MATAGAL, BAGO nagsalita si Daniel. Hindi niya siyempre alam ito. Hindi dahil sa nalimutan na niya, pero dahil akala niya, nagsasalita siya noon pero ang totoo, sa isip lang niya umaandar ang lahat ng iyon. Alam natin, may espiritu ang wika. May espiritu ang wika. Kahit ang pangalan, espiritu. Maganda sana, naisip ni Daniel kung ipinangalan siya sa isang dakilang manunulat––o sa isang tauhan sa isang dakilang nobela. Kahit K lang, tatanggapin na niya. Pero hindi Daniel, ni hindi nga yata arkanghel iyon. Buti pa ang dati niyang pangalan. Gabriel. Kumbakit madalas siyang magkasakit sa pangalan na iyon. Hindi nga yata siya nakatadhana para maging anghel. Nang matuto siyang magbasa, noon naunawaan ni Daniel ang espiritu ng wika, ang kaluluwa ng mga salita, kung paanong may iba pa itong ti

