Venus Thane's Pov "Magkita na lang tayo bukas ng umaga dito sa school." Mababakas ang pagkasabik sa boses na saad ni Melody. I smiled at her and nodded. Magaap na kinuha na ni Mang Ed ang dalawang libro ko na si Melody na ang nagdala para sa 'kin kanina. Masiyado na raw kasi akong madaming dala kahit na mga folder lang naman ang bitbit ko at hindi naman 'yon gano'n kabigat ay hindi ko pa rin siya napigilan na kunin sa 'kin ang mga libro na 'yon. "Ipagyayabang ko talaga sa mga kapitbahay naming inggitera na mararating ko na ang mansyon ng mga Cojuangco." She said and grin evilly. Napailing na lamang ako dahil do'n. Nabaling ang buong atensyon kay Mang Ed pati na rin sa pinto ng SUV na binuksan niya para sa 'kin. Melody bid her goodbye already. Ilang mga pamilyar na c

