Chapter 9

1753 Words
Chapter Nine   "What are you doing here?" Tanong ni Dennis kay Rachel. Kitang-kita ni Maggie kung paano nito higitin ang babae.   "Showbiz ito Dennis. Wag kang magtaka kung alam ko ito. Nabalitaan ko malamang! Dinalaw ko rin si boss NJ para mangumusta pero don't worry. Hindi niya alam ang pag-gate crush ko ngayon."   "Wag mong sirain ang gabing ito Rachel. This is very important." Pakiusap ni Dennis.   "Well hindi ko naman talaga alam kung para saan ang event na ito pero ito na ang tamang panahon para simulan ko na ang mga plano ko para maging masaya ako. Okay na akong naisilang ko ang batang to at nag-breastfeed ng ilang buwan. It's your turn now." Inabot ng aktres ang bata sa kanyang nobyo. Kitang-kita niya ang pag-aalangan sa mukha ni Dennis. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ni Maggie habang pinapanuod ang tagpong mala-eksena sa pelikula.   "Ano 'to?" -Dennis.   "Bata!" -Rachel.   "Anong ibig sabihin nito?!"   "Ikaw na ang bahala sa anak natin." Saka umalis ang babae na nag-iwan ng bulung-bulungan sa loob ng hall ng hotel.   Anak nila? Sumasakit na ang ulo ni Maggie. Ito ba ang surpresa sa event na ito?   Binaling sa kanya ni Dennis ang tingin. Sa pagtatagpo ang kanilang mga mata ay tuluyang pumatak ang luha mula sa kanya. Napalitan ng bigat ang kanyang dibdib. Parang hindi siya makahinga. Kailangan niya ng sariwang hangin. Bago siya tumalikod ay nakita pa niyang inabot ng lalaki ang bata sa kung sino man ang nasa tapat nito. Nagtatakbo siya sa labas ng hotel. Walang pagod kasi mas pagod ang kanyang puso. Umabot na siya sa kalsada. Wala siyang pakialam kahit madumihan na ang suot niyang pulang dress. Madumi na ang tingin niya sa lahat. Namantsahan na.   "Maggie!" Magpapahinga na sana siya sa isang puno sa tabi ng daan nang marinig niya ang boses ni Dennis na isinisigaw ang kanyang ngalan. Pinagpatuloy niya ang pagtakbo hanggang sa hindi niya kay at napaupo nalang siya.   "Aaaaaaaahhhhh!" Sigaw niya habang tumatangis.   "Magz..." muli niyang narinig ang humahangos nitong boses. Sa pagkakataong ito ay malapit nalang sa kanya. Alam niyang nasa likod na niya ito.   "Niloko mo ako... manloloko ka. Sinungaling ka Dennis." Hindi na niya magawang sumigaw. "Siguro siya yung tumatawag sayo noon pa man. Ang dahilan ng mga bangungot mo. Yung mga bagay na hindi mo masabi sa akin. May nangyari sa inyo ni Rachel at nabuntis mo siya." Sariling sikap niyang binuo ang kwento habang walang kalaban-labang nakaupo sa sementadong gilid ng kalsada.   "Wala akong matandaan na may nangyari sa amin. Nagising nalang ako pero alam kong wala..." sinubukan nitong pagpaliwanag.   Pinilit niyang tumayo. "Bitawan mo ako! Bitaw!!!" Sigaw niya ng subukan siya nitong tulungan. "Palusot pa more Den! Umisip ka naman ng ibang alibi oh! Lahat ng lalaki naging palusot na yan. Hindi nila alam! Nagising lang sila! Tang na! Hindi alam?! Pero nakabuntis? Wag ako ang gaguhin mo! Hindi ako tanga!" Harap-harapan niyang pinakita ang pagtangis dito. May isang poste ng ilaw malapit sa kanila. Isama pa ang liwanag na nagmumula sa mga sasakyan. Kitang-kita niya rin ang pagluha nito. Naaawa siya rito pero naaawa rin siya sa sarili niya.   "Maniwala ka naman sa akin oh Magz. P-pwede naming ipa-DNA ang bata. P-pakinggan mo na muna ako." Lumuhod na ito sa kanyang harapan.   "Gago ka talaga! Anak mo 'yun pero nakuha mo pang pagdudahan?! Binigay na nga sayo oh! Wala ka talagang direksyon sa buhay mo no? Hindi mo talaga alam ang mga pinaggagagawa mo no? Tama na. Nagising na ako." Nagpunas siya ng luha pati na rin ng sipon na nagkalat sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad. "Tatanggapin ko na ang alok sa akin na magdirek sa Indonesia. I'll choose my career over you. Kasi mas pinili mo namang magsinungaling at lokohin ako eh. Wag na wag mo akong susundan don. I advised na hanapin mo muna ang sarili mo. Baka mahanap mo yan sa pagiging ama mo dun sa bata. I just realized na baka wala rin akong patunguhan kapag sayo ako napunta." Masasakit na salita ang sunod niyang pinakawalan. Kahit siya ay nasaktan sa mga 'yon but she was too emotional to filter her words.   Nagsimula siyang lumakad pabalik sa hotel. Hindi pa siya nakakalayo ng muli siyang tawagin ni Dennis.   "Wait lang Magz. Wait lang." He was saying those words in tears. Hindi pa rin niya ito matiis. Kusang huminto ang kanyang mga paa. "Thanks! You know what? Ang unfair mo. Puro ka career. Puro ka pangarap. Puro ka priorities. Saan don mahirap intindihin na ikaw ang pangarap at priorities ko? Na ikaw ang gusto kong karirin. Hindi lang pala yung baby ang magiging issue sayo. Pati kung kaya kang buhayin ng pagmamahal ko." Tila gumaganti ito sa kanya. Ang mga pagkukulang naman niya ang binubunton nito.   "Realistic lang akong tao Dennis." Muli niya itong hinarap. "Ganyan ka ba talaga? Ang kitid naman ng utak mo! Ngayong may anak ka na. Baka sakaling maintindihan mo na ibig kong sabihin sa kahulugan ng pangarap at karera. Sana maging mabuti kang ama."   "Romantic naman akong tao. Natatakot lang ako na mawala ka. Naniniwala rin akong tayo na yung match. Hinahanap ko lang naman yung mga bagay na gusto ko talagang gawin. Late bloomer na ba ako dahil twenty six na ako pero hindi ko pa rin mahanap? Hindi pa rin kasi yung showbiz eh. Mabuti nga may isa ng sigurado sa buhay ko. Iyon ang pagmamahal ko sayo." Napaupo nalang ito. Nanlulumo na rin ito sa mga pangyayari. Halos durugin nito ang kanyang puso sa mga huling lumabas sa bibig nito. Pero naguguluhan pa rin siya. Galit siya. Iba ang sinasabi ng kanyang isipan sa kanyang puso. Her heart wanted to accept and forgive him and thank him for loving her. Her mind wanted to punish him for betraying and lying to her and to give him all the priviledge to find himself.   "Pwes..." lumunok si Maggie. "Hanapin mo na muna ang sarili mo. Kailangan natin ng space at time para magawa mo 'yon. Regarding naman sa kung match tayo... hindi ko na alam. Baka may ibang mas mag-fit sa atin? O hindi pa tayo masyadong makapit kaya heto tayo at maghihiwalay." Muli niya itong tinalikuran. Nagawa na niyang kumalma kahit na papaano.   "What if magawa ko na? Babalik ka ba?" Tanong nito.   "Kung kaya ko pa. Kung kaya ko pang tanggapin ka at ang anak mo." Tuluyan na niyang pinagpatuloy ang paglalakad. Palayo kay Dennis, sa nag-iisang lalaking nagmahal sa kanya at minahal niya. Siguro nga galit lang si Maggie ngayon. Kung may mali man siya ay hindi niya rin makita dahil nabubulgan siya ng dahil sa galit. Kailangan lang nila ng oras at panahon upang makapag-isip at bigyan ng panahon ang kanilang mga sarili. Sana'y hindi pa huli ang lahat kapag nakapagdesisyon na sila.   Tatlong araw lang ang lumipas at napaayos na ni Maggie ang mga papeles at pasaporte para makalipad siya papuntang Indonesia. Sa tulong ng network ay mabilis na nahanda ang lahat ng kailangan. Magulo pa ang kanyang isipin pero alam niyang trabaho at paglayo ang makakapag-ayos ng lahat. She didn't want to deal with it at the moment. Nais na muna niyang maging abala. Lumayo. Lumimot. Lumipad na siya at sinimulan ang anim na buwang committment sa Indonesia. Kahit na ang ibig sabihin ng mga ito ay ang paglayo o posibleng pagkawala ng akala niya ay kanyang perfect match. Parang game din pala sa tv ang love, walang assurance kung papatok.   Inuwi nila Dennis at ng mga magulang niya sa kanila ang bata. Ayaw niyang pagbuntunan ng galit ang inosenteng sanggol. Wala itong kasalanan sa mga pangyayari. Kahit sa ganoong paraan ay nais naman niyang maging matured sa mga desisyon.   Gayunpaman ay sinubukan pa rin nilang kontakin si Rachel. Kay NJ nga nito nakuha ang kanyang number. Ito ang tumawag sa kanya ng minsang mag-dinner sila ni Maggie sa isang hotel. Gulat na gulat siya noon na nagbalik na nga ito at nagbantang may gagawing pasabog. Hindi naman ito sumagot sa mga tawag.   Nabalitaan niya ang agarang pag-alis ni Maggie ng bansa. Tinangka niyang magtiis na manatili sa bahay pero hindi niya nagawa. Pumunta pa rin siya sa airport upang subukang pigilan si Maggie. Pero huli na ang lahat nakaalis na ito. Halos di makausap si Dennis. Inom siya ng inom ng alak. Wala siyang tinatanggap na trabaho. Pina-pull out na niya lahat. He was a mess.   "Sayo lang ang puso ko..." sinubukan pang kumanta ni Dennis habang pinipitik ang cord ng kanyang gitara pero naunahan na naman siya ng luha. Memories kept on flashing. Maggie's face was all over his place. Epekto na marahil ng alak o ng pananabik niya rito. "Shet!" Hanggang sa mawala na siya sa sarili hinampas na niya sa sahig ang gitara.   "Dennis!" Agad na lumapit ang kanyang ina. "Ano bang pinaggagawa mo? Ang ingay mo! May bata na tayong kasama sa bahay ngayon."   "Mom saan ako nagkulang? Bakit di pa siya nakuntento sa pag-ibig ko sa kanya?" Para siyang batang yumakap sa ina.   "Una sa lahat nasaktan 'yon. All this time may anak ka pala sa ibang babae."   "Hindi ko anak ang bata..." pagputol niya rito. Naikwento na niya sa mga magulang ang nangyari. Ayaw nga sana niya at gusto niyang sarilinin nalang ang lahat pero pinilit siya ng mga ito.   "Pangalawa, galit siya marahil kaya niya nasabi ang bagay na 'yon. Maaaring tanggap ka naman ni Maggie kahit na may mga kakulangan ka. Kaso lang napuno na siya sa nangyari. Kaya kung ako sayo. Umaayos ka. Ayusin mo ang sarili mo. Para sa susunod na babaeng mamahalin mo!"   Dagli siyang napatitig sa kanyang ina dahil sa huling lumabas sa bibig nito. "O s-sa pagbabalik ni Maggie." Sabay kambyo nito. "Ayaw lang kita umaasa Dennis. Be a better person for yourself, yun nalang."   Pero hindi pa rin iyon ganon kadali para kay Dennis. He missed her girl so much. Dalawang araw palang ang lumilipas pero parang taon na sa kanyang pakiramdam. Hanggang isang araw ay isang tawag ang kanyang natanggap hindi kay Maggie kundi galing kay Rachel.   "I changed my number but I saved yours kaya natawagan kita ngayon. Sorry Dennis. Sorry." Nagulat siya sa bungad ng babae. Umiiyak ito at humihingi ng patawad.   "I'm wasted Rachel. I'm a mess right now. Susubukan kong maging mabuting ama sa anak natin pero hindi ko alam kung kailan. Ang sakit kasi eh....." napaluha na rin siya. Si Maggie na naman ang pumasok sa kanyang isipan. He was a man crying because of a woman.   "You know that I trusted you noong pumasok ako sa showbiz pero pinabayaan mo ako. May kailangan kang malaman Dennis. Tama ka. Hindi mo naman talaga anak yang bata." He was suddened by her revelation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD