Chapter Fifty Three Dahil matiyaga, masipag at matalino rin namang tunay si Mikee kaya naman sa loob ng tatlong taon na pagtatrabaho niya bilang isang admin staff sa mall sa Zambales ay na-promote na siya bilang manager. Isa na namang abalang umaga. Bago magbukas ang mall ay napakarami na naman nilang inaayos. Siya ang nakikipag-coordinate sa iba’t-ibang tagapamanihala ng mga stall sa loob. Nakagawian na rin niyang batiin ang mga early shoppers at mallers. Pumupwesto siya sa isa sa mga entrance ng mall para bumati. That morning she would greet a person from her past. Not to greet goodbye again but to say welcome back. Ang pagbabalik na hindi niya alam kung gugustuhin pa niya. Isang babaeng naka-shades, mahaba ang buhok na tila kulay red-brown pa at nakasuot ng sexy black dress ang papas

