Lisa POV “Wow!” Unang salitang lumabas sa bibig ko. Sunod mga, “Ang sosyal!” Kung kaya lang umikot ng ulo ko sa three hundred sixty degrees– na gawa ko na. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin, lilingon at lalapit. Pagpasok pa lang sa engrandeng gate nila, gusto ko nang lumabas sa kotse n’yang sinasakyan ko. Tumatawa siya sa pagiging taong bundok ko daw. Akala ko maganda na ang bahay nila ni Michael sa lugar namin na pinag-bakasyunan nila . . . mas, mas, mas pa pala ito. Kulang na lang ilabas ko ang ulo ko sa salaming bintana ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung sa kanan ko ba o sa kaliwa ako titingin. Marami naman talagang magagandang bahay dito sa village nila pero ang bahay nila ang the best. Kumbaga tourist spot ang lugar na ito. Agaw pansin sa lahat. Karamihan daw na nakatir

