10 Langit-Lupa

1074 Words

10. Langit - Lupa MAHIRAP MATAYA SA laro, pagod na’y masama pa ang loob kumbakit hindi maabut-abutan at mataya-taya ang mga kalaro. Ang laro ay nagiging lugar ng unang pakikihamok. Ang dapat na katuwaan lamang ay nagluluwal ng mga determinasyong hindi mataya kailanman. Ang problema, lahat ng naglalaro, ito ang nasa isip. Kaya hindi puwedeng lahat sila’y magbubunga ang determinasyon. Gaya sa anumang digmaan, nagmumukhang may mga dalangin na mas malakas, mas napapakinggan. Hindi madalas na sumasali si Daniel sa mga laro noong bata siya. Mas gusto niyang manood lang sa isang tabi. Gusto niya ang kaligtasang iyon. Hindi niya kailangang mapagod. Hindi rin kailangang sumamâ ang loob niya. Pero sa iilang pagkakataon na nakikipaglaro siya, talagang ginagawa niya ang lahat upang huwag mataya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD