Chapter Eighteen Kumain kami ng hapunan ni Te ng sabay pero wala si mama. Ang kasambahay lang namin ang naghanda ng aming kinain. "Ve sorry talaga ah. I swear I did my best to stop them pero parang narinig nila at nakahalata sila sa mangyayari." Walang tigil sa paghingi ng tawad ang best friend ko. "Ano ka ba naman Te ayos na yon. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang akong palpak pero ganun siguro talaga. Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa mga classmate natin. Kila papa at mama. Teka lang. Nasan nga ba si mama? Kanina pa ako nakakaligtas sa sermon nya ah." "Hindi mo pa ba alam?" Kinabahan tuloy ako bigla. "H-hindi pa eh." "Pinatawag na si tita Princess ng principal ng high school department. Pinatawag na ulit. Nakita ko siya kanina eh. Siya ang nagpasabi sa

