Chapter Fifty Two “Narinig ko ang lahat.” Mahinang nasambit ng ama ni Karen ngunit ramdam sa boses nito ang galit. Hinawakan ni Mikee ang balikat ng kanyang kuya. Kitang-kita niya ang panginginig nito dahil sa takot. It was the very first time na maghaharap sila ng heneral. Batu-bato ang katawan nito kahit matanda na. Yukot ang mukha nito at tila hindi man lang ngumingiti. “Tito…” she said while her voice was shaking. Kinakabahan na rin pala siya pero naisip niyang kasalanan niya kung bakit nangyayari ito dahil siya ang nagudyok sa kapatid na pumunta rito kaya kailangan niyang magtapang-tapangan. Susubukan na naman niya itong kausapin ng maayos. “Hindi ikaw ang kinakausap ko.” Mahina pa rin ang boses ng heneral ngunit sa pagkakataong ito ay may kasamang nanlilisik na tingin ang ibinig

