12 Erik

1234 Words

12. Erik SA MARAMING PAGKAKATAON, siya na nga ang nagpapasya kung ano lamang ang ibig niyang maalala sa lahat ng mga pinagdaanan niya. Nakapagtatakang kung hahagilapin sa isip niya ngayon, nawawala ang ilang tagpo. Hindi niya maaalala. O kung sakali’y hindi niya aamining nangyari ito. FIRST YEAR HIGH school siya. Sa katedral ng San Pablo. Kabilang siya sa napakaraming kabataan na abalang-abala sa pagsasaayos sa mga tao na labas-masok sa simbahan para sa libing ni Flor. Si Flor na sabi nila noo’y hindi nila malilimutan. Subalit napakadali para sa tao na magbitiw ng salita, mangako. Ano ba naman kasi ang kahulugan noon sa kanila, salita lamang. Hindi mapanghahawakan ang salita. May kapangyarihan ang salita na manlinlang. Tinapik siya ni Erik sa balikat. Naka-uniform sila ng Boy Scout. T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD