Chapter 2

2281 Words
Inayos agad nina Jeg at Keith ang mga gamit nila. May welcome party para sa mga bagong dating na bisita sa isla kaya nagbihis si Jeg ng isang simpleng evening dress na nabili niya sa mga shop doon. Maganda ang tela niyon at humahakab sa katawan niya. It was one sexy red dress. Strapless iyon kaya itinaas niya ang buhok niya para lalong lumitaw ang magandang hubog ng kanyang leeg at mga balikat. Lumitaw rin sa damit na iyon kung gaano kakinis at kaputi ang kutis niya. Nagwiwisik na siya ng pabango sa kanyang galanggalangan nang marinig ang pagtawag ni Keith. “Jeg, are you ready?” tanong nito. “Nandiyan na,” sagot niya bago lumabas ng silid. “Wow!” bulalas ni Keith nang makita siya nito. Admiration was in his eyes. Hindi niya alam pero tila ikinatuwa niya ang papuri nitong iyon gayong dati naman nang ginagawa iyon ni Keith. Umikot siya sa harap nito, trying to fish for more compliments. “Sa tingin mo, may mabibingwit akong bachelor ngayong gabi?” tanong niya na malawak ang pagkakangiti. “Only if that bachelor passed my standard,” sagot nito. “Keith! Dahil siguro sa `yo kaya hindi ako magka-boyfriend. Bakit ka ganyan? Hindi ko naman pinakikialaman ang mga babae mo, ah!” reklamo niya. “Mga babae ko?” natatawang sabi ni Keith. “Wala nga akong girlfriend ngayon, eh. And to set the record straight, Miss, marami kang manliligaw na nagtitiyagang pumila, ikaw ang walang matipuhan sa kanila.” Keith was right. Marami siyang manliligaw na lahat ay nauuwi sa pambabasted. Why, she was a hopeless romantic. Hindi siya papasok sa isang relasyon na hindi sangkot ang puso niya. Blame her mother. Itinanim nito sa isip at puso niya na ang pag-ibig ay isang sagradong bagay. “Well, what can I say, naliligaw pa yata si Mr. Right. Hindi pa niya matunton ang daan niya patungo sa akin,” natatawang sagot niya. “O baka naman sa malayo ka lang tumitingin, Jeg? Baka nariyan lang pala sa tabi-tabi si Mr. Right at lampas lang lagi ang tingin mo sa kanya kaya hindi mo siya makita.” Napatingin siya kay Keith. Gusto niyang itanong kung ano ang ibig sabihin nito pero nakita niyang abala ito sa pagtutupi ng sweatshirt nito na may mahabang manggas. As usual, napakaguwapo nito sa suot nito. Hindi na siya magtataka kung may mga babaeng lalapit dito at kukunin ang atensiyon nito. Matagal na siyang nasanay sa mga ganoong pagkakataon. Nilapitan niya ito. “Let me,” sabi ni Jeg at siya na ang nagtupi ng manggas ng sweat shirt. “Pustahan tayo, Keith, mamaya ay may lalapit sa `yong babae at magpapakilala. That girl would try to make conversation with you and the two of you will eventually end up on the dance floor.” Keith laughed. Sa pagtawa nito ay lalong naningkit ang mga mata nito at lalo itong naging kaakit-akit tingnan. Kapag wala ito sa trabaho, Keith had a joyous personality. Pero pagdating sa trabaho ay napakaseryoso nito. He had authority, it was as if he was born to lead. “What are you trying to say, Jeg?” Bahagyang tinapik niya ang pisngi nito bago ito nginitian. “`Sus, gusto pa talagang makarinig ng papuri. Okay, kasi po, Keith James Gallardo, napakaguwapo mo ngayong gabi. Aren’t we a member of a mutual admiration club here?” Lalong lumakas ang halakhak nito at sa pagkakataong iyon ay hindi niya naiwasang palihim na titigan ito. Bakit ngayon lang niya na-realize na kakaiba talaga ang epekto ni Keith sa mga babae? “At least, we just ended up at the dance floor and not somewhere more private like a room,” nanunudyong sabi nito. Inalalayan siya nitong lumabas ng cottage at dahil malapit lang ang restaurant na pagdarausan ng welcome party ay ipinasya nila na maglakad na lamang.  “Iyon ang kasunod na eksena,” nakaingos na sabi niya. “Of course not. you know me better than that, Jeg.” “Yeah, right!” Ilang palitan pa ng argumento ang namagitan sa kanila ni Keith bago nila narating ang restaurant. Marami nang tao roon. Sinalubong sila ng host at iginiya sa pandalawahang mesa. Bumabaha ng mga pagkain at inumin pero nakontento na sila ni Keith sa champagne. Mayroong parte ng programa kung saan isa-isang nagpapakilala ang mga bagong dating. Nagawa nila nang maayos ang parte nila. Masaya ang party pero nababagot na si Jeg. She looked at Keith. Nakuha agad nito ang nais niyang mangyari kaya lumabas na sila ng restaurant pagkatapos magpakilala ng lahat. “Napapagod ka na? Umuwi na tayo sa cottage para maaga kang makapagpahinga,” sabi ni Keith sa kanya. Tumingala siya. Full moon pala kaya napakaliwanag ng paligid kahit gabi na. “Gusto kong maglakad-lakad muna sa dalampasigan,” sagot niya. Pumunta sila sa dalampasigan, malayo sa parte na may mga naliligo. Naglakad-lakad sila ni Keith habang bitbit nito ang mga sandalyas niya at ang mga sapatos nito. Above the knee ang damit niya kaya hindi iyon nababasa ng mga alon na marahang humahampas sa mga paa nila. Si Keith ay naka-slacks na puti pero walang kaso rito kung mabasa iyon. Nang mapagod sa paglalakad ay magkatabi silang umupo sa isang batuhan at doon ay nagkuwentuhan nang nagkuwentuhan. Nang makaramdam ng antok si Jeg ay inihimlay niya ang kanyang ulo sa balikat ni Keith. “Gusto mo na bang magpahinga?” tanong nito pagkatapos hagkan ang ulo niya. Umungol siya bilang sagot. “Hmm, pahihirapan na naman po ako ni Jeg,” kunwa ay reklamo ni Keith, saka siya pinangko sa likod nito. “Jeg…” tawag nito sa kanya. “Y-yes?” inaantok na tugon niya. Ang ulo niya ay nakapatong sa balikat nito. “Natatandaan mo pa no’ng eight years old tayo? May time capsule tayo na ibinaon noon sa likod-bahay n’yo, hindi ba? Do you still remember it?” tanong ni Keith. Though she was sleepy, she smiled at the thought. “Yes. Ano nga uling laman n’on? Ah... candy wrappers, teks, drawings—” “At ang pangako natin sa isa’t isa,” putol ni Keith sa sinasabi niya. “Sa tingin mo, matutupad kaya natin `yon, Jeg?” Ang pangakong sinasabi nito ay isang maliit na papel kung saan nakasulat ang mga katagang “Jeg and Keith… forever and ever.” Inayos niya ang mga braso niya sa balikat nito bago sumagot. “Oo naman, Keith. There will always be Jeg and Keith, forever and ever.            NAGISING si Jeg. Maaga pa pero gusto niyang panoorin ang sunrise sa islang iyon kaya bumaba na siya ng kama at nagtungo sa banyo. Dalawa ang kuwarto ng cottage na ipina-reserve ni Keith at ang pinto sa banyo ang nagsisilbing connecting door sa dalawang kuwarto. Siniguro niyang naka-lock ang pinto sa side ng kuwarto ni Keith. She did her morning rituals. Magsesepilyo na siya nang bigla siyang natigilan. Nakita niya ang toothbrush niya na katabi ng toothbrush ni Keith sa iisang lalagyan. Marahil ay si Keith ang nag-ayos niyon nang nagdaang gabi. It was no big deal. But why she was thinking of something so intimate at the sight of a toothbrush? Something so intimate like kissing… Here you go again, Jeg! Natatandaan niya na pinangko siya ni Keith hanggang sa tuluyan siyang makatulog sa likod nito nang nagdaang gabi. Hindi na niya namalayan na nakauwi sila sa cottage. Naalimpungatan na lang siya nang kinukumutan na siya ni Keith. He gave her a good-night kiss and then she fell asleep. Pagkatapos niyon ay nagpalit siya ng sleeveless top at shorts. Ipinusod niya ang kanyang buhok gamit ang rubber band. Kumuha rin siya ng tuwalya at isinampay iyon sa balikat niya. She planned to jog around the island. Lumabas siya ng kuwarto niya at nagpunta sa silid ni Keith. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nito. Sa hitsura ni Keith ay kagigising lang nito. Sa katunayan ay nakapikit pa ang kanang mata nito na parang nasisilaw sa liwanag. Maluwang  na T-shirt at boxer shorts lang ang suot nito. His hair resembled a bird’s nest and yet he was a sight to behold. “Good morning, Keith! Tara, jogging tayo,” yaya niya rito. Sumimangot ito. Naaliw siya sa hitsura nito kaya tumaas ang isang sulok ng mga labi niya. “Hindi ko na kailangang mag-jogging para magbawas ng calories sa katawan, Jeg. Goodness! Hanggang ngayon ay nananakit pa rin ang likod ko sa pagkarga ko sa `yo kagabi. Sa bigat mo, kahit yata ilang araw akong hindi mag-exercise, eh, okay lang!” Natawa siya. “Eh, di sana iniwan mo na lang ako roon kagabi. Hinayaan mo na lang sana na sa dalampasigan ako makatulog. Some stranger might see me, kiss me right then and there, and if he’s attractive enough, I might return his kisses, and then we’ll end up—” Biglang dumilat ang kanang mata ni Keith na nakapikit kanina. Mabilis nitong tinawid ang distansiya sa pagitan nila, pagkatapos ay itinakip ang isang palad nito sa bibig niya kaya hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin.  “Don’t say bad words,” sabi nito na nanlalaki ang mga mata. Agad din nitong tinanggal ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya. “Hintayin mo ako. I’ll just change my clothes, sasama akong mag-jogging.” Hindi na siya nakasagot nang dali-daling pumasok si Keith sa silid nito. Natatawa siya habang papunta sa sala para doon hintayin si Keith. Hindi na mabilang ni Jeg kung ilang beses na siyang nakasakay sa likod ni Keith. Madalas mangyari iyon noong mga bata pa sila kapag inaabutan siya ng antok o pagod. Nang maging binata at dalaga na sila ay madalang nang mangyari iyon. Sa pagkakatanda niya ay ngayon na lang naulit iyon. “Let’s go,” yaya ni Keith pagkaraan ng ilang sandali. Halos pareho sila ng suot nito—sando, shorts, at rubber shoes. Maayos na ang buhok nito na halatang sinuklay na. Lumabas sila ng cottage. She smelled the crisp air. Sariwang-sariwa at napakalamig niyon. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga, saka tumakbo nang mabagal. Umagapay si Keith sa kanya. “Keith, natatandaan mo pa ba kung kailan ako huling nagalit sa `yo? I mean, nagalit na ba ako sa `yo nang todo kahit noong mga bata pa tayo?” “Never kang nagalit nang matindi. Pero parang ganoon din `pag nagtatampo o naiinis ka sa akin. You have this way of making me feel guilty. You’re always getting on my nerves. Ikaw lang yata ang nag-iisang tao na kapag nagtampo, hindi na ako mapalagay. Bakit kaya, `no?” Lihim siyang napangiti. Alam niya ang bagay na iyon. Bata pa lamang siya ay nasanay na siya na sinusuyo ni Keith kapag nagtatampo siya. They were often teased by their elders. Sila raw ang magkakatuluyan. Kapag naiisip niya iyon noon ay natatawa lang siya. Pero ngayon ay tila may nag-iba sa pakiramdam niya. She felt somewhat peculiar, like there were butterflies in her stomach. “B-because I’m your best friend.” Iyon na lamang ang naisagot niya. Bumilis ang takbo ni Keith at nauna ito sa kanya. Pagkatapos ay humarap ito sa kanya at saka tumakbo nang patalikod para makausap pa rin siya. “I guess so. And I can’t imagine my life without you, Jeg.” “Ako rin. I always wonder what my life would be if I didn’t have you as my best friend. Bakit kaya tayo pa ang naging mag-best friend, `no? I mean, bakit hindi babae ang naging best friend ko? And you, why don’t you have a boy for a best friend? Hindi kayo magkaedad ni Kuya Redd pero puwede naman na kayo ang naging best friends `di ba?” “I don’t know. Maybe because we’re meant to be,” We’re meant to be… Tila umalingawngaw iyon sa pandinig ni Jeg. Tumigil sa pagtakbo si Keith kaya tumigil na rin siya. Tumingin sila sa silangan at doon ay nasaksihan nila ang natatanging kagandahan ng pagsikat ng araw. Niyakap siya ni Keith mula sa likuran. He rested his head on her shoulder. Inabot nito ang mga kamay niya at isinalikop iyon sa mga kamay nito. Napapikit si Jeg. A warm feeling enveloped her. It wasn’t the first time that Keith did that. Sa katunayan ay normal sa kanila ang magyakapan, pero iyon ang unang pagkakataon na may nadama siyang kakaiba sa closeness nilang iyon. His body heat was making her think of things that she shouldn’t. And why was her heart beating a little faster than normal?  “Te amo, Jeg,” bulong nito sa tainga niya. Keith had Spanish blood pero sa tuwina ay “Te amo” lang ang naririnig niyang sinasabi nito sa wikang Espanyol. At palagi iyong sinasabi ni Keith sa kanya kahit sa text messages lang nito. Hindi niya kailangang itanong kung ano ang ibig sabihin niyon. He loved her as his best friend and so did she. “Te amo, K-Keith,” sagot niya pero hindi niya alam kung bakit nautal siya. Pinagmasdan nila ang araw hanggang sa tuluyan nang sumikat iyon. It was a magical moment. Pagkatapos ay umalis na sa likuran niya si Keith at saka humarap sa kanya. “Watching the sunrise is more fun in the Philippines,” sabay nilang sabi. Nagkatinginan sila, pagkatapos ay sabay na napahalakhak. Nagkasundo sila ni Keith na kakain muna ng almusal pagkatapos ay maliligo sila sa dagat.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD