Chapter 03

1396 Words
...?????... ????????'? ??? Napasinghap ako ng makita ko ang malutong na sampal ng ina ni Grey sa kaniya. "Anong kagaguhan na naman ito Grey!" galit na wika ng kaniyang ina. Sinubukan kong lumapit sa kanila ngunit hinarangan ako ng ama ni Grey kasabay no'n ay hinawakan rin ako ni Scarlet sa balikat kaya napalingon ako sa kaniya. Mataray siyang nakatingin sa 'kin. "Ma let me expl---" isang sampal na naman ang nakuha ni Grey mula sa kaniyang ina. "Enough!" galit kong wika sa kanila. "Shut up! Kahit pa prinsesa ka ng mga diwata ay wag mo akong pipigilan sa gagawin ko sa anak ko!" pinanlakihan ako ng mga mata ng ina ni Grey ng sinabi niya iyon sa 'kin. "Mama!" mapagbanta rin na wika ni Grey. Galit kong itinakwil ang kamay na ni Scarlet na nakahawak sa braso ko. "Wala pong ibig sabihin ang nakita ninyo! Hindi n'yo po alam ang buong pangyayari kaya wag n'yo kaagad husgahan ang tao!" inis ko ring wika sa ina ni Grey. "At hindi ko po ipinagmamalaki na prinsesa ako ng mga diwata kaya pwede niyo po akong tratuhin sa kung anong gusto ninyo. Basta ba ibabalik ko lang din sa inyo ang ginawa niyo sa 'kin." dugtong ko pa. "Samantha!" suway naman ni Grey sa 'kin. "Ano ba kasing nangyari?" tanong naman ng ama ni supremo. Binalingan ko siya ng tingin. Mabilis kong binuksan ang butones ng aking suot na damit. Kapwa napatalikod kaagad si Supremo at ang kaniyang ama sa ginawa ko. "What are doing, Sam?" nahimigan ko ang inis sa boses ni Scarlet. Mabilis kong ipinakita sa kanila ang tattoo sa aking dibdib. "This is the reason! Tingnan niyo ang dibdib ng anak ninyo." galit kong wika sa kanila. "A-ano ba 'yan?" utal na tanong sa 'kin ng kanilang ina. "Ayon kay ma'am Aurora ay palatandaan ko raw ito sa pagiging diwata ko. Namana ko raw 'to sa sinaunang diwata na nasa katawan ko na ngayon 'yung kaluluwa. Reincarnation gano'n." paliwanag ko. Dahan-dahan na lumingon ang si Supremo at ang ama niya sa 'kin. Malayo lang naman sa boobs ko ang tattoo. Nasa dibdib ko lang naman ito kaya safe lang na tingnan nila. Nakita ko na nilapitan ni Scarlet si Grey at tiningnan ang kaniyang dibdib. "What the f! How is it possible? Kuya wala kang ganiyan noon 'di ba?" hindi niya makapaniwalang tanong kay Grey. Umiling naman kaagad si Grey habang seryoso pa rin na nakatingin sa tattoo sa dibdib ko. Kung 'yung sa 'kin nagbago na naging crown no'ng birthday ko. Ngayon naman kay Grey ay korona rin siya pero panglalaki siya. At 'yun ang hindi ko maintindihan kung bakit may gano'n din siya sa katawan niya sa parehong posisyon kung saan nakalagay ang akin. **** Nandito na ako ngayon sa unit namin ni Julia. Matapos ang naganap kanina ay nag sorry naman kaagad ang mommy ni Grey. But hindi pa rin mawala sa isipan ko kung ano nga bang purpose no'n at magkaparehas kami. Naalala ko bigla ang banal na libro. Hawak ko na ito ngayon kasi nga ako raw ang nagmamay-ari no'n at tanging ako lang raw ang nakakabukas no'n. Ang sabi pa ni ma'am Aurora ang purpose raw kung bakit nahahawakan ng iba ang libro no'ng araw na 'yun ay marahil may parte sila sa libro na ang libro lang ang nakakaalam. Kinuha ko kaagad ang libro at nagsimula akong buklatin ito. Bigla kong naalala ang araw na binuksan ko ito at ikwenento sa mga bata, kila Emy. Nami-miss ko na si Emerald. Kailan ko kaya siya makikita uli? Iniling ko na lang ang ulo ko at nagsimula nang magbasa. Todo basa ako rito nang bigla kong napansin ang bintana namin na may umiilaw na liwanag. Nilingon ko kaagad si Julia ngunit mahimbing na siyang natutulog. Gabi na pero hindi pa naman masiyadong malalim ang gabi. Isinara ko ang libro at ibinalik kaagad sa lalagyan niyo na may spell. Kaagad akong lumapit sa bintana at binuksan ito. Napatakip ako sa mga mata ko ng masilaw ako sa liwanag na dulot nito. Nang mawala ay unti-unti kong nakikita ang isang pigura mg babae sa harapan ko. Sa porma niya ay para siyang isang diwata. O diwata nga ba talaga siya? "Sino ka?" taka kong tanong sa kaniya, hindi ko pa rin