Venus Thane's Pov
Suot ang isang kulay itim na jumper shorts na pinaresan ko ng kulay mustard na tee at silver na sneaker ay mabilis akong bumaba matapos kong maligo at mapatuyo ang buhok na inipit ko rin.
"Aalis ka?" Si Manang na naabutan kong inaayos ang mga bulaklak na nasa vase at nakapatong sa lamesang malapit sa front door.
Bahagya kong hinawi ang aking bangs saka ngumiti sa kaniya at tumango.
"Saan ka naman pupunta?' She followed up.
"Ipapasyal raw po ako ni Ariz." Muli kong sagot saka kinapa ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong jumper shorts.
Nangunot ang noo n'ya animo'y labis s'yang nagtataka sa sinabi ko.
"Si Ariz?" Ulit n'ya pa. I nodded and plastered an awkward smile.
"Papa asked him to show me around, that's why." Dagdag kong ikinatango n'ya na.
"Mag-iingat kayo ah." Bilin n'ya pa sa 'kin bago ako tuluyang lumabas ng mansion.
Ilang hakbang galing sa front door ay natanaw ko na si Ariz sa tabi ng SUV, naiinip na naghihintay sa 'kin.
His eyes remained emotionless as he saw me. Umayos s'ya nang tayo saka n'ya binuksan ang pinto ng passenger seat sa likuran.
"Saan n'yo po gustong pumunta, Señorita?" He asked using his baritone voice, was it just me or there's really a sarcasm on his tone when he said that word, Señorita?
I forced a smile yet he didn't smile back, snob.
"I don't know, two years old lang ako nang dinala ako nina Mama sa New York, I know nothing about Santiago aside from the fact that it's my birthplace. Ikaw na ang bahala." Anas ko sa kaniya.
Imbes na sumakay sa passenger seat na pinagbuksan n'ya ng pinto ay mas pinili ko na sumakay sa passenger seat na katabi ng sa driver's seat.
Narinig ko s'yang bumuntong hininga bago n'ya sinarado ang pinto ng sasakyan. I darted my eyes on my phone, composing a reply for Saturn's message, sa gilid ng aking mata habang tumitipa ng isasagot ko kay Saturn ay nakita ko s'yang umikot papunta sa driver's seat.
To: Saturn.
Ang daya. Napunta ka lang sa Manila ayaw mo nang bumalik ng Santiago? Pati rin si Kuya Ranus! Nakalimutan na ata kung paano bumalik ng Pilipinas at nabulok na s'ya sa New York!
"Iyong seatbelt n'yo po, Señorita." Napairap ako sa ere dahil sa tinawag n'ya sa 'kin at inis s'yang binalingan.
"Stop calling me that! Nang iinis ka lang eh!" Asik ko sa kaniya. Hindi na s'ya sumagot pa't nakita ko na lang na pinasok n'ya 'yong susi ng sasakyan para buhayin ang makina.
Maayos akong naupo at itinuon na lang ang mga mata ko sa bintana ng sasakyan nang mailagay ko na sa 'king katawan 'yong seatbelt.
"Ang sabi ni Manang Constancia hindi ka raw po kumain ng agahan, Señorita." There he goes again. Imbes na mainis lang sa kaniya ay hindi ko na lang s'ya inimikan.
"Breakfast is the most important meal of the day." Dagdag n'yang sinabi gamit ang wikang banyaga. Napaawang ang labi ko dahil ro'n.
Tsaka ko lang ulit naalala na nag-eenglish rin s'ya kanina habang nag-aargumento kami sa gilid ng pool.
I gaze at him with a profuse amusement on my eyes, like I discover something life changing.
Sandaling nagtagpo ang mga mata namin nang tumingin s'ya sa 'kin bago n'ya 'yon ibinalik sa kalsada.
"Bakit?" Hindi nakatingin na tanong n'ya sa 'kin.
"You can speak english?" That should be a compliment but it came out from my mouth like a snide remark. Mula sa kawalan ng ekspresyon sa kaniyang mga mata'y napalitan 'yon ng iritasyon.
I pressed my lip into thin line.
"It not what it sounds like, I-I was just amazed that—"
"That I can speak english?" Sansala n'ya sa sinasabi ko. Hindi na lang ako kumibo pa't nanahimik na. Hindi ko man sinasadya, alam kong nainsulto ko pa rin s'ya.
I used to think that farmers are...nevermind. I shouldn't think lowly of them.
Nakita kong tumigil ang sinasakyan naming SUV sa tapat ng isang kubo na may nakapaskil sa bandang bubungan na signage.
"Santiago's Tapsi at Bulalohan." Pabulong kong basa. Alam ko kung ano ang bulalo, paborito ko nga 'yon pero 'yong Tapsi? Hindi ko pa ata naririnig 'yon.
Nakita kong inalis n'ya ang kaniyang seatbelt saka s'ya lumabas ng sasakyan, akala ko may pupuntahan lang s'ya kasi mayroon s'yang bibilhin na kung ano kaya naman laking gulat ko na pinagbuksan n'ya rin ako ng pinto.
Nasa gilid lang kami ng kalsada, maliban ro'n sa kainan na gawa sa kubo'y puro palayan lang ang nakikita ko.
Nagtataka akong sumulyap sa kaniya.
"Where are we?" Tanong ko habang inaalis ang aking seatbelt. He offered me his hand for help as I get off from the car.
Mabilis ko ring binatawan ang kamay n'ya nang makababa na 'ko.
"Walang fancy restaurant dito sa Santiago, mayroon sa Santa Catalina kaso malayo 'yon mula rito mga tatlong oras na b'yahe atsaka mas'yadong mahal. Wala pa 'kong pera pambayad sa mga pagkaing binebenta nila ro'n." Aniya habang naglalakad kami papasok sa kubo.
I grimaced at him upon hearing that.
"Hindi naman kita pagbabayarin ng kinain ko, may pera akong pambayad." Sabi ko sa kaniya. Seryoso n'ya 'kong nilingon bago n'ya ko pinaghila ng upuan.
Nang makaupo ron ay tinulak n'ya 'yon sa tamang distansya lang mula sa lamesa saka s'ya naupo sa upuang kaharap ng sa 'kin.
"Like I'd let you pay for our meal." Untag n'ya na ipinagtaka ko. Lumapit sa 'min ang isang babae na wari ko'y kaedaran lang nila ni Celine bitbit ang isang maliit na notebook sa kaliwa n'yang kamay at ballpen namab sa kanan.
"Anong order mo, Ariz?" Nakangiti at parang nagpapa-cute na tanong noong babaeng ikinaismid ko na lang. Akala ko sa US lang may ganiyang babae pati pala dito sa Santiago na probinsya na ay mayroon din.
Napairap ako sa ere.
"Tapsilog lang, ta's bulalo sa kaniya." He said in a very calm and charming tone. Napaismid ako dahil ro'n.
Kapag ako ang kausap n'ya lagi s'yang seryoso lang ta's sa ibang tao—ibang babae ay malambing s'ya at napaka-bait? That's so unfair!
I should be the one he's treating nicely 'cause I'm his boss, daughter of his boss rather.
Nakita kong isiniklop ng waitress ang iilang takas na hibla ng kaniyang mahaba at itim na itim na buhok sa kaniyang tainga bago n'ya kami tinalikuran ni Ariz.
"Ako ang magbabayad sa kakainin ko." I announced that broke the silence between us. Umigting ang panga n'ya, animo'y inis na inis s'ya sa 'kin dahil sa sinabi ko.
"May pera akong pambayad Señorita, wag mo naman ipamukha sa 'kin na mahirap lang talaga ako." My jaw dropped at that. That is not my point here, hindi ko alam kung mahirap ba talaga s'yang umintindi o sadyang medyo makitid ang utak n'ya.
Bumuntong hininga ako.
"Hindi naman 'yon 'yong point ko, ano bang masama kung ako ang magbabayad ng order ko? Ako naman ang kakain non." I argued.
Sumandal s'ya sa monoblock chair saka tumingin sa 'kin.
"Why do girls love to make fuss 'bout little things?" He asked. Natahimik ako dahil sa sinabi n'ya. Kung tutuusin ay wala naman talagang kwenta ang pinag-aawayan namin ngayon.
Hindi na lang ako nagsalita at sa halip ay itinuon ang atensyon ko sa paligid ng kainan.
"Kapag ako ang nagyaya, ako ang magbabayad ng gastos." I can hear his pride talking here. Ayos lang sa 'kin na ilibre n'ya ko kung may pera talaga s'ya katulad ni Kuya Ranus, ako pa mismo ang magpupumilit sa kaniyang ilibre ako, but knowing that he's working hard under the scorching sun for every cent that he'll spend, hindi matahimik ang konsensya ko.
"Bahala ka nga, hindi naman na mauulit 'to." I muttered and rolled my eyes on him. Nagkibit balikat lang s'ya sa 'kin.
"We'll see." Aniya na hindi ko na inintind pa lalo na't nasa harapan ko na ang isang mangkok ng mainit na bulalo.
Wala nang nagtangka sa 'ming dalawa na mag-usap. Tahimik s'yang kumakain at gano'n rin ako.
Ang buong atensyon ko'y nasa bulalo lang.
True to his words, he paid for our meals. Mag-aalas dose na nang umalis kami sa kainan na 'yon.
Tahimik na naman kaming dalawa sa loob ng sasakyan. I couldn't help but admire those farmers whose working hard under the sun, they deserve that credit.
Nakakalungkot isipin na ang bawat butil ng bigas na pinaghihirapan nilang itanim, ay nasasayang lang minsan dahil sa mga natitira at hindi nauubos na pagkain.
"Kailan ka babalik ng US?" He asked out of nowhere. Ilang beses pa 'kong napakurap-kurap saka nasagot ang tanong n'ya.
"Baka hindi muna ngayon, we discuss that thing already sa Santiago Central College ako mag-aaral ngayong pasukan. Uuwi rin kasi dito si Kuya Ranus, dito s'ya magrereview sa loob ng tatlo o apat na buwan bago s'ya bumalik ng US para sa bar exam, wala akong makakasama sa New York kapag doon ako nag-aral ngayong taon." Bahagyang nangunot ang noo n'ya dahil sa tugon ko, para bang hindi n'ya 'yon nagustuhan na ewan.
"Ngayong taon lang?" Paniniguradong tanong n'ya na mabilis kong tinanguan. Gusto kasi ni Mama na sa US pa rin ako grumaduate ng College samantalang ayos lang naman kay Papa kung dito na 'ko grumaduate, depende sa gusto ko kaya lang madalas na ang gusto pa rin ni Mommy ang nasusunod.
Sabi nga nila, mother knows best, sa ngayon paniniwalaan ko na lang muna ang kasabihan na 'yan.
"Ikaw?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. Sandali n'ya kong nilingon bago n'ya hinawakan 'yong gearstick.
"Gagraduate na 'ko ng Agricultural Engineering ngayong taon." He declared proudly, hindi man kami gano'n na magkakilala ay hindi ko rin maiwasan na hindi makaramdam ng paghanga para sa kaniya.
That's really something that he should be proud of.
"Kaonti na lang maiaahon ko na si Papa sa hirap." He said the intensifies my respect for him.
"Bakit?" Tanong n'ya ng mapansin ang tinging ipinupukol ko sa kaniya. I looked away and smile, umiling rin ako.
"Kung lahat ng lalaki katulad mo ang sarap sigurong...ma-in love." Bulong ko sa 'king sarili, alam ko na ata kung bakit parang may gusto—kung bakit gusto s'ya ni Celine.
He's a perfect catch, every women's man of their dreams. Gwapo, matipuno, matalino, masipag. Lahat na ata sa kaniya. Walang-wala sa kaniya ang mga lalaking nakasalamuha ko dati sa US.
"Nasaan naman tayo?" Tanong ko sa kaniya. Halos magkasabay lang namin na inalis ang mga seatbelt namin.
Hindi ko na rin hinayaan na pagbuksan n'ya 'ko ng pinto. Ako na mismo ang gumawa no'n.
Ngumiti ako sa kaniya saka inayos ang pagkakasukbit ng maliit na backpak sa 'king likuran.
"Tiangge. Gustong-gusto ng mga babae na mamili di ba? Wala kasing shopping mall dito, tiangge lang." May isang tipid na ngiting sinabi n'ya sa 'kin.
My eyes shaped into hearts and my heart did a double flip as a certain stall caught my attention.
Excited na hinila ko si Ariz papunta sa stall na 'yon.
"Ate magkano po?" Nakangiting tanong ko sa tindera habang tinitignan ang kulay bilog at hindi kalakihang sling bag na gawa sa rattan.
Matagal ko nang gusto 'yong ganito kaya lang wala akong mahanap sa US. Kung alam ko lang na mayroon pala dito sa Santiago edi sana nagpabili na 'ko kay Papa.
Isinuot ko 'yon. Hindi na maalis ang ngiti sa 'king labi at halos ayaw ko na 'yong bitawan pa sa takot na baka mayroon pang iba na makabili non.
"680 po, Ma'am." Nakangiti n'yang sinabi. Tumango lang ako sa kaniya at kukunin na sana 'yong wallet mula sa backpack na suot ko nang makita kong inabutan na s'ya ni Ariz ng 700.
Marahas at punong-puno ng pagpoprotesta ko s'yang nilingon.
"Ako ang magbabayad!" Pahisterya kong sinabi sa kaniya. Hindi n'ya ko pinansin at sa halip ay kinuha n'ya lang ang bente pesos na sukli mula sa babae at nauna na s'yang naglakad.
Mabilis ko lang na kinuha sa tindera 'yong bag na inilagay n'ya sa may disenyong katya.
"Ariz!" Hingal na hinila ko ang braso n'ya. Seryoso n'ya 'kong nilingon.
"Oh." Tiningnan n'ya lang 'yong 700 pesos na inaabot ko sa kaniya bago s'ya humalukipkip sa 'kin.
"Ano 'yan?" He asked. Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Bayad ko sa pinambayad mo nitong bag." He shook his head and was about to walk away but I was quick to grab his arms.
"Isipin mo na lang na regalo ko 'yan sa'yo." Lalakad na sana s'ya ulit ngunit napigilan ko s'ya.
"Sa susunod na buwan pa ang birthday ko, at summer pa lang ngayon malayo pa ang pasko." He flashed a taunting smile. Pinagsiklop n'ya ang kamay namin at hinila n'ya ko palapit sa kaniya.
Ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman ko sa 'king likuran ang ang paghahabulan ng dalawang tao.
I grimaced at him and withdraw my hands from him after that, humakbang rin ako ng isang beses para mabigyan kami ng sapat na distansya.
"Edi utang na lang, utang mo 'yan sa 'kin. Tsaka na lang kita sisingilin." He muttered with finality on his voice, leaving no room for arguments.
Saming dalawa, ba't parang mas s'ya pa 'yong bossy?