PINALAKI TAYO

736 Words

PINALAKI TAYO sa mga kuwento, kuwentong-bayan, kuwentong kutsero, barbero, kuwento ng naglalako ng pandesal sa madaling-araw, taho sa umaga, ice cream sa hapon, balot sa gabi. Paminsan-minsan, kuwento ng mga naliligaw na nagtitinda ng kung ano-ano sa kanilang karaban. May kuwento sila, lahat halos ng taong nakakaharap mo. At handa kang makinig sa anumang kuwento. Noong araw ng mga puso bago isinilang si Daniel, nakakulong lang si Olivia sa bahay. Hinihintay niya ang pag-uwi ng asawa. Nagkaayos na sila, bagaman hindi niya alam ang ibig sabihin noon. Naunang umuwi si Tony, galing sa school, pumapasok pa nga siya noon, hindi pa siya nagpapasyang itigil na ang pag-aaral. May dala siyang bulaklak. Isang puting rosas. Mahilab na mahilab na ang tiyan ni Olivia, pero sa kalkulasyon nila, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD