Chapter 3

3959 Words
JEG LOOKED at her diver’s watch. Dalawang minuto na ang nakalilipas mula nang sumisid si Keith sa dagat pero hindi pa ito muling lumilitaw. Hindi siya nag-aalala na ganoon na ito katagal sa ilalim ng tubig dahil alam niyang kaya nitong tumagal nang ilang minuto kahit walang breathing apparatus na sumusuporta rito. Keith loved the waters in all its forms at kaya nitong pabagalin ang vital signs nito para tumagal sa ilalim ng dagat—isang bagay na hindi niya matutuhan. Tinamad na siyang maligo kaya mula sa divan na nalililiman ng puno kung saan siya nakaupo ay pinanood na lang niya si Keith sa paglangoy nito. Kinuha niya ang telescope at itinutok sa dagat. “There he is,” sabi niya nang lumitaw ang ulo nito. May-kalayuan din pala ang narating nito. Ikinampay ni Keith ang mga kamay nito at nagsimulang lumangoy palapit sa dalampasigan. Kahit sino ang makakita rito ay iisipin na isa itong professional swimmer. He did the freestyle and the butterfly stroke and he did it with elegance. There it was again, ang kakaibang pakiramdam na iyon. Dati pa niyang nakikita si Keith na naka-swimming trunks pero kailanman ay hindi niya naramdaman ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Was it physical attraction that she felt towards her best friend? Tumigil si Keith sa paglangoy nang nasa mababaw na parte na ito. Naglakad na lang ito paahon. And oh, God, he looked so magnificent as his body slowly came up from the water. Napigil niya ang hininga nang tuluyang lumitaw ang kabuuan nito mula sa tubig. Keith was only wearing his trunks and oh boy, was he so sexy! He stood tall and magnificent. His chest and stomach were well-defined as if there was no room for excess fat. His biceps were firm, nagpapakita iyon ng katatagan. Tila ito hari ng karagatan habang matikas na naglalakad at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok at katawan nito. Hindi nakaligtas sa kanya nang gumawi ang tingin ng kababaihan dito. Admiration was in their eyes. Napailing siya nang mapansing bahagya pang nakaawang ang mga labi ng ilan. Walang duda, malakas talaga ang appeal ni Keith. His presence didn’t go unnoticed. Napatuwid siya ng upo nang may isang babae na lumapit kay Keith. Maganda ito at nag-uumapaw ang self-confidence. She wasn’t that naïve pero gusto niyang mailang sa suot nitong swimsuit. It was skimpy na tila ayaw nitong magtira para sa imahinasyon ng kalalakihan. They had a little chitchat and Keith must have enjoyed talking to her because he was laughing. Lalong naging kaaya-ayang pagmasdan si Keith habang tumatawa ito. Ngayon lang niya napagtanto na hindi lamang basta guwapo ang kaibigan niya. Keith was way more than “handsome.” He was gorgeous from head to toe. Umakto siyang normal nang makalapit ito. Inihagis niya ang tuwalya rito. Isinampay ni Keith ang tuwalya sa balikat nito pagkatapos punasan ang katawan. Tumabi ito sa kanya sa kinauupuan niyang divan. “Jeg, look what I found,” masiglang sabi nito habang inilalahad sa harap niya ang palad nito. Nakita niya roon ang dalawang kulay-pulang shell. Hugis-puso ang mga iyon. “Wow, ang ganda! bulalas niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang shape ng shells. Kulay-pula pa. Patingin nga.” Kinuha niya ang mga iyon at pinagmasdan. Napagtanto niya na magkadikit ang dalawang shell. Isa lamang iyon ngunit nahati sa dalawa. “May naisip akong gawin diyan,” sabi ni Keith. Kinuha nito ang mga gamit niya at niyaya siyang umuwi sa cottage nila. Tutal ay wala siya sa mood maligo kaya sumang-ayon na rin siya.   “Keith, kakain ba tayo sa restaurant o magpapa-deliver na lang?” tanong ni Jeg. Nakapag-shower na si Keith at nadatnan niya itong kinukutingting ang mga shell na nakuha nito. Tila seryosong-seryoso ito at nakatuon lang ang atensiyon doon. “Done!” bulalas nito na hindi lumilingon. “Natapos ko rin.” Tumayo si Keith bitbit ang pinagkaabalahang shell. Nakita niyang ginawa nitong kuwintas ang mga iyon. Mababakas sa mukha nito ang excitement nang lumigid ito sa likuran niya at ikinabit ang isang kuwintas sa leeg niya. Napangiti siya bago hinawakan ang shell na siyang pinaka-pendant niyon. Nasorpresa siya nang makitang may mga salitang nakaukit sa likod niyon: For my best friend. “Thank you, Keith.” Namasa ang mga mata niya dahil sa mga luha. Isa sa mga pinakagusto niyang ugali ni Keith ay ang pagiging sweet at thoughtful nito. Hindi nito nalilimutang bigyan siya ng mga simpleng bagay na pinagpaguran nito nang husto. “Nagustuhan mo?” “I love it.” Sa sobrang galak niya ay niyakap niya ito. “Keith…” “Hmm?” “Thank you,” sabi niya habang nakayakap pa rin dito. “You’re welcome. Pero kailangan mo akong ilibre ng dinner, okay?” Natawa siya, saka lumayo na rito. “No problem. Teka, nasaan ang kalahati ng shell? Ginawa mo ring kuwintas mo? Patingin kung ano’ng nakaukit.” “It’s not mine. Para sa isang espesyal na tao `yon. Sorry, hindi mo puwedeng basahin ang dedication,” nakangiting sabi nito. “Tara na, ginutom ako sa paggawa niyan.” Sino ang espesyal na tao na tinutukoy nito? Binale-wala na lang niya iyon at nagpatianod na rito.   Nagkuwentuhan sina Jeg at Keith habang naglalakad papunta sa restaurant at katulad ng dati ay nakasunod na naman sa kanila ang mga matang humahanga kay Keith. Nakasuot ito ng Lacoste shirt at white shorts. Sipit na tsinelas ang suot nito sa mga paa. His hair was brushed up and the only accessory he wore was his diver’s watch. Pero kung tingnan ito ng mga babae ay animo isa itong Greek god na kulang na lang ay sambahin ng mga ito. “Kailan ka nasanay sa mga ganyang tingin, Keith?” tanong ni Jeg. Sa isang iglap ay tila naging interesado siya kung kumportable ba ito na pinagtitinginan nang ganoon. “Anong tingin? `Yong parang hinuhubaran nila ako at sa isip nila ay minomolestiya ako?” Naramdaman niya ng pag-iinit ng mga pisngi niya, “Must you have said that?” Keith chuckled. “Blame the genes of my ancestors. Hindi ko kasalanan na guwapo ako.” “Conceited!” buska niya rito. “Sometimes, I don’t want you to talk like that, Keith.” Kunsabagay, tama naman ito. Hindi nito kasalanan na nakuha nito ang magandang genes ng mga ninuno nito. Lalong lumakas ang halakhak ni Keith. “Eh, ikaw? Manhid ka ba? Bakit hindi mo mapansin o maramdaman ang mga matang ayaw nang umalis ang tingin sa `yo? Tulad ngayon, you’re wearing that little dress na halos yumakap sa katawan mo. Don’t you know you’ve got the attention of both men and women?” “At least, I’m not taking advantage of them.” Narating nila ang restaurant. Kahit may waiter na nakaantabay roon ay sumenyas si Keith na ito na ang magbubukas ng pinto. “And what do you mean by that, lady? Why did it sound like sarcasm?” Napili nila ang mesa na nasa sulok. Ipinaghila siya ng upuan ni Keith at saka siya nagpasalamat dito.Um-order muna sila ng pagkain nila bago niya ito sinagot. “Hindi ko pinaglalaruan ang damdamin nila.” “At ako, naglalaro ako ng damdamin ng mga kabaro mo? Iyon ba ang gusto mong ipakahulugan?” tanong ni Keith na nakataas ang isang sulok ng mga labi. “Hindi nga ba, Keith?” hamon ni Jeg dito. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon. Siguro dahil naisip niya ang babaeng lumapit dito kanina. Tinitigan siya ni Keith. “Don’t fish for information, Jeg. Alam ko na alam mong hindi ako gano’n.” Bumuntong-hininga siya. She was just provoking him but he didn’t take the bait. “Curious lang ako at puwede mong sagutin o hindi ang tanong ko.” “Jeg, bakit sa dinami-rami ng manliligaw mo, wala ka pang sinasagot?” biglang tanong nito sa kanya. “Para namang hindi mo alam na hopeless romantic ako. Ayokong pumasok sa isang relasyon na hindi sangkot ang puso ko.” “At wala pa rin ba iyon, Jeg? I mean, that particular feeling, hindi mo pa ba `yon nararamdaman hanggang ngayon? Kahit hindi sa mga manliligaw mo. Let’s say, kahit sa isang kakilala mo lang, o sa isang kaibigan…” Jeg felt a knot in her stomach. Tutok na tutok ang mga mata ni Keith sa kanya na para bang wala itong nais ma-miss sa magiging ekspresyon niya o sa isasagot niya. “S-so far, w-wala pa naman.” Liar! akusa ng kanyang isip. Hindi sigurado si Jeg sa nakita niya pero tila nanlumo si Keith. Nawala ang kislap ng mga mata nito at bahagyang nalaglag ang mga balikat. Pinaglalaruan lamang ba siya ng kanyang mga mata? Mabuti na lang at naihain na ang mga pagkain nila. Nawala ang tila kahungkagan na unti-unting bumalot sa paligid. Ipinaglagay siya ni Keith ng mga pagkain sa kanyang plato pagkatapos ay magana silang kumain. Plano nilang gumawa ng bonfire sa gabing iyon at mag-stargazing.   GOODNESS! nausal ni Keith sa kanyang isip. He couldn’t help but admire Jeg’s beauty from a distance. Jeg was really beautiful. No, she was gorgeous. Mula sa kinauupuan niyang outdoor bar na malapit sa beach ay kitang-kita niya ang kagandahan ng dalaga. Nakasuot ito ng pulang two-piece swimsuit na kung puwede lang ay huwag na niyang ipasuot dito. Why, she was a head-turner in that attire. Jeg had perfect curves and her waistline was noticeable. Hindi rin maikakaila na agaw-pansin ang mabilog na pang-upo nito. Everything about her was just perfect. Her posture and the way she carried herself were outstanding. Pinatingkad lalo ng pulang swimsuit na iyon ang makinis na kutis nito. She walked barefoot along the shore. Ang buhok nito ay mabining inililipad ng hanging-dagat. She was like a water nymph. If he could only take her away from the guys who were straing at her. Jeg was one special girl. She had this presence na tipong ihalo man ito sa karamihan ay mangingibabaw pa rin ito. She was tough, smart, and brave at her own right. Gustong-gusto niya kung paano ito makipag-argumento sa kanya. Hindi ito natatakot na isatinig ang nilalaman ng isip nito. Marami silang pagkakapareho at isa na roon ang pagiging hopeless romantic nito dahil siya mismo ay hindi papasok sa isang relasyon kung hindi sangkot ang puso niya. “Hopeless romantics are only hopeless in the eyes of those who don’t believe in romance.” Natatandaan niyang sinabi iyon sa kanya ni Jeg at sang-ayon siya roon. Huminga siya nang malalim. If only Jeg knew how he truly felt for her. Te amo, Jeg. Te amo… he thought before drinking his wine.   NILINGON ni Jeg ang kinaroroonan ni Keith. Hindi siya sigurado kung nakatingin ito sa kanya dahil nakasuot ito ng shades. Gayunman ay kumaway siya rito. To her surprise, Keith waved back at her. Ngumiti siya bago itinuloy ang paglalakad sa dalampasigan habang bitbit sa kamay ang mga tsinelas. Marahang umiihip ang hangin kaya bahagya ring inililipad ang kanyang buhok. She was thinking again. Inaanalisa niya ang mga pagbabago sa kanyang damdamin. The feeling was strange, and yet it felt just right. Ang problema lang ay hindi pa rin siya makabuo ng konklusyon kung ano talaga ang nararamdaman niya. It was new, wala siyang mapagkomparahan. Ngayon tuloy niya naisip na iba pa rin siguro kapag may malapit siyang kaibigan na babae na puwede niyang pagsabihan ng mga damdaming gumugulo sa kanya ngayon. Pakiramdam kasi niya ay isa iyon sa mga bagay na hindi niya puwedeng sabihin kay Keith. Ano ang gagawin niya ngayon? Should she call her mother and ask for some advice? Pero ano ang sasabihin niya gayong siya mismo ay naguguluhan din? “Hi.” Ang tinig na iyon ang pumutol sa pagmumuni-muni ni Jeg. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Sa accent pa lang ay masasabi niya na dayuhan iyon. Hindi siya nagkamali dahil isang Amerikano ang nalingunan niya. She gave him a friendly smile. after all, Filipinos were known for being hospitable. “Hello,” ganting-bati niya. Tila naman ikinasaya nito ang kanyang friendly gesture. “You’re very pretty and you’re all alone. So, I supposed you might need some company.” Gustong uminit ng ulo ni Jeg nang mapansin niya ang ginawa nitong paghagod sa kabuuan niya, lalo na nang tumagal ang mga mata nito sa kanyang dibdib. She was only being polite but this man thought otherwise. Alam din niya kung anong “company” ang nais nitong ipakahulugan. Pig! Ngalingali niyang bulyawan ito. Hindi naman ito kaguwapuhan. “`You need something from my wife?” tanong ng isang tinig na sigurado siyang kay Keith. Pumulupot ang braso nito sa baywang niya, bago siya hinapit palapit dito. Ramdam niya nang umigting ang ekspresyon ni Keith na para bang sinasabi nito na hindi nito nagustuhan ang paglapit ng lalaki sa kanya. Nasa mukha rin nito ang paghamon sa lalaki. Malaki ang kaha ng katawan ni Keith kaya alam niyang dapat din talaga itong pangilagan. “Oh, I’m sorry,” hinging-paumanhin ng foreigner bago nagmamadaling umalis. Hinarap niya si Keith at humahagikgik na hinampas ang braso nito. “You scared the hell out of him, Keith. But thank you. He’s a chauvinist.” Naging alangan ang ngiti niya nang parehong pumulupot ang mga braso ni Keith sa baywang niya. She could almost feel the heat of his body travelling in her every vein. Nagpapakabog din sa dibdib niya ang mga emosyong nagsalimbayan sa mga mata nito. For a moment, she thought she could read the expression in his eyes, but she was wrong. “K-Keith…” “Yes?” sagot nito. His voice almost sounded like a whisper. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Bago pa siya nakasagot ay binuhat na siya ni Keith at dinala sa tubig. “Remember what we used to do kapag nasa dagat tayo?” nakangising sabi nito. Nakikita niya sa mga mata nito na may kalokohan itong gagawin. “Keith, huwag mo akong itatapon sa dagat. Lagot ka sa akin kapag nakainom ako ng tubig!” pagbabanta niya. Madalas iyong gawin ni Keith sa kanya noon. Binubuhat siya nito at itinatapon sa dagat. Madalas ay nakakainom siya ng tubig-alat kaya iniihit siya ng ubo. Pagkatapos niyon ay susuyuin na siya ni Keith. Ngumisi si Keith. Patuloy ito sa paglalakad papunta sa malalim na parte ng tubig. Nabasa ang katawan niya kahit karga siya nito. “Keith! Hindi ako marunong lumangoy! Baka nakakalimutan mo na hanggang sa mababaw na parte lang ako ng dagat?!” nagpa-panic na sabi niya. Hindi siya marunong lumangoy kahit na may swimming pool sa bahay nila. Nakita kasi niya noon ang nalunod na aso niya na lumulutang sa swimming pool nila kaya hindi na siya naligo roon kahit kailan. Hindi naman siya nagkaroon ng phobia pero hindi na talaga siya natutong lumangoy.  “Jeg, puwede ba, relax. Hindi kita pababayaan, okay? Kaibigan mo ako, don’t you trust your friend?” Nangunyapit siya kay Keith. Mas matangkad ito sa kanya nang limang pulgada kaya nakalitaw pa ang mukha hanggang leeg nito. Jeg wrapped her arms around his neck. Hindi iyon sapat kaya wala siyang nagawa kundi ipulupot rin sa katawan nito ang kanyang mga paa. She was practically hugging him while his hands were on her back. “Keith, hindi na ako natutuwa, ha. Dalhin mo na ako sa mababaw na parte ngayon din!” paggagalit-galitan niya. Kailangan niyang itago ang pagkailang na nararamdaman niya. Sino ba ang hindi maiilang? Para siyang linta na nakakapit dito. And the soft flesh of her breasts were crashing against his hard chest. God, ramdam kaya nito na tumatambol ang dibdib niya? At hindi siya sigurado kung ang pagtambol ng puso niya ay dahil sa kaba o dahil sa excitement. Whatever it was, apektado siya sa pagkakadikit nila. Hindi naging hadlang ang tubig-dagat para maramdaman niya ang init ng katawan ni Keith. Sa maliit na distansiya sa pagitan ng mga mukha nila ay kitang-kita niya kung gaano ito kaguwapo. Keith stared at her. “Jeg, you’re very beautiful, do you know that? Any man would fall in love with you. Kinatatakutan ko kapag dumating `yong sandali na mai-in love ka sa iba. Masyado akong nasanay na nasa akin lang ang atensiyon mo,” sabi nito sa tonong halos hindi niya maunawaan. Nalalanghap niya ang amoy ng alkohol sa hininga nito pero tila gusto niyang malasing sa kakaibang pakiramdam na idinudulot nito sa kanya. Keith’s hands were slowly stroking her back and damn, it was giving her different sensations all over her body. “E-eventually, it’ll come, Keith. M-mai-in love ako at kapag dumating ang sandaling iyon, hindi na puwede ang closeness natin. I don’t want him to get jealous of you. I-I might as well start looking for him now.” Lalo siyang hinapit nito palapit dito. “Damn! Wala pa man, nagseselos na ako!” angil nito at nabasa niya ang katotohanan sa likod ng pangungusap na iyon. Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi at ganoon din ang ginawa niya. Kung hindi niya napigil ang sarili ay siguradong tataas ang kamay niya para haplusin ang mga labi nito. Goodness, Keith! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bigla ay gusto kong haplusin ang mga labing iyan? “Don’t find love, Jeg. Let love find you. That’s why it’s called falling in love `cause you don’t force yourself to fall, you just fall…” Ikinagulat niya ang sinabi nito at pinilit niya na bale-walain iyon. “I-iahon mo na ako, Keith. Giniginaw na ako,” sa halip ay sabi niya. “Jeg…” Tila nais tumutol ni Keith. Nasa mga mata nito ang pagsusumamo sa isang bagay na hindi niya alam kung ano. “Jeg, Jeg,” mahinang sambit nito sa pangalan niya. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi at noo nito. Pagkatapos ay hinaplos niya ang ilong nito at nagtagal ang kamay niya sa gilid ng mga labi nito. Doon dumampi ang halik niya noong nasa chartered plane sila. Hindi niya alam na ang halik na iyon ang magbubukas ng damdamin niya para kay Keith. Bumakas ang pagkasorpresa sa mukha ni Keith dahil sa ginawa niya. She let her guard down and she didn’t know if Keith noticed it. “P-please, Keith, iahon mo na ako.” Gustong umiyak ni Jeg. Hindi lamang basta umiyak kundi gusto niyang humagulhol. Gusto niyang ipagkaila ang damdamin niya pero ano ang magagawa niyon? Malinaw na malinaw, she was in love with her best friend. That kiss on the plane triggered her feelings for him. Feelings she did not know existed. Napakabilis ng mga pangyayari. All of a sudden, na-realize niya na hindi lamang pagmamahal sa isang kaibigan ang nararamdaman niya para kay Keith kundi pagmamahal ng isang babae para sa isang lalaki. Oh, Cupid! Why are you playing with my heart? Of all people, bakit si Keith pa na best friend ko? Looking back, lahat ng manliligaw niya ay gusto niyang ikompara kay Keith. Hindi sa Keith na kilala ng marami kundi sa Keith na kilala niya. She had always been happy with his simple thoughts. Nagiging kompleto lamang ang kaarawan niya kapag naroon si Keith. She remembered how she cried a river when Keith chose to take his masters in Chicago. She always waited for his call. Ah, Keith… Keith… It had always been Keith. How could she have missed the signs? Masyado siyang naging kumportable rito para hindi mapansin iyon. Bumitiw na siya kay Keith nang matantiya niya na nasa mababaw na parte na sila ng tubig. Inilublob niya ang sarili sa tubig para maitago ang pamamasa ng mga mata niya dahil sa luha. Paano pa siya titingin kay Keith nang hindi nito nalalaman ang pagbabago ng damdamin niya? Things had been complicated ever since that simple kiss. If it hadn’t happened, would she have discovered her feelings for him?  Eventually, yes. Hindi mo matatakasan iyan, Jeg. Love is meant to express, sagot ng isip niya. Naglakad siya paahon sa tubig habang nararamdaman niya ang panginginig ng mga tuhod niya. Bago pa siya makahuma ay may pumigil na sa braso niya. Hindi niya kailangang lumingon para alamin na si Keith iyon. Mula sa braso niya ay dumausdos ang kamay nito para hawakan ang kamay niya. Hindi pa rin siya lumingon. She bit her lip and summoned all her strength to stop her tears from falling. You know what, Keith? I’m in love. I just realized I’m in love. Thanks to that kiss. And guess who I am in love with? It’s you, Keith, I love you! I’m in love with you, best friend!  Kung sana ay ganoon lang kadaling sabihin ang mga salitang iyon. Pero alam niya na ang pagiging sweet ni Keith sa kanya ay walang malisya. He loved her as his sister. What he had for her was a platonic kind of love. Walang ibang ibig sabihin ang paghawak nito sa kamay niya, ang pagyakap nito sa kanya, at ang pagsasabi nito ng, “Te amo, Jeg.” “Jeg…” tawag nito sa kanya at humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. “M-masakit na ang ulo ko, Keith. Gusto ko nang umahon at magpahinga.” Humakbang siya paahon. Ibinuka niya ang kamay niya para pakawalan iyon ni Keith. Unti-unti naman niyang naramdaman ang pagluwag ng hawak nito hanggang sa bumitaw na rin ito. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. “I love you, Keith. Ngayon, kabilang na ako sa napakalaking populasyon sa Pilipinas na lihim na nagmamahal sa kanilang mga kabigan. It was so sudden. You kidnapped me and brought me along this trip and look at what happened, I fell for you,” mahinang sabi niya bago itinuloy ang paglalakad pabalik sa cottage nila. She knew everything would change. Well, at least for her. Mabuti na lang at nakatakda na silang bumalik sa Maynila kinabukasan. Dali-daling nag-shower si Jeg. Sa ilalim ng dutsa, habang patuloy na bumubuhos ang tubig ay patuloy rin ang pagdaloy ng mga isipin sa kanyang utak. Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Paano siya haharap kay Keith nang hindi nito nahahalata ang damdamin niya? Bumuntong-hininga siya bago isinara ang shower. Tinuyo niya ang sarili bago ibinalot ang katawan sa malaking tuwalya. Lalabas na sana siya ng banyo nang mapansin niya ang pintong nagkokonekta sa silid ni Keith. She was tempted to see his room. At natagpuan na lamang niya ang sarili na pumapasok sa silid nito. Napangiti siya nang makita niya na maayos ang silid. Still the Keith I know… Maging ang kama nito ay maayos ang pagkakalapat ng mga bedding. Maayos din ang pagkakasalansan ng mga unan. Nasisiguro niyang maayos ding nakatupi at nakapatas ang mga damit nito sa loob ng cabinet. Naagaw ang pansin niya ng maliit na bagay na nasa ibabaw ng bedside table nito. It was the other half of the shell. Kinuha niya iyon at binasa ang mga salitang iniukit ni Keith doon. For the woman I love the most.                  Tila may kung anong dumagan sa puso niya dahil sa mga salitang iyon. Could it be possible that Keith was already in love? But with whom? Bakit walang sinasabi sa kanya ang binata? Bumalik siya sa silid niya na may luha sa mga mata.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD