Venus Thane's Pov Mabilis na lumipas ang mga araw para sa paghahanda sa mismong fiesta ng Santiago at Flores De Mayo. Abala ang lahat ng taong nakapalibot sa 'kin, maging si Mama at Papa. Ako nga lang ata ang walang naiaambag sa preperasyon nila. "Thane, pupunta ka ba sa plaza mamaya o dito ka na lang din katulad ni Tita Olivia?" Ranus asked. Mabilis kong naitago ang sunflower na galing ulit kay Ariz sa 'king likuran dahil sa labis na gulat nang bigla siyang sumulpot sa 'king gilid. I flashed an awkward smile and nod my head twice. Nakita kong itinigil n'ya ang ginagawang paghagis ng peras na hawak n'ya sa ere saka ako sinipat. "B-bakit? Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko sa kaniya. Hindi n'ya sinagot ang tanong ko at sa halip ay humakbang s'ya palapit sa 'kin.

