...????...
????????'? ???
"Samantha! Focus! Ba't hindi ka naka-focus today? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo sa nangyari kahapon?" isang galit na ma'am Aurora ngayon ang nasa 'king harapan.
Umiling ako, "Okay na po ako ma'am. Actually kahapon pa nga eh." matamlay kong sagot.
"Then bakit hindi ka maka-focus? Kung sa 'yo okay lang na masugatan ka sa pagtuturo ko sa 'yo pwes ako hindi! Kaya umayos ka!" galit niya uling wika.
Nandito kasi kami sa kaniyang training hall at sinimulan na niya akong e training na napakahirap pala talaga. Ang akala ko ay sapat na ang pag-eensayo ko ng mag-isa pero hindi pala. Iba pa rin talaga kapag may instructor ka at bihasa na sa sasanayin mo.
Ta's dumagdag pa ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon o totoo kasi no'ng sinubukan ko kanina ang kwentas ay hindi naman siya naging espada. Kaya lubhang nagtataka ako ngayon.
"SAMANTHA! Ghad!" napapitlag ako at kaagad na nilingon si ma'am sabay ayos ng aking postura habang bitbit ko ang mabigat na espadang ito.
Ngayon ko lang napagtanto na iba pala ang bigat ng isang katana sa espada akala ko ay parehas lang sila ng bigat pero may iilan pala na espada ay mas may ibibigat pa.
"Sorry po ma'am." paumanhin ko.
"Ano ba kasi 'yang bumabagabag sa isip mo?" napalingon ako sa kaniya.
Nabasa kaya niya ang iniisip ko? Hindi naman siguro.
"Kung tungkol 'yan sa kinabukasan mo, wag kang mag-alala. Ngayon pa lang sasanayin na kita ng husto para sa pagdating ng araw na 'yun ay mas malakas ka na kumpara sa mga kalaban mo," ani niya.
I heave a sigh, "Bakit ba kasi may mga kadiliman? Paano ba sila lumaganap sa mundong 'to?" natanong ko sa kaniya iyon out of frustration.
Kasi naman hindi ko pa rin malaman kung bakit may pa propesiya pa. Pwede naman na maghappy- happy na lang ang lahat 'di ba?
"Because they want power. Gusto nila na sila ang pinakamataas sa pinakamataas na nilalang sa mundo ng magic." sagot ni ma'am.
"Kaya please. Kailangan mong gumaling within a week Samantha. Kasi hindi natin alam kung kailan sila lulosob sa lugar na 'tin." dugtong niya pa.
With in one week? Kaya ko ba 'yun?
"Demon, black shadow... they're always a deceiver. But once you master your own power ay malalaman mo kung sino ang impostor sa hindi. Naiintindihan mo ba ako Samantha?" tumango ako sa sinabi ni ma'am.
"Yes ma'am!" masigla kong sagot.
Tumango-tango siya, "Good! Now get ready and start the session that I've taught to you earlier. That's your punishment for being late, Sammy my dear." napaawang ang labi ko ng marinig ko iyon mula kay Ma'am Aurora.
"But Ma'am! Hindi po ba pwedeng break muna? Nangangalay na po 'yung kamay ko eh." reklamo ko sa kaniya.
Mariin naman siyang umiling, "NO. Ang isang diwata ay walang inaatrasan, Samantha! Now do it!" sumimangot ako sa sinabi niya.
"Then maybe I'm the first one?" sabi ko sa kaniya at wala pa ngang isang sigundo ay may nagliparan na sa 'king mga dagger.
Mabilis naman akong naalerto kaya todo ilag ako kahit na napapagod na ako. Bawal daw kasi gumamit ng kapangyarihan sabi ni ma'am eh! Lupit naman ng trainor ko, kainis!
"Ma'am naman 'di mabiro. Tigil niyo na 'yan ma'am. Oo na gagawin ko na!" kaagad naman na huminto ang mga dagger na pumunta sa 'kin kaya nakahinga ako ng maluwag.
But then bigla na lang itong bumalik kaya naalerto na naman ako at nag-iilag na naman. 'Yung iba ay sinasangga ko sa espada. Kainis naman si Ma'am Aurora!
"Remember that they're always a deceiver Samantha! Kaya kahit ano pang pagpapatigil mo sa kanila ay hindi sila susunod sa 'yo. Naiintindihan mo ba ako?" hindi ko nasagot si ma'am kasi naka-focus lang ako sa nagliliparang mga dagger sa 'kin.
Putcha, sa'n ba nanggagaling 'yong mga dagger na 'to. Takte ang dami nila ayaw maubos.
"Sumagot ka Samantha!" singhal ni ma'am sa 'kin.
Napapitlag ako at nawala sa focus kaya na out of balance ako. Marahil na rin siguro sa bigat ng espadang ginagamit ko na hindi pa ako sanay. Hindi ako nagdalawang isip na gumamit ng aking kapangyarihang at walang hirap na pinatigil ang mga dagger na papunta sa 'kin habang ako ay tuluyan na ngang natumba sa sahig at nabitawan ko pa ang sandata na hawak ko.
Nagbagsakan sa sahig ang mga dagger at napansin ko rin ang pagdurugo ng kaliwang balikat ko na natamaan pala ng dagger kanina. Hinihingal ako ng i-angat ko ang aking paningin kay ma'am Aurora. Masama na siya ngayong nakatingin sa 'kin.
"Ms. Astrea! Mamamatay ka sa ginagawa mong iyan. Ang hina-hina mo pa, jusko! 'Yan ang napapala sa matitigas ang ulo! TAYO!" hinihingal pa rin ako at tagaktak na ang pawis ko.
Hindi ko alam na ganito pala si ma'am Aurora kung magturo sa kaniyang estudyante. Inis man ako sa kaniyang ipinapakita ngayon ngunit hindi na lang ako pumalag pa kasi para sa 'kin din naman ang ginagawa niya.
"Y-yes, ma'am! S-sorry po ulit." hinihingal kong paumanhin sa kaniya.
Narinig ko na napabuntong hininga siya nang pinulot ko ang espada na nasa sahig. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko pero hindi na ako nagreklamo pa kasi baka pagalitan na naman ako ng trainor ko.
"5 minutes break. At kapag gumamit ka pa uli ng kapangyarihan ay wala ka ng break sa susunod na pagtuturo ko sa iyo. May proseso ang pag-eensayo ko sa 'yo at magsisimula ka sa walang kapangyarihan, naiintindihan mo ba ako, Samantha?"
"Yes ma'am!"masigla kong sagot sa kaniya kahit na hinihingal pa rin ako.
"Okay, Now go." ani niya pa. Kaagad ko na ibinalik sa lalagyan ang espadang ginamit ko.
"Saglit lang..." nagulat ako ng bahagya niyang itinaas ang kaliwang braso ko.
"Nasugatan ka?" tiningnan ko ang sugat ko sa balikat. Hindi na naman siya nag heal ng sa kaniya lang. Siguro dahil sa pagod ko na rin.
Tumango lang ako sa sinabi ni ma'am. Inis niya naman akong tiningnan. Tumalikod siya sa 'kin at lumakad papunta sa bag niya. May hinalungkat siya doon at kaagad naman na bumalik sa 'kin.
Kinuha niya ulit ang braso ko at nilagyan niya ng kung anong powder na maanghang kaya napadaing ako nang mahina sa ginawa niya. Mabilis niyang binalot ang sugat ko sa isang telang puti.
"Ingatan mo naman ang sarili mo. Ayokong makakita ni kahit isang sugat sa katawan mo kapag sinimulan ko na ang totoong pag-eensayo ko sa 'yo." seryoso niyang wika sa 'kin.
"Ma'am hindi naiiwasan ang masugatan kapag nag-eensayo ang isang tao. Alam niyo po iyan." seryoso ko ring sabi sa kaniya.
"Nagawa ko nga noon eh. Kaya magagawa mo rin 'yun. Wag kang mag-aalala,tuturuan kita,"ani niya.
Natapos na niyang talian ang sugat ko kaya nagpasalamat kaagad ako sa kaniya.
"Sige na. Magpahinga ka muna. Pagbalik ko maghanda ka nang gawin ang sinabi ko sa iyo kanina." dugtong niya pa na tinanguan ko na lang.
Umupo ako sa isang upuan at dumampot ng tubig. Sa paglingon ko kay ma'am ay nakalabas na siya ng pintuan. Napabuntong hininga ako matapos kong lunukin ang tubig na iniinom ko.
Panaginip lang ba talaga ang magandang diwatang iyon? Hindi kasi kapanipaniwala eh. Mukhang nangyari talaga iyon. Paano kung ginamitan lang niya ako ng mahika? Hayst! Totoo talaga 'yun eh panigurado.
Pero bakit naman ayaw no'ng sinubukan ko sa kwentas? Pinaglalaruan lang ata ako ng diwatang 'yun eh! Nakakabanas na. Mukha na akong baliw dito na ginulo-gulo pa talaga ang buhok.
Napapitlag ako ng marahas na bumukas ang pinto.
"Anak ng palak--- Hari." ang wika ko ng makita ko si Thea na masamang nakatingin sa 'kin.
"Althea? Anong ginaga--- Argh!" napadaing ako ng bigla na lang akong tumilapon. What the fck!
Ano bang problema niya?
"Teka lang ano bang--- sheyt!" kaagad kong inilagan ang mga patalim na gawa sa tubig na itinitira niya sa 'kin.
"Ano ba Thea!" inis kong wika habang iniilagan pa rin ang maga atake niya.
"Kinuha mo na ang lahat sa 'kin! Pati ba naman siya kukunin mo rin?" galit niyang sigaw sa 'kin.
"Ano bang pinagsasabi mo?" ginamitan ko na ng kapangyarihan ang mga atake niya dahil nagiging marahas na siya.
"Pumayag ako na kunin mo ang trono na dapat ay sa 'kin pero hinding-hindi ako papayag na mapunta rin siya sa 'yo! Hayop ka!" galit niya uling wika.
Sino ba ang tinutukoy niya? Si Grey ba? Kasi kung si Grey, pagpasensyahan na niya kasi sa 'kin lang siya. Kung meron man akong bagay na maibibigay sa kaniya ng buo iyon ay ang trono at posisyon ko.
At hindi ko lang basta-basta ibibigay si Grey sa kaniya kasi hindi naman siya laruan na ipinamimigay lang ng basta-basta.