4. Orange NASA PAKIRAMDAM LANG ang pagiging hiwalay sa iba. Paulit-ulit itong sinasabi ni Daniel sa sarili nang maisip isang araw na baka nga may sarili siyang mundo. Ang hirap, hindi na niya matangay sa mundong iyon ang iba. Matagal nang tapos ang kuwento ni Delka Linar. Paano masusundan iyon? Paano pa siya makalilikha ng kuwento na maaaring pumatay sa alaala ng isang kaibigan na ni hindi niya nakilala? Noon niya nakilala si Orange. Magtatapos na siya sa high school noon. At saka nga niya nakilala ang magkakapatid na anak ng magpuprutas sa bayan. Identical triplet. Naalala ni Daniel si Donya Maria at ang mga kapatid nito sa Ibong Adarna. First year high school pa sila nang basahin nila iyon sa klase, pero ngayon niya lang naisip na baka triplet-quadruplet-quintuplet o kung ilanmang-

