•••????•••
????????'? ???
Nagpapalitan pa rin kami ngayon ni Althea ng kapangyarihan. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa 'kin. Pero hindi ko kayang sabihin ang tinutukoy niya kasi baka mali ako at may iba pa siyang pinapahiwatig sa 'kin.
"Aaaaahhhhh!" sumigaw siya at isang napakalakas na hangin ang nagpatilapon sa 'kin na ikinabigla ko.
Gano'n ba siya kagalit sa 'kin. Nagtama ang paningin naming dalawa at nakita ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
"Why? Why is it always me? Nakakasakal na! Sobra! NAKAKA-INIS!" sigaw niya pa na umalingawngaw sa buong sulok ng training room.
Kahit pa anong sigaw mo dito ay walang makakarinig sa 'yo kasi soundproof ang room na ito that's why she's free and shouting in front of me.
"Bakit? Ano bang problema? Pwede mo namang ipaliwanag sa 'kin eh. Nakakaintindi rin ako princess Thea." mahinahon ko lang na wika sa kaniya habang tumatayo ako.
She gave me her most death glared habang patuloy pa rin na umaagos ang kaniyang mga luha. Nakita ko na bumuo na naman siya ng kapangyarihan sa kabilang kamay niya ng patago na nakita ako naman.
"Stop that." sabi ko sa kaniya sa malamig na tono.
"I'll never understand you kasi wala ka namang sinasabi sa 'kin. Lagi ka na lang ganiyan. Umaatake sa 'kin ng hindi ko alam kung bakit." sabi ko pa sa kaniya.
"You'll never know because you don't care at all. Isa ka rin naman sa nagalit sa 'kin eh. Kaya wag lang pa inosente." singhal niya na ikinakunot ng noo ko.
"Thea... I never said I hated you? Ba't naman ako magagalit sa 'yo kung hindi mo naman ako binigyan ng dahilan para magalit ako sa 'yo. Hindi ako galit sa 'yo, naiinis lang ako kasi tinatrato mo akong ganito ng hindi ipinapaliwanag sa 'kin kung ano nga bang nagawa kong kasalanan at nagkaganyan ka sa 'kin." sumbat ko sa kaniya.
"Sa pagkakaalam ko wala akong inagaw sa 'yo. Wala akong ginawang mali sa 'yo. For once ibaba mo naman 'yang pride mo para hindi ka masaktan ng todo kung kinakamuhian ka man ng ibang tao." ang sabi ko pa sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya.
"Nobody listen anyway." mapait niya iyong sinabi sa 'kin.
Ibang-iba ang Althea Fallonia na kaharap ko ngayon. She shed tears in front of me at kitang-kita ko talaga ang hinanakit sa pag-iyak niya. Like as if she's suffocated for a long period of time at ngayon lang siya nakahinga ng maluwag.
"Thea... anyone who has ears can listen. The problem is, you should build a confidence to tell someone of you're problem. Kasi iyon nakikita ko sa 'yo ngayon." tahimik lang siya na tumalikod sa 'kin.
"You're not here to scold me right? Nandito ka kasi ito lang ang nag-iisang lugar na makakalabas ka ng hinanakit mo. Because this is the only soundproof room sa lahat ng building dito sa campus." ang sabi ko pa sa kaniya.
Narinig ko ang munting paghikbi niya. She's like a child. Iyon ang nakikita ko sa kaniya ngayon. For some reason, nakaramdam ako ng awa sa kaniya.
I thought masaya na siya sa buhay niya kasi mas angat siya sa iba. Akala ko nasa kaniya na lahat ng kasiyahan na inaasam-asam ng lahat. Pero bakit ganito ang nakikita ko sa kaniya ngayon. Sino bang magtatangkang pahirapan ng ganito ang isang prinsesa? Hindi kaya nahihirapan siya sa kaniyang mga magulang ngayon o sa mga tao na binabalikan na siya dahil may mas nakaka-angat na sa kaniya?
"I hate you!" iyon ang sagot niya sa lahat ng sinabi ko sa kaniya.
"Its obvious." sarcastic na sagot ko sa kaniya kaya napalingon siya sa 'kin na may masamang tingin.
Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa mini refrigerator ni ma'am Aurora. Kumuha ako doon ng isang bottled water. Humarap ako sa kaniya at walang pasabing hinagisan siya no'n. Kahit nagulat siya ay nasalo pa rin naman niya ito.
"What the... what is this?" inosente niyang tanong.
"Tubig malamang! Inumin 'yan, mukhang naubusan ka ng tubig sa katawan eh." pagbibiro ko.
Kumunot naman ang noo niya, "I don't drink bottled water. Magagalit si mommy sa 'kin." seryoso akong napatingin sa kaniya ng sinabi niya iyon.
Tama ako. Sa parents nga niya. Nasasakal siya kasi palagi siyang kinokontrol ng kaniyang ina. I guess?
"The heck is the problem of your mother? Inumin mo 'yan! Masarap pa 'yan sa iniinom mong tubig." ani ko sa kaniya.
Iba kasi bottled water nila eh kasi may flavor siya pero iba naman siya sa juice. Basta flavored water siya.
"Ano sabi mo? Minura mo ba ang ina ko?" gulat niyang tanong sa 'kin.
"Hindi ka na nasanay, Thea. For once paligayahin mo naman ang sarili mo. Wag puro sunod sa mommy mong wala namang alam sa feelings ng ibang tao. Well base na rin 'yun sa nakikita ko." sabi ko habang umupo muli sa upuan. Napagod ako sa atake niya eh.
Tiningnan ko siya at tahimik lang siyang nakatingin sa bottled water na hawak niya. Napangiti ako ng bahagya. Nagdadalawang isip na siya. And I'm amazed kasi nakita ko ang other side niya. Akala ko talaga puro kasamaan lang meron siya.
"Shut up!" nagulat ako ng sinabi niya 'yun sa 'kin.
Wait... what? Dang! She can read minds?
"You can read mind?" tanong ko sa kaniya.
Inirapan naman niya ako, " Your not that bad, Your highness." nagulat ako no'ng tinawag niya ako ng gano'n.
Binuksan niya ang bottled water at hindi nagdalawang-isip na inumin ito. Napangiti ako ng ginawa niya iyon sa harap ko. It means that she is not that bad too.
"Ano? Masarap noh?" masama niya akong tiningnan.
"Ang panget ng lasa!" asik niya sa 'kin.
Bigla naman na bumukas nag pinto at pumasok doon si ma'am Aurora. Dali-dali naman na isinara ni Thea ang bottled water at pinunasan niya rin ang mukha niya na may mga luha pa kanina.
"Althea? Ano'ng ginagawa mo rito?" bungad na tanong ni ma'am.
"May sinabi lang ako kay Sam." seryoso niyang wika.
"Mauna na po ako." dugtong niya at umalis na nang hindi man lang ako nililingon. Ma-attitude talaga, 'di man lang nagpaalam sa 'kin.
Nagkasalubong ang mata namin ni ma'am at kaagad na dumako ang paningin niya sa damit ko.
Pinaningkitan niya ako ng mata, "Nag-away ba kayong dalawa?" aniya sa seryosong boses. Tumayo ako at naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang espada.
"Hindi po. Nag-usap lang talaga kami." sagot ko habang kinukuha ang espada.
"Mabuti naman kung gano'n." ani niya pa.
I smirk nang may ma realize. How could he trick me again? Whomever is he/she, malalaman ko ngayon.
I turned around at walang pagaalinlangang tinutukan siya ng espada sa kaniyang leeg.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. She's not ma'am Aurora. Hindi pa tapos ang five minutes break ko pero andito na siya. Ang totoong ma'am Aurora ay bumabalik dito kapag iksaktong tapos na ang oras. May 1 minute at 30 second pa akong natitira.
"Samantha! Anong ginagawa mo!" singhal niya sa 'kin. I remain my emotionless face.
Hindi na niya ako maloloko pa.
"Who are you?" malamig kong wika sa kaniya.
"Anong bang pinagsasabi mong bata ka! Pag 'di mo 'yan ibababa dadagdagan ko parusa ko sa 'yo!" pagbabanta niya sa 'kin.
Mas idiniin ko pa ng husto ang dulo ng espada sa leeg niya dahilan kung bakit napaatras siya ng bahagya.
"Wag mo akong pinagloloko kasi hindi ko bibilhin 'yan. No'ng una si Grey, ngayon naman si ma'am Aurora. Ziphora ikaw ba 'yan?" matapos kung sabihin sa kaniya ang mga iyon ay bigla na lang lumabas ang kakaibang ngiti niya sa labi.
Nangunot ang noo ko sa kaniyang ipinapakita. Bigla na lang niyang hinampas sa isa niyang kamay ang espada na hawak ko dahilan ng pagtilapon nito sa malayo. Nabigla ako sa kaniyang ginawa. Napaatras pa ako ng bahagya nang dahil doon.
Matalim ko siyang tiningnan habang inihahanda ang aking kamay para sa mahika.
"Magaling. Magaling. Magaling." paulit-ulit niya iyong sinabi habang pumapalakpak siya ng mahina.
"H-hindi ikaw si Ziphora. So sino ka?" matapang kong tanong sa kaniya.
"What would you choose between Love and Justice?" bigla niyang tanong sa 'kin.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Kristoff sa 'kin. Siya ba ang babae na iyon?
"I-ikaw ba ang nagligtas kay Yasmen?" hindi ako nagdalawang-isip na itanong iyon sa kaniya.
Ngunit ngumiti lang siya sa 'kin ng malapad at hindi ako sanay kasi mukha ni ma'am Aurora ang nasa harapan ko. Kaunting oras na lang at babalik na si Ma'am.
"Love or Justice? Samantha Zehra?" mas nalito pa ako sa itinawag niyang pangalan sa 'kin.
Zera? Zehra? Anong pinagsasabi niya?
"Sino ka ba talaga?" inis ko ng tanong sa kaniya.
Napalingon ako sa likod niya kung saan nakikita ko na si ma'am Aurora sa malapit na papunta na dito sa training room. I stall time at hindi niya sinagot.
But she sense ma'am Aurora presence dahil bigla siyang ngumiti sa 'kin ng makabuluhan.
Sa pagbukas ni ma'am Aurora ang siya naman biglaang paglaho niya na hindi ko na napigilan pa kasi nagtama na ang mga mata namin ni ma'am Aurora sa pagpasok pa lang niya.
"Samantha?" napataas ang dalawang kilay ko ng tinawag niya ako. Kahit na ang utak ko ay masa babae pa rin kanina.
"Anong ginawa mo sa espada?" gulat ako napalingon sa itinuturo ni ma'am. Umawang ang labi ko at mabilis na tinakbo ang sandata kasi malayo ito sa 'kin at mabilis ko itong pinulot.
"Ma'am ano po kasi... na---"
"I don't need your explanation. Proceed to the process. Plus twenty minutes dahil sa ginawa mo sa sandata ko. NOW!" galit niyang wika sa 'kin.
Nanlumo at bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Wahhh! Pagod na ako eh. Isinantabi ko na lang muna ang babae na iyon sa aking isipan at sinunod na lang ang utos ng magaling kong trainer.