nakikita ng kaniyang mukha kasi tinatakpan niya ito ng liwanag. "Glad you didn't run of all your problems." ang sabi niya. Nakalutang lang siya sa ere at medyo malakas rin ang hangin na tumatangay sa mahaba niyang buhok na medyo kulot. "Anong pong ginagawa n'yo dito? Ano po'ng kailangan n'yo sa 'kin?" inosente kong tanong sa kaniya. "Nandito ako upang tanungin ka." ani niya. "Ano naman iyon?" Tumahimik siya saglit at saka muling nagsalita. "Ano ang iyong dahilan at nanatili ka pa sa mundong ito? Kung gayong kaya mo na ang umalis at hanapin ang iyong lola?" ang tanong niya sa 'kin. Kahit na hindi ko siya kilala ay masasabi ko na kakampi ko siya. Masasabi ko na sinusubaybayan niya ang bawat kaganapan ng aking buhay dahil sa pananalita niya ay tila alam na lama niya ang talambuhay ko. Marahil ay isa siya sa tagasunod ng kaluluwang nasa akin. Ang kaluluwa nang nakaraang prinsesa ng mga diwata sa mga nagdaang kapanahunan. "Naniniwala ako na may magandang plano sa 'kin ang itaas. Diwata... At saka napamahal na sa 'kin ang mga tao sa mundong ito. Ayoko silang iwanan na nagdurusa kasi hindi iyon kakayanin ng aking konsensya." paliwanag ko sa kaniya. "Magaling! Tunay nga na ikaw ay walang katulad sa mundong ito. Ngayon ay panatag na ako na ibigay sa 'yo ang aking handog." bigla niyang inilahad ang kamay niya at sa isang iglap lang ay nasa kamay na niya ang mahiwagang kwentas. Kinapa ko pa ang leeg ko at wala na nga ito doon. Nagulat ako ng ang kwentas ay naging espada sa kaniyang kamay. "Anong nangyari sa kwentas?" gulat kong tanong sa diwata. Inilahad niya sa 'kin ang sandata. Kumikinang pa ito at bahagyang nasisinagan ng buwan sa kalangitan. "Ang kwentas na iyan ay isang sandata. Iyan ang sandata ng diwatang iyong minana. Ikaw si Anayah Natashia sa sinaunang panahon at ngayon na nagbalik ka na. Ako, ang diwata na nag-alaga sa sandatang iyan ay mamamaalam na." nag-bow siya sa 'kin at inilapit pa ng husto ang sandata sa 'kin gamit kaniyang dalawang kamay. "Ngunit... Paano ko gagawing sandata ang dati ay kwentas?" tanong ko sa kaniya na may pagtataka. Napaatras naman ako ng bahagya ng magulat ako. Bigla na naman kasing nagbalik sa anyong kwentas ang kanina'y sandata na. "Isipin n'yo lang na gagamitin ninyo ang iyong sandata at kusa itong lalabas. Mahal na prinsesa." kinuha ko ang kwentas sa kaniya. Sinubukan ko ang sinabi niya at laking gulat ko ng magawa ko ito ngunit naibagsak ko ito sa sahig dahil sa bigat nito. Nakita ko ang maganda niyang mukha sa paglingon ko. Nakita ko rin ang kaniyang pagkagulat. Ang ganda niya. Tunay nga na isa siyang diwata sa kaniyang ganda. Nakita ko siyang umiling kaya mabilis kong pinulot ang espada at inisip uli na maging kwentas ito at kaagad naman na nagbalik. "Ingatan niyo po ang sandata na iyan mahal na diwata. Ginugol ko ang tatlompong taon ko para alagaan iyan ngunit makikita ko lang na inyong ginaganyan?" Kaagad akong humingi ng patawad sa kaniya. "Pasensya na. Hindi ko sinasadya, ang bigat kasi eh." nilingon niya ako. "Kung gano'n. Magsimula na po kayong mag ensayo mahal na prinsesa! Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam princess Ayanah Natashia." matapos niyang sabihin iyon ay bigla na lang siyang naglaho at nasilaw na naman ako sa liwanag na idinulot niya. At sa pagbukas pa ng mga mata ko ay nakahiga na ako sa kama at may araw na nga na sumisilaw sa 'kin na nanggagaling sa bintana. "Sam! Ang tagal mo naman ata na nagising?" bungad na tanong sa 'kin ni Julia. Nalito ako saglit sa nangyari. Kinapa ko ang kwentas sa leeg ko at nando'n naman ito. Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Lito kong tiningnan si Julia na nagliligpit na ng kaniyang gamit at nakabihis na rin. "Anong oras na ba?" tanong ko. "8:30 na ata. Late ka na." namilog ang mata ko sa kaniyang sinabi. Mabilis akong napabangon at patakbong pumasok sa banyo. Sheyt! Late ako for the first time! Sana hindi ako pagalitan ni Ma'am Aurora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD