Chapter 02

1717 Words
...???... ????????'? ??? Mabilis kong ipinasok ang hintuturo ko sa aking bibig para sumuka ako. Hindi na ako nag-abala pang pumunta sa Cr kasi mas importante sa 'kin na mailabas ko ang nakain kong shrimp. F*ck! I'm allergic on shrimp! "Samantha? Bakit? May nakain ka bang panget ang lasa?" tanong ni Yasmen sa 'kin habang hinahagod niya ang likod habang ako naman ay patuloy lang sa pagsuka. Pero hindi sapat ang pagsuka ko dahil nagsimula nang umikot ang paningin ko. It ain't good. Nagsimula na siya. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukan kong mag-inhale exhale. Naramdaman ko na ang pagsisikip ng dibdib ko. Kasunod nito ay susuka na ako ng dugo. Kailangan ko ng gamot. Pero walang gamot dito, healer lang meron sila. "Fck! What happened to her?" narinig ko ang boses ni ma'am Aurora. Kumalampag ang lamesa at may narinig akong tunog ng plato. "Anong kinain niya?" atat niyang tanong. Habang ako ay naghihingalo na. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sumuka ng dugo kasi baka mabigla ko sila at mag-alala na naman sila ng husto sa 'kin. "Ahmm... the soup. A shrimp so--" "Shrimp! Fck! She's allergic on shrimp!" may naramdaman akong kamay na humawak sa magkabilang balikat ko at dahan-dahan akong pina-upo sa sahig. Idinilat ko nang kaunti ang mga mata ko. Mas lalo pang umikot ang paningin ko ng idinilat ko ito at sumasakit na rin ang ulo at dibdib ko. May kung ano na namang gumagalaw sa mga laman ng buong balat ko na ani mo'y mga langgam sa kati nito. Nangangati na ako. "Open your eyes, Samantha. Don't you dare close it!" mariin na wika sa 'kin ni ma'am habang may hawak siya sa kamay niya na parang eye drop. At hindi nga ako nagkamali dahil ilang segundo pa ay pinatakan niya ng mabilisan ang magkabila kong mga mata. "Yumi! Your ice power. Just freeze her for a while para umepekto kaagad ang gamot," ani ni ma'am kay Yumi. "Samantha! Spit that blood in your mouth, faster!" ma-awtoridad niya iyong sinabi sa 'kin. She knew. But how? "Samantha, wag matigas ang ulo!" mapagbanta niya uling wika sa 'kin. Tumagilid ako kahit na naramdaman ko na ang lamig sa katawan ko sa ginawa ni Yumi. She freeze my body but except my head. Mabilis kong inilabas ang dugo na iniipon ko lang sa bibig ko. "Thank god!" ang sabi ni ma'am Aurora. Nakita kong may itim na nahalo sa dugo na idinura ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag ng mailabas ko iyon at unti-unti na ring nawala ang kati sa katawan ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni ma'am Aurora sa 'kin na bahagya kong ikinabigla. "Ate Scarlet is h---" natigil si Alex nang makita niya kami na nagyayakapan ni ma'am Aurora. "I almost lost you. Hindi na ako papayag pang mawala kang muli." bulong iyon ni ma'am sa 'kin which I find weird. Kumalas si ma'am sa pagkakayakap sa 'kin, "Are you feeling better now?" tanong niya na puno ng pag-alala. Kahit nalilito ako sa kaniya ay tumango nalang ako, "I- I'm okay. T-thank you." hinihingal kong sagot sa kaniya at bahagya pang ngumiti. "Ano bang nangyari sa kaniya?" seryosong bungad ni Scarlet. Tinanggal na ni Yumi ang yelo na nasa katawan ko at basang- basa na ako ngayon. Tumayo na ako at tinulungan naman ako ni ma'am Aurora. Napapitlag naman ako ng may marahas na humila sa 'kin at inagaw ako mula sa pagkakahawak kay ma'am Aurora. And it was Grey habang hinihingal at pawisan na nakaharap sa 'kin. Namilog ang mata ko nang makita ko siya. Parang siyang tumakbo ng dahil sa itsura niya. Gulo-gulo rin ang kaniyang buhok at tagaktak din ang kaniyang pawis. "W-what happened to you! Nasaktan ka na naman b- Argh!" kaagad ko siyang hinawakan ng marinig ko ang pagdaing niya. "Grey!" gulat kong sambit. "Grey! Ano na naman ba masakit sa 'yo? Ba't palagi ka na lang ganiyan, huh?" sabi rin ni Scarlet na lumapit din kay Grey. "Can I talk to you?" mabilis niya iyong sinabi sa 'kin kahit na hinihingal siya. Tumutol naman kaagad si Ma'am Aurora, "No! She need to rest!" "No! I'm okay. Okay na po ako ma'am. Kailangan ko na lang pong magbihis kasi basa lahat ng damit ko," ani ko kay Ma'am habang nakatingin lang ako kay Grey na nakahawak pa rin sa magkabilang balikat ko. "Ako na! I mean samahan na kita. I'll talk to you on the way." sabi pa ni Grey. Wala na silang nagawa nang simulan na akong hilahin ni Grey. Nahagip pa ng mata ko si Yasmen na nakatingin lang din sa 'kin. Ewan ko pero, may kakaiba talaga sa tingin niya sa 'kin eh. Kinikilabutan ako na hindi ko maipaliwanag. "Sa'n ka ba nanggaling at sumulpot ka na lang doon bigla?" tanong ko kay supremo ng papasok na kami ng elevator. "Shhh..." 'yun lang ang sinabi niya sa 'kin habang matalim na nakatingin kaya tumahimik na lang ako. He says na kapag sinabi niya raw ang gano'n it means mamaya niya lang ipapaliwanag. Sinabi niya sa 'kin 'yun incase na magmatigas daw uli ako sa kaniya. Narating namin ang office niya kaya nagtaka ako. Magbibihis pa ako eh. "Supremo! Ba't dito mo ako dinala eh magbibi---" napapitlag ako ng marahas niyang isinara ang pintuan. Galit ko siyang tiningnan, "Ano bang problema mo!" galit kong usal sa kaniya. Tumalikod siya sa 'kin at mabilis siyang naghubad ng dami pang-itaas. Namilog ang mata ko sa kaniyang ginawa. Ano bang binabalak niya? Napatalikod ako sa kaniya ng humarap siya sa 'kin. "A-ano bang ginagawa mo, s-supremo." napalunok ako ng laway ng wala sa oras. Narinig ko ang pag lock nang pintuan. Naku! Baka hindi si supremo ang kasama ko ngayon. Kinakabahan ako. "Turn around!" ma-awtoridad niyang wika sa 'kin. Rinig ko pa rin ang malalim niyang paghinga na para bang may masakit sa kaniya. "B-baliw ka na ba?" inis kong wika sa kaniya habang nanatili pa ring nakatalikod. "Sa 'yo lang naman ako baliw eh. So yes." seryoso niya ring sagot. "Now turn around! I want you to see this." kinabahan ako sa kaniyang sinabi. The f*ck! Hindi naman siguro niya gagawin ang iniisip ko 'no? Nanuyo ang lalamunan ko sa kaniyang sinabi. "Ano ba kasi 'yang ipapakita mo? B-ba't n-nakahubad." inis ko uling wika sa kaniya. "Stop overthinking Samantha and just turn the heck around! Nakita mo na ito dati kaya bakit ka oa tatalikod?" but hindi ko pa rin siya sinunod. "Argh! Such a hardheaded woman! Ba't ba ako nagkagusto sa 'yo?" automatic na tumaas ang isang sulok ng kilay ko at kaagad ko siyang nilingon. "Hoy! Hind--" natigil kaagad ako ng makita ko ang dibdib niya. May isang bagay na nakaagaw ng atensyon ko sa doon. Namuo kaagad ang pag-aalala sa buong sistema ko para sa kaniya. "W-what is that?" dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinitigan pang mabuti ang nasa dibdib niya. It's a tattoo na namamaga ng color light violet. Parang 'yung sugat kapag galing ka sa pagkakabugbog gano'n. "Its a scar na bigla na lang tumubo sa 'kin. The day that you got stabbed." paliwanag niya. Marahan ko itong hinawakan ngunit napadaing siya kaya binawi ko kaagad ang kamay ko sa kaniya. The tattoo on his chest looks familiar. "Ba't masakit?" alala kong tanong. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko at inilagay niya doon sa dibdib niyang namamaga. Nagulat pa ako sa ginawa niya kaya nagpumiglas ako at sinubukang kunin ang kamay ko na hinawakan niya. "Stay still! Look..." dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa dibdib niya. Nagsimulang lumiwanag ang kamay ko na nasa dibdib niya ngunit bigla ko na lang naramdaman ang pagsakit din ng aking dibdib kung nasaan ang tattoo ko. Kaya lihim kong ininda ang sakit. Unti-unti kong naintindihan ang sitwasyon naming dalawa. Biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi sa 'kin noon ni Alex. 'You're the perfect match for him.' Ito ba ang tinutukoy ni Alex? A perfect match na maski katawan namin ay naka link din sa isa't isa? "Anong nangyari diyan?" wala sa sarili kong tanong sa kaniya. "Nakuha ko 'to no'ng araw na sinaksak ka ni Josh. I dunno how it happened and I'm still confused pero naisip ko na why not ipakita ko sa 'yo kasi ikaw naman ang prinsesa ng mga diwata at baka alam mo kung ano ito." mahaba niyang paliwanag sa 'kin. Dahan-dahang nawala ang pamamaga sa kaniyang dibdib na ikinagulat ko talaga. Pero sa 'kin naman napunta ang sakit. Tumingala ako sa kaniya and I saw him smile. Tuwang-tuwa siya ng makita niya na napagaling ko ang sugat niya sa dibdib niya without knowing that I felt the pain. "You're indeed for me, Samantha." sinabi niya iyon habang nakatingin lang ako ng seryoso sa mga mata niya. And then his eyes diverted on my chest. I see curiosity in his eyes kaya napatingin na rin ako sa dibdib ko. Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makita ko itong umiilaw. Mabilis akong tumalikod sa kaniya at tinakpan ito. Sinubukan ko rin na pakalmahin ito at baka sakaling mawala ang pag-ilaw nito. "What was that Samantha?" mariin niyang wika sa 'kin. Nangapa ako ng isasagot sa kaniya, "A-ano... W-wala 'to." pagdadahilan ko. But he didn't buy it. "Let me see." pinaharap niya ako sa direksyon niya but I insisted. "'Di na! Wala nga lang 'to." "Liar! I know what is that, Ms. Astrea! Ganiyan na ganiyan ang kulay na lumalabas sa 'kin no'ng maramdaman ko ang sakit ng dibdib ko." napalunok ako sa sinabi niya. "Now let me see!" pakiusap niya pa sa 'kin. Pero dahil likas akong matigas ay nagpumiglas ako ng pinilit niyang tanggalin ang itaas na butones ng uniform na suot ko. Napasandal pa ako sa lamesa at pinipilit pa rin na layuan siya pero hindi ko na nagawa pa kasi na corner na niya ako. "Wag na ng---" sa pagtanggal niya sa isang botones sa damit ko ay biglang bumukas ang pintuan. Pareho kaming napabaling doon. Ganoon na lamang ang pagkagulat naming dalawa ng makita ang ama at ina ni Grey pati na si Scarlet. "What's the meaning of it, Grey!" galit na wika ng kaniyang ina. Doon ko lang napagtanto ang posisyon naming dalawa. Patay na! They misunderstood it...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD