Chapter Two: The Jammer

2047 Words
Janella's POV Kanina pa ako paikot-ikot dito. Kasalukuyan akong nag-aayos para sa performance ko sa stage. Nasa isang exclusive bar ako ngayon. Disente ang mga tao dito at mayayaman. Kaya medyo kampante ako sa trabaho ko dito bilang singer. Hindi ko mahanap iyong kwintas na bigay sa akin ni Tita Emerald. Sabi kasi niya, alagaan ko daw iyon. Si Tita Emerald ang matalik na kaibigan ni Mama Mikaela. Kaya naman, parang anak na din ang turing sa akin ni Tita Emerald. Ngunit matagal na kaming hindi nagkita mula noong tumira sila sa Amerika 15 years ago. Nasa limang taong gulang pa lamang ako nang ibigay niya sa akin iyon. "Janella! Saan mo ba kasi nilagay iyon? Lagot ka talaga kay Tita Emerald!" Saway ko sa sarili ko. Sabi pa niya ituring ko daw iyon na parang kayamanan. Dalawang puso iyong hugis niyon. Nakaukit pa ang initials na MG sa isang puso at JC naman sa isang pang puso. Ang weird no? Hindi ko alam kung anong kahulugan noon. Kapag daw nagkita kami ulit. Iyon daw ang palatandaan na ako nga si Janella Christine Lorenzo. Weird ba? Ako din, nawi-wirduhan kay Tita Emerald. Kumusta na kaya siya? Pati na rin si Michael. Nami-miss ko na iyong tawa niya. Kalaro ko kasi iyon. Ipinangako niya pa sa mga magulang namin na pakakasalan niya ako. Kapag naging ganap na binata at dalaga na daw kami. Ang sweet niya no? Pinanghahawakan ko iyong sinabi niya sa akin. Kaya nga hanggang ngayon, wala akong boyfriend. Hindi naman ako nagmamadali kasi. Nineteen-years old pa lang naman ako. Never been touched, never been kissed. Char! English iyon. Kumusta na kaya iyong childhood love ko? Naaalala pa kaya niya ako? May kasintahan kaya siya ngayon?  Sana wala! "Janella! Maghanda ka na! Ikaw na ang susunod na isasalang sa stage!" Utos sa akin ni Madam Julia. "Lalabas na po ako! Sandali lang po!" Sigaw ko sa nakasaradong pinto. Hinalungkat ko ulit ang bag ko. Hindi pa ako nakontento. Ibinuhos ko lahat ang laman niyon. Voila! Narito lang pala. Kanina ko pa hinahanap nandito lang pala. Dali-dali kong isinuot ang kwintas. Agad kong kinuha ang gitara ko saka ako lumabas ng pinto. ------------------- Kasalukuyan na akong nasa entablado ngayon. Nakaupo ako sa isang stool. Habang kandong ko ang gitara ko. Inilapit na ng staff ng bar ang microphone. Nagpakawala agad ako ng matamis na ngiti. "Good evening, ladies and gentleman. I am Janella Christine your acoustic singer for tonight. But just call me, "Janella". Please, feel free to request a song." Bati ko sa mga audience kong mukha namang walang pakialam. "Ang aking unang kanta ay pinamagatang When Love and Hate Collide. Feel free, to sing with me. If you know the song, feel kong may ka-duet sa kantang ito. Char! Anyway! May gusto bang maki-jam?" Tanong ko pa sa mga ito. To my surprise, a man with dark sun glasses and scarf came to me. He is tall, have a broad shoulder and cold aura. Nakatingala lang ako sa kanya. Ang tangkad kasi parang kapre lang ang kaharap ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Halos nakatalukbong ba naman ng scarf yung mukha niya. Saka naka-shades pa ang loko. Hello?! Where is the sun? Under the moon? He just stared blankly at me. Ginagahasa na ba ako nito sa imagination nito? Peste! Manyak yata itong halimaw na ito ah! Teka nga! Anong ginagawa ng halimaw na ito sa stage? Itinaas niya ang kaliwang kamay niya. He was holding a microphone. Gaga ka talaga, Janella!  Kung ano-ano ang pinag-iisip ko. Makiki-jamming lang pala ang pobreng lalaki. "Are you gonna stare at me? Or are we gonna sing? I don't have the time in the world, miss." He coldly said. Parang bigla yata akong napadpad sa Iceland. Ang lamig talaga ng aura niya. Cold daw siya! Siguro binasted ito ng nililigawan kaya bitter! Ulam siguro nito lagi AMPALAYA! Ang presko pa ng gago! Sipain ko siya eh! "Hindi ko kasi akalaing may plano ka pang kumanta sa lagay na iyan. Sa hitsura mo palang mukhang wala ka lang magawa at bwisitin ako." Inirapan ko siya. Dream on! Hindi ko siya type. A boyish grin formed on his lips. My heart leaped. Parang pamilyar ang ngiti na iyon. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita iyong ngiting iyon. Nararamdaman kong parang kilala ko siya. "Let me tell you a secret miss. A man behind this stupid disguise is every women dreamed about." He said, full of confidence. Napataas ang kilay ko. Isa na lang talaga sisipain ko na talaga itong lalaking ito! Mukha siguro itong halimaw! Halimaw ang ugali eh! Imbes na patulan! Sinimulan ko ng tugtugin ang kanta. Me: You could have a change of heart if you would only change your mind Instead of slamming down the phone babe for the hundredth time I got your number on my wall but I ain't gonna make that call When divided we stand baby united we fall Him: Got the time got a chance gonna make it Got my hands on your heart gonna take it all I know, I can't fight this flame You could have a change of heart if you would only change your mind Me: 'Cause I'm crazy 'bout you baby time after time Him: Without you one night alone... Me: Is like a year without you baby,  Do you have a heart of stone? Him: Without you.  I can't stop the hurt inside When love and hate collide... Me: I don't wanna fight no more I don't know what we're fighting for When we treat each other baby like an act of war I could tell a million lies and it would come as no surprise When the truth is like a stranger hits you right between the eyes Him: There's a time and a place and a reason and I know I got a love to believe in all I know got to win this time You could have a change of heart if you would only change your mind Me: 'Cause I'm crazy 'bout you baby Crazy, crazy Him: Without you, one night alone... Me: Is like a year without you baby do you have a heart of stone? Him: Without you, one night alone... Me: Is like a year without you baby if you have a heart at all? Him: Without you, can't stop the hurt inside  Me: When love and hate collide... He have such a beautiful voice I've ever heard. Not bad for a weird guy! Professional singer yata ang isang ito. Kinabahan ako doon ah! Standing ovation ba naman ang performance namin. "Thank you, Mr---" Oh shoot! I didn't ask his name. "Call me Prince. Not my real name." He smirked. Inilahad niya ang palad sa akin. "Call me Janella. Nice to meet you sir." Nakangiti kong pakilala. Tinanggap ko ang palad niya nang may mapansin akong papel sa pagitan ng mga palad namin. Tinanggal niya ng bahagya ang shades niya. He wink at me. Saka iniwan ang papel sa palad ko. Tuluyan na siyang nakaalis sa harapan ko. Pasimple kong binasa ang papel na ibinigay ng estrangherong lalaki. May room number ng VIP room. And a short note. Meet me when your done. I have things to discuss with you. -Michael Sumikdo ang dibdib ko nang mabasa ang pangalan niya. He can't be My Michael. Malayong-malayo ang ugali nilang dalawa. Perhaps, I can give it a try. I shrugged. Pasimple kong hinawakan ang kwintas. I missed you, Michael. Pipi kong daing. ----------------------- Michael's POV Her voice was so sweet. Hindi masakit sa tainga. She was absolutely stunning even she was just wearing a simple white dress. She seems familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan kami nagkita dalawa. I made a note when we were busy performing. She didn't even noticed. Before I turned my back on her. I noticed the necklace she was wearing. Dalawang puso iyon. Memories flashed through my mind. Ella!  Pagkalito ang nakikita ko base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Until she played her next song, which reminds me of Ella when we were young. Only Love by Trademark Iyon ang madalas kong kinakanta kay Ella noong mga bata pa kami. She was indeed, Ella. Matagal ko siyang hinanap. Inaasam na makita siya ulit. Nagkasunog kasi sa dati nilang tinitirhan. They said, all the members of the family were trapped inside the house. And it only means, they all died in the said fire. At first, I was hesitant to accept the truth. But I found my gift to her. Yakap-yakap ito ng isang batang bangkay. Imposibleng siya si Ella. Patay na si Ella! She's not coming back! Just like Crystal! She was now happy with someone else. Naikuyom ko ang kamao ko. I remembered the looked on her face when she was with that man, a moment ago. Dali-dali akong nagtungo sa VIP room. I needed a drink. Not just one drink but a tons of it! Dammit! Masayang nagkakantahan ang mga kaibigan ko nang maabutan ko sila. I grab a shot of whiskey before sitting on the other side of the room. Nang hindi pa ako makontento, kinuha ko na iyong isang bote ng whiskey. Saka tinungga ko agad ang laman niyon. Napansin kong natigil sila sa pagkanta. Hindi ko sila nilingon. Tumungga ako ulit. Dammit! Kahit anong gawin ko, bakit hindi matanggal ang sakit? This pain had been torturing me for the past few months. May tumapik sa balikat ko. Nang lingunin ko iyon. Si Kenneth iyon. He sit on the couch next to me. He was the one who always cheer me up. My other friends, were gather around me. "Bro, Kenneth told us everything. Nakita din niya sa Crystal." Basag ni Andrei sa katahimikan. I smiled bitterly. I looked pathetic right now! Malamig ko silang tiningnan. Mukhang nagulat naman sila sa ginawa ko. Akala siguro nila, iiyak ako katulad ng dati. I know it sounds so gay, but I did cry when Crystal and I broke up. "Why are you all looking at me like that, Bro's? Were here to have fun. Why don't we celebrate our anniversary?" I casually said then I smiled bitterly. "Bro, ilabas mo iyan. Sige ka, sasabog ka." Pabirong wika ni Kenneth. "Don't let Crystal ruin our celebration. Mag-iinuman tayo hanggang umaga." I weakly smiled at them ignoring the pain in my chest. ------------- Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana. Napamulat ako. Ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Hang-over nga naman. Nagtunggaan ba naman kami hanggang umaga. Ngayon para na tuloy pinupukpok ng isang milyong martilyo ang ulo ko. At parang hinukay ng isang milyong pala ang tiyan ko. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Pilit kong inalala. Pero wala. Sumasakit lang lalo ang ulo ko. "Masakit ba? That's what you got from drowning yourself from alcohol last night! Are you out of your mind kuya?!" Inis na sabi ng kapatid kong si Michelle Grace. Inis akong bumangon. Paano ba naman? Naasar ako sa kapatid kong ito. Ang aga ba naman akong sermunan?! Baliktad na ba ngayon? Nakakabatang kapatid na ba ang manenermon? Malamig ko lang siyang tiningnan. Dahil kapag sinagot ko pa siya hahaba na ang usapan. Pero paano nga ba ako nakauwi dito kagabi? Madaming tanong sa isip ko. "Lasing na lasing ka kagabi. Mabuti na lang hinatid ka dito ng isang babae. Girlfriend mo ba yun? Kasi kung oo, gusto ko siya para sa'yo." ani Michelle na parang natutuwa pa. My brows furrowed. Who the hell is she talking about? I don't remember being with some random girl last night? I tried to remember what happen? It only makes my headache worst! The hell! "Who are you talking about?" I asked. She put her hands on her hips and grin. She was scheming against me! I rub my temple. I slowly walk to the bathroom. I don't want to fight with my little sister! Hindi din naman ako mananalo. "Kuya! May kamukha siya." Malungkot niyang saad. Naglakad lang ako palayo sa kanya. I didn't even bother to listen to my little sister. I just wanted to have a bath. Baka ma-late pa ako sa klase.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD