman bang maparusahan?" tumingin ako sa kaniya. "Ma'am... Nagsasayang lang ata ako ng oras sa paganito mo ma'am eh. Apat na araw na akong pabalik-balik sa ganitong proceso at hindi pa tayo nag po_proceed sa susunod. Papaano na lang kung bukas lumosob na sila?" inis kong wika kay Ma'am. "Edi patay ka na kasi puro ra reklamong bata ka." galit naman na wika sa 'kin ni ma'am. "Ma'am naman eh! Mukha ba akong nakikipagbiruan sa inyo? Hindi 'di---Sheyt!" malakas akong tumilapon ng inambahan ako ni ma'am ng atake sa espada na nasangga ko naman kaagad sa hawak king espada. Nang makabawi ay kaagad akong tumingin kay ma'am. Matalim ang mga tingin niya sa 'kin habang iwinawasiwas niya sa ere ang sandata niya na ani mo'y naglalaro lang ng isang stick. Kaya naman mas hinigpitan ko pa ang hawak sa sandata na nasa kamay ko ngayon. I recall Marco's advice noong tinuturuan niya ako. Ang kalaban hindi nagsasabi kung kailan siya aatake at iyon ang ginawa ni ma'am Aurora kanina. Buti napansin ko kaagad kung hindi edi sugatan na ko ngayon. Bigla na lang sumugod si ma'am sa 'kin kaya naman ay naalerto ako. Kahit na nangangalay na ang aking kamay dahil sa bigat ng espadang ito ay nakaya ko pa naman. Nagpapalitan na kami ngayon ni ma'am Aurora ng atake. At masasabi ko na napakalakas ni ma'am kumpara kay Marco. 'Yung bawat atake niya sa 'kin ay nagagamitan ko talaga ng buong lakas ko para hindi ako tumilapon. "Harder, Samantha! Make it harder!" sigaw ni ma'am sa 'kin habang buong lakas kong tinitigilan ang pagtulak niya sa 'kin gamit ang espada. "Ganiyan ka ba makipaglaban? Ang hina-hina mo pa Sama--" "Arggghh!" nainis ako sa sinabi ni ma'am kaya buong lakas ko siyang itinulak at binigyan pa ng isang atake na nagpatumba sa kaniya sa sahig. Hindi ako nagdalawang-isip na tutukan kaagad siya sa leeg ng tinangka niya pang i-angat ang sandata niya sa 'kin. Naka-upo siya ngayon sa sahig habang ako ay nakatayo at nakatingin sa kaniya ng seryoso at tagaktak ang pawis. Sawa na akong marinig ang panlalait niya eh. Minsan, madala s akong mainis sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niyang wala naman konek sa pag-eensayo ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni ma'am sa kaniyang labi. Isang mapaglarong ngiti kaya lubha akong nagtaka sa kaniya. Hindi ba siya si ma'am Aurora? O baka nagkamali na naman ako? Napansin ko ang bahagyang pagsenyas ng kaniyang kamay sa kabila kaya bigla akong naalerto. Sa paglingon ko ay may umatake sa 'kin na ng espada kaya mabilis ko iyong sinangga ngunit dahil sa lakas nito ay napaatras ako ng makailang hakbang papalayo sa kanila. Nanag makabawi ay doon ko lang nakikila ang lalake na umatake sa 'kin. Tinulungan niyang tumayo si ma'am Aurora at saka humarap sa 'kin. "Liam?" bigkas ko sa pangalan niya. Nag-bow siya na inilagay pa sa dibdib niya ang kaniyang kamay na nakahwak ng espada. Pagkatapos ay mabilis na ini-angat ang ulo. "What's up young lady!" bati niya. Kunot-noo akong nakatingin kay ma'am Aurora habang naghahanda rin sa kaniyang espada. Hindi naman siguro niya gagawin ang iniisip ko noh? "Great timing, Liam." papuri ni ma'am sa kaniya. "Anong ibig sabihin nito? Ma'am?" ngunit nagkibit-balikat lang si ma'am sa 'kin. Pagkatapos no'n ay inatake na ako ni Liam na sinangga ko lang habang umaatras. Masama pa rin akong nakatingin kay ma'am Aurora. "Gusto mo 'to kaya panindigan mo. Tinupad ko lang naman ang gusto mo." ang sabi pa ni ma'am Aurora sa 'kin. "Nang hindi sinasabi sa 'kin? Gano'n?" inis kong wika. Gano'n pala gusto mo ah. Edi pagbibigyan kita. "Sam. Paano ka matututo kung sasabihin ko sa 'yo ang susunod na atake ko? Hindi nagsasabi ang kalaban Samantha? Tandaan mo 'yan." wika niya pa. Kaya mas lalo akong nainis at sinangga ko na kaagad ang mga atake ni Liam. Hindi pa nga kami tapos ni Liam ay sumugod naman sa 'kin si Ma'am Aurora kaya nagsimula na akong mahirapan kasi dalawa silang umaatake sa 'kin. Ta's ang bibilis pa nila e isa lang ang espada ko. Dahil sa inis ko ay naisip ko ang sinabi ni ma'am Aurora sa 'kin noon. Tingnan natin kung hindi ka titigil. Umatake sila ng magkasabay maya sinangga ko ang kay ma'am Aurora at inilagan ko naman ang kay Liam ngunit sinadya ko na madaplisan ang tiyan ko sa dulo ng espada ni Liam. Pero kunti lang naman siya kaya hindi naman masakit. Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni ma'am Aurora. Huminto siya pero sige pa rin ako sa pag-atake sa kanilang dalawa kaya wala silang nagawa kundi kalabanin pa ako. Hanggang sa sinadya ko talaga na matamaan sa sandata ni Liam kaya napaatras ako at napadaing ng bahagya dahil sa sakit nito. Hindi naman talaga siya gaanong kasakit gusto ko lang ipakita kay ma'am na sa paglalaban 'din ay hindi naiiwasan ang magkaroon ng sugat. Gusto ko iyong ipamukha sa kaniya. "STOP!" galit niyang wika kaya naman ay tumigil kaagad si Liam. "Young lady, okay ka lang?" bungad kaagad na tanong ni Liam ng siya ay makalapit sa 'kin. Dumugo ng bahagya ang balikat ko at maliit na sugat lang din sa tiyan ko pero mahaba ito na hindi naman nagdulot ng dugo. "Sinadya mo 'yun noh?" galit na tanong ni ma'am sa 'kin. Umiling ako, "Ba't ko naman gagawin 'yun. 'Di naman ako bata." kunyari kong wika sa kaniya habang tiningnan ang sugat ko. Lumapit naman siya at marahas akong hinila mula kay Liam. Masama pa rin siyang nakatingin sa 'kin. Kung tinanggal ko lang 'tong contact lense ko malamang tumaob na 'to si ma'am pag sinamaan ko siya ng tingin. "Napakatigas talaga ng ulo mong bata ka! Sa'n ka ba nagmana?" sabi ni ma'am habang tinatalian na naman ang braso ko. Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Wala namang ulo na hindi matigas ma'am eh. Tsaka malay ko ba kung sa'n ako nagmana!" inis kong wika sa kaniya. "Tumahimik ka! Sumasagot sagot ka pa diyan," ani pa niya. "Malamang tinanong mo 'ko. Edi sasagot talaga ako kasi nagtanong ka. Ma'am naman parang tanga!" usal ko sa kaniya. "Aray! Ma'am..." reklamo ko nang bigla niya lang hinigpitan ang pagkatali niya ng tela sa braso ko na may sugat. "Napakatigas ng ulo!" bulong niya pa na narinig ko naman. "Tubig young lady." abot sa 'kin ni Liam ng tubig. Kukuhanin ko na sana ang tubig ng bigla na lang akong napahawak sa dibdib ko dahil kusa itong sumakit. "Samantha? Why?" "Young lady!" Magkasabay na wika ni ma'am at Liam sa 'kin. Hindi ko alam pero bigla na lang siyang sumakit. Tapos bigla kong naalala si Grey. "Argh!" daing ko pa ng mas lalo pa siyang sumakit. Nakita ko ang bahagyang pag-atras ni Ma'am at Liam kaya nagtaka ako. Mas lalo na naman siyang sumakit kaya ginawa ko ng tungkod ang espada para hindi ako bumagsak sa sahig. "Ma'am anong nangyayari sa kaniya?" nahimigan ko ang pag-alala sa boses ni Liam. "Nagsimula na..." mahinang turan ni ma'am Aurora. Anong ibig niyang sabihin? Aksidente kong natingnan ang aking sarili sa salin ni ma'am Aurora dito sa loob ng training room. May salamin kasi na pang whole body eh para malaman mo kung tama ba ang mga posisyon mo. Doon ako bahagyang nagulat. Kitang-kita ko ang pag-iiba ng kulay ng aking buhok. At umiilaw rin ang dibdib ko. Marahil ay sa tattoo ito. "Ma'am anong gagawin natin sa kaniya?" tarantang tanong ni Liam. "Kailangan na 'tin siyang dalhin sa special r---" Bigla na lang na kumalampag ang pintuan at nakita ko na napalingon sila doon ni ma'am Aurora. Kaya kahit na masakit ang dibdib ko ay pinilit ko pa rin na lumingon doon. Namilog pa ang mata ko ng makita si supremo na nakahawak rin sa kaniyang dibdib. Now I can say that we share the same pain. Pero sa hindi malamang dahilan ay nabawasan ang sakit na naramdaman ko ng inilapit siya nina Scarlet sa 'kin. May sinasabi pa sila ngunit umiikot na ang paningin ko at para akong nabibingi sa buong paligid. Mainit rin ang dibdib ko na hindi ko kayang ipaliwanag kung ano pa ang kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko. At nang maramdaman ko ang paghawak ni ma'am Aurora sa balikat ko ay doon na ako tuluyang bumigay at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD