Chapter Eight
Nairaos nila ang unang araw ng Eats Time na may bagong konsepto para sa Cupid's Match. Kabado ang lahat sa paglabas ng ratings para sa araw na 'yon.
"Number one tayo! Ang taas ng rating! 30% over sa 21% ng kabila. Anlaki ng itinaas natin at ng inilamang sa kanila. Congrats Maggie!" Naghahanda na sila para sa day two ng pumasok ang executive producer ng show para sabihin ang magandang balita.
Napatakip siya ng bibig at halos maluha. Nagtagumpay siya para sa kanyang pangarap. Hindi siya nagkamaling pumatok ang bagong konsepto para sa mga tao. Nagpalakpakan ang lahat.
Mula sa kanyang likod ay isang pamilyar na bisig ang yumapos sa kanya. Hinarap niya ito para yakapin. "Thank you Den." Napansin niyang tumahimik. Paglingon niya ay sa kanilang dalawa nakatingin ang lahat. Umalis siya sa pagkakayakap dito.
"Unang araw palang na ratings yon guys! Get back to work!" Tinaas niya ang kanyang boses at nagsuplada na. "Dapat araw-araw ganon! Wag puro tsismis!"
"Ang suplada mo po..." bulong sa kanya ni Dennis.
"Ganyan ako sa trabaho." Tugon niya.
"Mahal kita..." huling bulong nito bago pumasok sa dressing room. Ilang segundo siyang nawala sa sarili. Sa tingin niya'y kailangan niya ang mga ganong kataga araw-araw para mas ma-energize siya sa trabaho. Maghapon din siyang nakangiti dahil don. Pampatanggal sungit din 'yon.
Naging matagumpay ang unang linggo ng pagiging direktor ni Maggie. Napanatili nila ang bagong mataas nilang ratings. Personal pa siyang binati nila direk JM at ng kapatid niyang si Brill.
Labis na kilig din ang dinulot ni Dennis sa lahat. Nariyan ang sumayaw ito. Kumanta at bumanat. Ang pinakaunang kinilig sa pinaggagawa nito ay walang iba kundi si Maggie mismo. Biglang dumami ang line up ng guestings nito. Tulad ng inaasahan niya. May kalalagyan talaga ito sa showbiz.
Isang pang mahalagang nangyari sa linggong iyon at para sa kanya'y pinakamataas ng accomplishment sa pagbabagong konsepto ng Cupid's Match. Ang perfect match kasi sa linggong iyon ay ang mga pangkaraniwang tao na nakuha nila. Sila teacher at kuyang napadaan lang. Sa status ng mga ito ay nagawa nilang pakiligin ang nga tao. Napaka natural. Pareho palang single ang dalawa at tila totohanang nagkakagustuhan dahil sa mga nangyari sa Cupid's Match. What an accomplishment for Kupida.
Buwan pa ang lumipas pero napanatili pa rin nila ang lagay ng ratings lalo't higit ang saya na idinudulot sa mga manunuod. Sa panahong iyon ay patuloy pa rin si Dennis sa panliligaw sa kanya. Kahit na magiging abala na ito para sa kauna-unahang lead role nito sa isang afternoon soap. May aktres na balak itambal dito at gawing sikat na loveteam ang tambalan. Para hindi masira ang plano ng management ay kailangang patago ang kanilang pagkikita. Kadalasan kasi ay over acting ang mga fans kapag may ibang karelasyon ang isa sa magkapareha sa telebisyon. Naandon ang connotation na dapat sa totoong buhay ay ang magka-loveteam ang dapat magkatuluyan. Si Dennis lang talaga ang pasaway. Hayagan itong bumibisita sa studio. Nalalagay na nga sila sa mga blind item sa tabloid. Ayaw naman niyang masira niya ang pausbong nitong karera.
"Oh bakit ang tahimik mo? Tsaka bakit di mo pa kinakain yang tinapay mo. Dalawa pa naman din yan." Tanong ni Dennis sa kanya. Nasa loob nalang sila ng kotse malapit sa QC Circle. Sa loob nalang sila kumakain dahil may nakakakilala na kay Dennis at hindi sila pwedeng makitang magkasama.
"May mga pinakitang article sa akin si Marissa sa iba't-ibang mga tabloid. Blind item na tayo Den na may relasyon tayo. Pwedeng makaapekto yon sa career mo." Tugon niya.
"Anong gusto mong mangyari? Isa pa hindi pa naman tayo. Hindi mo pa nga ako sinasagot eh." Kumagat pa ito ng isa sa tinapay.
"Gusto ko sana wag kang bigla-biglang sumusulpot sa studio kasi maraming media don. Okay lang naman na maging pribado tayo eh. Ito na ang opportunity for your passion. Talented ka Den. Ito na yung hinahanap mong career."
Inubos nito ang tinapay. "Alam mo Magz. Hindi ko pa rin kayang i-prioritize ang career ko eh."
"Bakit naman?"
"Mahal kasi kita. I want you on top of my priority." Then he looked at her with his eyes full of love and affection for her.
"Banat ba yun?" Tanong niya habang nagliliparan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan.
"Totoo yon." Mariing tugon nito.
"Ito lang ang masasabi ko." Itinaas niya ang dalawang tinapay gamit ang kanyang dalawang kamay.
"Ano yan? Matutunaw na yung ice cream sa loob nyan. Ayaw mo na ba?" Nagtatakang tanong ng lalaki.
"Ano ka ba? Sinasagot na kita. Basahin mo kaya." Napayuko tuloy siya.
"O-oo? Oo para sa dalawang bilog na tinapay. Boyfriend mo na ako at girlfriend na kita?" Bigla itong napuno ng sigla.
"Oo."
"Yahooooo! Girlfriend ko na si Maggie!!!!!" Saka siya nito niyakap.
Isang artista at isang direktor. Perfect match pa rin. Gayunpaman ay napagkasunduan nilang itago ang relasyon sa publiko. Natuloy kasi ang pagbuo ng DenRo loveteam. Si Dennis at isa pang aktres na si Rochelle Joy Sabado. Ang aktres ay may nobyo ring piloto sa totoong buhay kaya hindi niya ito pinagselosan. Pagkatapos ng Eats Time ay pinapanuod pa nga niya ang soap opera ng dalawa.
Hindi naman mahalaga kay Maggie kung hindi alam ng marami ang kanilang relasyon ni Dennis. Ang mahalaga ay alam 'yon ng pinakamahahalagang tao sa kanilang buhay. Alam na iyon ng kani-kaniyang pamilya. Minsan na nga silang nagsama-samang kumain ng buo. Saksi rin ang Diyos sa kanilang pagmamahalan. Kapag maaga pa sa araw ng linggo ay nagdi-disguise si Dennis at saka sila sabay na nagsisimba. Kung tutuusin ay ito pa ang may gustong ipagsigawan ang kanilang relasyon. Alam niyang mahal na mahal siya nito.
Bakasyon ng Disyembre. Katatapos lang ng Pasko. Naka-tape na ang mga episode ng Eats Time at sa bagong taon na ulit sila live. Pribelehiyo niya ito bilang direktor. Dati kasi kahit bakasyon na ng lahat ay hindi pa niya magawa. Marami pa ring dapat tapusin. May ilang araw man siyang bakasyon noon ay ipapahinga nalang niya. Minabuti nilang magbakasyon na muna kahit sandali sa Bicol. Silang dalawa ni Dennis. Sa pagkakataong ito ay totoong sila na. Hindi na sila mahihirapan sa mag-asawang Tere at Canor.
Sisilim na pero magkasama pa rin silang magkayakap sa may duyan. Ayaw siyang pakawalan ni Dennis.
"Ang ganda ng finale episode ng show mo ah. Infairness naman sa first soap mo nag-extend at mataas ang ratings." Papuri ni Maggie sa kasintahan. Napakarami na nilang napag-usapan kaya napunta na siya sa trabaho.
"Salamat. Pinipili ko na ang susunod kong project. Ayokong nalalayo sayo."
"Okay lang 'yon kung para sa career mo." Hindi naman ito umimik ng may maalala na naman siya. "Grabe nga pala yung kissing scene niyo ni Rochelle Joy don. Kung makain niya ang labi mo wagas." Hindi niya maiwasang ikwento rito ang bahaging iyon ng programa. Nakatuon kasi talaga siya sa tv habang ang kissing scene ang eksena. Hindi niya alam kung magseselos ba siya o matutuwa habang pinapanuod ang nobyo na may kahalikang iba. That was so professional pero may epekto pa rin talaga.
"Nagseselos ba ang ice cream ko?" Tanong nito na may kasama pang pagkiliti sa kanyang tagiliran.
"Ano ba Den?! Hindi no! Pinupuri ko nga ang scene niyo di ba? Nagseselos ba 'yon?" Saka siya umiwas dito ng tingin.
"Oo. Halata naman sayo eh. Gusto mo ba tayo ang gumawa ng eksenang 'yon?"
Napatingin siya sa sinabi nito. Then she saw him nearing his face towards her. Nakapikit na ito. Hinawakan nito ang kanyang baba. Napakabanayad ng mga haplos nito. Nag-iiwan ng kuryente sa kanyang balat. Then they found each other's lips locked. Sharing one passionate kiss. Hindi sa duyan natapos ang halik na iyon. Binuhat siya ni Dennis papunta sa kwarto nito.
"Hmmm..." she moaned as he kissed her again. This time he was undressing her also. Nang panloob nalang niya ang natitirang saplot ay saka ito sumunod na maghubad. Pinanuod naman niya ito hanggang sa tumambad na ang makisig nitong katawan.
Muli silang nagsalo para sa isang halik. Dama niya ang mainit nitong katawan. Skin to skin she felt his arousal inside his underwear as it rubbed on her legs. Naging mas mapusok din ang mga kamay ni Dennis. Nagawa na nitong tanggalin ang kanyang bra. Sinalo ng mga palad nito ang kanyang dibdib. He started caressing her breast and play with her n*****s.
Ilang saglit pa ay sinimulan na nitong angkinin ang kanyang p********e. He entered her wetness with his p***s. It was too huge to handle. Pang-foreign maging ang size ng p*********i nito. She felt the pain as well as the pleasure. Wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari. She lost her virginity for the man she love.
Time flew so fast. Dalawang linggo nalang at isang taong anibersaryo na nila Maggie at Dennis bilang magkasintahan. Isang taon na rin at mahigit mula ng tuluyang mamayagpag ang bagong Cupid's Match ng Eats Time. Sa sobrang tagumpay nito ay nag-franchise na ang number one tv network sa Indonesia ng palabas. Nais ngang kunin ng mga ito si Maggie bilang pansamantalang director ng show sa loob ng anim na buwan. Sa susunod na buwan na iyon pero hindi pa rin siya nakakapagpasya. Isa si Dennis sa mga pumipigil sa kanyang tanggapin ang alok.
Masaya pa rin naman ang kanilang pagsasama. Naging kapansin-pansin lang ang pagiging unprofessional nito sa trabaho. Sa katunayan ay personal pa siyang kinausap ni NJ para sa mga plano kay Dennis. Alam din kasi ng management ang tungkol sa kanila. Mas maigi iyon upang may makatulong sila sa pagtatago 'non. Masyado raw mapili sa trabaho si Dennis. Puro guestings lang ang ginagawa gayong may primetime soap na sanang nakalaan dito na sa Middles East pa sana ang taping. Ayaw nitong malayo sa kanya. Ito rin mismo ang nagpapabawas ng mga malalaswa at mga eksenang may halikan. Baka raw kasi magselos siya. She was really on top of his list.
Sa iba pang balita sa mundo ng showbiz ay nakalabas na si Donald Celso sa rehab. Pinili na raw nitong hindi na ipagpatuloy ang career. Si Rachel Nicdao naman kamakailan lang ay nagbalik-bansa na raw. Ipagpapatuloy na ang career pero sa kabilang istasyon na.
Pero wala ng mas hahalaga pa sa isyu nila ni Dennis. Napagdesisyunan niyang komprontahin na ang nobyo. "Den kinausap ako ni NJ. Hindi niya gusto ang takbo ng career mo. Nagmumukha ka ng unprofessional dahil sa akin. You need to prioritize your career."
Nasa isang hindi puntahing restaurant sila. Kinuha nito ang kanyang kamay. "Alam mo bang hindi ko pa rin gusto itong pag-aartista? Pero ayos lang na naandito ako kasi malapit ako sayo. Sapat na sa akin na meron akong girlfriend na katulad mo Magz. Kung ako nga ang papipiliin, I'm very ready to tell everyone na ikaw ang babaeng mahal ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba Magz."
She saw the sincerity in his eyes. Napakasarap sa pakiramdam na mayroong ganitong lalaki na handa siyang mahalin ng buung-buo. Siya ang uunahin higit sa lahat.
"Mahal na mahal din kita Den. Nakapanghihinayang lang kasi trabaho mo pa rin yan. Hindi ka na bumabata. Sayang yung potential na nakita nila sayo. Yung nakita ko para sa career mo dito. Hindi naman ako mawawala eh."
"Ako na ang bahala sa career ko. Don't worry about it. Ako na rin..." may sasabihin pa sana ito ng biglang tumunog ang telepono nito.
"Sagutin mo na muna." Pagpapaunlak niya rito.
"Number lang eh."
"Sige na baka importante."
Sinunod naman siya nito. Kitang-kita niya ang pagbabago ng itsura ni Dennis. Bigla itong namutla. Ilang saglit pa ay pinatay na nito ang telepono.
"Sino yung tumawag? Nag-iba yata ang timpla ng mukha mo?" She curiously asked him.
"Wrong number."
Noon nalang niya ulit nakitang ganon si Dennis kaya naman pinalampas nalang niya ang pangyayari.
Ilang araw nalang bago ang kanilang first anniversary. Tila nakalimutan nito ang eksaktong petsa. May event kasi ang talent management ni NJ sa mismong petsa ng kanilang anibersaryo. Ibig sabihin ay dapat naandon si Dennis. Thanksgiving party iyon at invited ang halos lahat sa enterainment industry. May mga ganyang pakulo talaga sa showbiz. Hindi maiiwasan. Kahit nga siya ay inimbitahan sa pagdiriwang.
Dalawang araw bago ang event ay ipapaalala na sana niya sa nobyo na mag-aaniversary na sila pero hindi naman ito nagpakita sa kanya. Hindi rin nito sinasagot ang kanyang mga tawag. Nag-text lang ito na dapat ay naandon siya sa event. Ayaw nga sana niyang pumunta pero pinilit siya ng kaibigang si Marissa maging ng kanyang kuya Brill na invited din.
Wala sa mood siyang nagpaayos hanggang sa mismong venue ay wala siyang kagana-gana. Hanggang sa mapagtanto niyang may mga artista man at taga-showbiz na naroon sa event pero kapansin-pansin na halos mga malapit sa kanya ang naroon. May mga non-showbiz pang kaibigan at kaanak. Ang kanyang daddy na naroon din. Ang parents at pamilya ni Dennis ay naandon din. She was getting emotional when she realized the purpose of the event. Hindi para sa management ni NJ ang event kundi para sa unang anibersaryo nila ni Dennis. Surpresa ito para sa kanya ng nobyo.
"Ladies and gentlemen she's here." Saka kinuha ng nobyo ang kanyang atensyon habang ito'y nasa maliit na entablado sa harap. May mga banda pa na nagsisimula ng tumugtog. "This song is for you Magz."
"Sorry! Sorry for the inconvenience everyone!" Isang pamilyar na babae ang pumasok sa hall ng hotel. Ang dating aktres at kasamahan ni Dennis na si Rachel Nicdao. May dala itong sanggol sa mga braso nito. Tumigil tuloy sa pagtugtog ang banda. "Hindi ko alam kung para saan ang event na ito pero nabalitaan kong nag-oorganize ang dati kong management ng event. Ang bida ay ang matinee idol na si Dennis Ronquillo."
Bumaba si Dennis para lapitan ang babae.