PALAKAD-lakad si Jeg sa loob ng kanyang kuwarto. Hindi niya inaasahan ang naging deklarasyon ni Keith. Marriage? To her best friend Keith James Gallardo? At hindi lamang iyon, sinabi rin nito na mahal siya nito. His declaration was too much to comprehend. Moral support lamang nito ang hinihingi niya at hindi kasal. Nasisiguro niya na nagpadalos-dalos ng desisyon si Keith. Napahawak siya sa sinapupunan. Dinadala niya ngayon ang binhi ng hindi niya kakilalang lalaki. Ano nga ba ang nararamdaman niya? Nalilito siya pero hindi siya nagagalit sa buhay na nasa sinapupunan niya. It was her child at tanggap niya iyon. Termination was not an option. Sa katunayan ay mahal na mahal niya ang nasa loob ng kanyang sinapupunan at hindi niya isinisisi rito ang kapalarang sinapit niya. Bumukas ang pinto

