...???...
????????'? ???
Nasa ilalim ako ng puno ngayon at naka-upo sa damuhan. Ginawa ko nang tambayan ito kasi wala namang nagpupunta. Kung minsan nga ay sinusubukan kong pumunta doon sa secret garden kung saan ako dinala si Grey pero hindi ako makapasok eh. Hindi ko kasi nabubuksan ang pinto nito.
As usual nagbabasa pa rin ako ng libro patungkol sa history ng bansang 'to and I found out something interesting. Dalawa pala ang kaharian noon. Isa sa mga tao at isa sa mga diwata.
At ang sabi pa dito ay patay na raw lahat ng diwata dahil sa kaguluhan noon na hindi nagustuhan ng isang pang diwata, kaya isinumpa niya ang isa pang kapwa diwata na babalik siya upang itama pigilan ang isa pang diwata sa masama nitong balak para sa kanilang bansa.
Medyo magulo ang storya nila kaya nalilito rin ako sa binabasa kong libro. Ni hindi man lang sinabi kung sino ang mga diwatang ito. Pero naisip ko na baka ako ang isa sa kanila. 'Yung isang babae na diwata na nagsabing babalik para itama ang masamang balak no'ng isa pang diwata. Pero sino naman kaya ang ang isang diwatang ito?
Hayy ewan ko! Ang gulo naman nito!
"Ano ba 'yang---"
"'Nak ka ng demonyo!" nagulat ako ng bigla na lang may nagsalita sa likuran ko.
Nang makabawi ay napagtanto ko ma si Rex pala ito.
"Rex!" nakahinga ako ng maluwag ng makita siya. T*ng*na muntik na naman akong atakihin sa puso.
"Sorry... nagulat ba ka kita?" tanong niya.
Parang tanga naman 'to. Tinatanong pa e obvious naman.
"Seriously, Rex?" sarcastic kong wika sa kaniya.
"Joke lang... Hahaha. 'To naman hindi mabiro." tawa niya at umupo siya sa tabi ko.
Akala ko ba hindi niya ako naaalala. Ba't ngayon parang feeling close siya. Tss!
"Tsk! Ewan ko sa 'yo!" inis kong wika sa kaniya.
"Ano ba 'yang binabasa mo at napaka seryoso mo kanina?" tanong niya uli.
"Dapat naman talagang sineseryoso ang pagbabasa ah," ani ko sa kaniya.
"Ang hirap mo naman kausapin." nahimigan ko ang inis sa boses niya.
"Dati pa." maikli kong sagot.
Namayani ang katahimikan sa 'ming dalawa. Kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro. Maya-maya pa ay bigla ulit siyang nagsalita.
"Do you ever wonder? Paano kung sinagot kita sa mga panahong iyon? Siguro tayo pa ngayon, noh?" parang tumigil ang paghinga ko sa narinig ko sa kaniya. Saglit akong hindi nakagalaw at hindi nakapagsalita.
Tama ba ang narinig ko? O guni-guni ko lang 'yun?
"A-anong s-sabi mo?" lumingon ako sa kaniya ngunit hindi siya sa 'kin nakatingin.
"Sorry for leaving you in that world, mmy." nanlambot bigla ang dibdib ko ng marinig ko iyon sa kaniya.
Mapait akong tumawa, "All this time alam mo? Pero magmamaang-maangan ka lang? Never akong naging tanga pero nagawa mo akong gawing tanga. Ang galing!" mapait ko iyong sinabi sa kaniya.
Tumingin siya sa 'kin at ako naman ang nag-iwas ng tingin.
"If alam ko lang na magkaparehong mundo pala tayo edi sana sinagot na kita." ang sabi niya. Hindi naman ako sumagot sa sinabi niya.
"Would you mind if I explain myself on you para hindi na ako magpanggap pa kapag kaharap kita?" tanong niya ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko siya sinagot.
Nag-unahan ng bumuhos ang mga luha ko. Hindi ako umiiyak kasi may nahuli na siya ng dating, umiiyak ako kasi akala ko hindi na niya ako naaalala pero heto't nagpapanggap lang naman pala siya.
Ang buong akala ko ay tuluyan na siyang nawala sa 'kin. Hindi ko lang naman siya past lover eh. Siya rin ang kauna-unahang tao na naging kaibigan ko sa mundo ng ordinaryong tao.
"Hindi ko talaga desisyon na iwan ka... sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana sa 'ting dalawa," ani niya sa nanghihinayang na boses. Hindi pa rin ako humarap sa kaniya.
"Patawad at iniwan kita sa mundong iyon. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ang bagay na iyon eh."
"Hindi mo alam? Pero umalis ka pa rin ng hindi nagpapaalam sa 'kin ng maayos!" galit kong turan sa kaniya.
Ang selfish naman ata niya.
"Kaya nga. Napakagago kung tao 'di ba?" wika niya habang mapakla na tumawa.
This time lumingon na ako sa kaniya habang naluluha pa rin. Nagtama naman ang mga mata namin.
"Don't cry mmy... hindi ko deserve ang mga luha mo." mahinahon niya lang wika na mas lalo pang nagpabuhos ng aking mga luha.
Why is he like this? Bakit ang bait-bait pa rin niya kahit na alam niyang galit ako sa kaniya. Akala ko ay hihingi siya ng isa pang pagkakataon pero nagkamali na naman ako ng akala sa kaniya.
Lumapit siya at pinunasan ang luha ko sa aking pisngi gamit ang mga kamay niya.
"I regret it, na hindi kita sinagot noon. Sana pala sinagot na kita no'ng niligawan mo ako, mmy." patuloy pa rin na umaagos ang luha ko dahil sa mga sinasabi niya.
Huli ka na, Rex. Wala na... may bago nang tinitibok 'tong puso ko eh! Ba't ba kasi ang tagal mong bumalik?
"Ako pa rin ba... o may iba na? Pwede ba akong pumasok ul---"
"Huli ka na Rex. May iba na siya." namaos ako nang sinabi ko iyon sa kaniya habang napayuko.
Ayoko siyang makitang masaktan. Kahit papaano'y kaibigan ko pa rin siya. At importante pa rin siya sa buhay ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Dahan-dahan niyang ini-angat ang mukha ko gamit ang kamay niya. Finally, sa mahabang panahon na pagkakahiwalay namin ay nakita kong muli ang ngiti niyang buo. Mga ngiti niya na nagpabihag sa 'kin.
Pero kung dati nakakaramdam ako ng paruparo sa aking tiyan. Ngayon naman ay wala na, pawang kasiyahan na lang dahil nagbalik na siya. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit nga ba ang bilis kong magpatawad ng tao? Siguro ay mas pinahahalagahan ko ang relasyon namin kaysa sa pride ko na magalit kahit na kayang-kaya ko naman siyang patawarin.
"Okay lang... tinatanong ko lang naman kung pwede ba ako uling pumasok sa buhay mo. Hindi sa puso mo Sam, kasi alam ko na may nagmamay-ari na sa 'yo sa unang tingin ko pa lang." paliwanag niya na ikinagulat ko.
Kaya ba tinanong niya ako patungkol kay supremo noong naging escort ko siya?
"Pa'no mo nalaman?" tinanggal na niya ang kamay niya na nasa mukha ko at umayos na siya ng upo paharap na sa 'kin.
"Wala kang maitatago sa 'kin Sammy, kasi saulo ko na lahat ng galaw mo." sagot niya.
Tumango-tango ako. Tumagilid ako sa kaniya at kinuha ang bag ko.
"Aalis ka na?" bigla niyang tanong.
Umiling ako, " Hindi, may hahanapin lang ako sa bag. Saglit lang." tumango naman siya sa sinabi ko.
"So... p-pinapatawad mo na ba ako?" natigil ako sa paghalungkat ng bag ko sa sinabi niya.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na oo ngunit may isang bagay pa akong itatanong sa kaniya.
"Saglit lang..." ang sagot ko sa kaniya at nagpatuloy sa paghahanap ng bagay na iyon.
Asan na ba kasi 'yun? Nandito lang 'yun eh. Inipit ko lang 'yun sa librong 'to.
"Ano ba kasi hinahanap mo. Tulungan na kita."
"'Di na, ako na..." mabilis kong sagot sa kaniya.
Tumahimik naman na siya na tiningnan lang ang ginagawa ko. Maya-maya pa ay nagsalita siya.
"No'ng nakita kita sa bayan. Akala ko ay namalik-mata lang ako at kamukha ka lang ni Sam. 'Yun ang sinabi ko sa sarili ko." kwento niya sa 'kin.
Napatigil na naman ako sa sinabi niya. Siya pala ang taong 'yun? 'Yung panay tingin sa 'kin sa malayo noon?
"And then lalapitan na sana kita nang makita ko na may lumapit na lalake sa 'yo na nakasumbrero. Ta's nakita ko kayo na nag-usap." kwento niya pa.
Nakinig na lang ako sa kaniya habang hinahanap pa rin ang ang bagay na inipit ko lang sa libro ko pero biglang nawala. Nasaan na ba kasi 'yun? Pinapahirapan naman ako nito eh!
"So sabi ko sa sarili ko. Ah! hindi nga si Samantha 'yan. Malabong mangyari na mapunta sa mundo ng magic ang Sammy ko eh wala naman siyang kapangyarihan, gano'n - ganiyan." dugtong niya pa.
"Kaya binalewala lang kita sa araw na 'yun. Naaalala ko pa na tumingin ka sa 'kin kaya mabilis akong nagtago no'n kasi baka ma weirduhan ka." tatawa-tawa na naman niyang kwento.
At finally nakita ko na rin ang hinahanap ko.
"Sa wakas! Nakita 'rin kita." napalingon siya sa 'kon na nakakunot ang noo.
"'Yan lang ang hinanap mo? Hinalungkat mo talaga laman ng bag mo para lang diya'n sa maliit na papel na 'yan?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin.
"Syempre, ito lang kaya ang natirang ala-ala ko sa 'yo no'ng bigla mo na lang akong iniwan." ang sabi ko sa kaniya.
Kumunot naman kaagad ang kaniyang noo.
"Huh? Pinagsasabi mo diyan? Wala naman akong iniwan sa 'yo kasi nga biglaan ang pagkawala ko no'n. Kaya nga hindi na ako nakapagpasalamat sa 'yo eh," ani niya na ikinalito ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? 'Di ba binigay mo 'to sa 'kin? Nilagay mo 'to sa tambayan natin noon." paliwanag ko sa kaniya kasi baka nalilito lang siya.
"Huh? Patingin nga." hinablot niya ang hawak kong papel at mabilis niyang binuksan kasi nakatupi kasi ito ng apat na beses eh.
Please accept my apology. Pasensya na kung iiwan ko muna ang 'king prinsesa. Pangako, babalik ako. Patawad kung hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo ng harap-harapan kasi wala na kong oras pa para doon. Patawad talaga, prinsesa...
Iyong lingkod,
Protector
Iyan ang nakalagay na sulat sa papel at binasa ito ni Rex sa 'kin.
Umiling siya matapos niya itong binasa.
"Mmy, hindi sa 'kin galing 'to." kumunot ang noo ko ng sinabi niya iyon.
"Hindi sa 'yo?" tanong ko. Tumango naman siya kaagad.
"Kung gano'n kanino pala 'yan?"