Lisa POV Ang bango. Ang lambot. Napasinghap ako sa pumasok na mabangong amoy sa nostrils ko. Dumidiretso ito sa t’yan ko na parang binibigyan ito nang paanyaya sa isang masarap na hapunan. Umingit ako, nakapikit kong ininguso ang mga labi ko. “And what do you think other people might say? Her Mom?” Kumunot ang noo ko sa mga maliliit na boses na naririnig ko. Mahina lang ang mga ito at hindi malinaw sa akin. Nang dahil sa pagkunot ko nakaramdam ako ng pagkahilo kaya minabuti ko na lang na ipikit ng mariin ang mga mata ko at sinikap na makabalik muli sa pagtulog. “She’s okay now. No need to worry about it. She just needs to rest. And, from her initial test . . . she needs a lot of it and eats a lot of healthy foods. She’s also anemic due to so much fatigue and locked of periods of sleep.

