Chapter 1

1443 Words
Chapter 1 12 years after... "Papa!" Nagising ako mula sa pagkakatulog ko. Napabangon ako sa kama nang umiiyak. "Hoy! Alisha! Huwag ka ngang malikot diyan!" sipa ni Everly sa itaas ng double kung saan ako nakahiga. Napasinghap ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lamang siya. Nanginginig na napayakap ako sa tuhod ko habang nakatingin sa maraming kama sa paligid. For twelve years... bangungot parin sa akin ang iwanan ako ni Papa sa bahay-ampunan na ito. Hindi ko halos makuha ang sagot sa isip ko kung bakit niya iyon nagawa. Hanggang ngayon ay nagiisip parin ako kung paano niya nagawa sa akin na iwan ako na parang isang laruan lang sa bahay ampunan na iyon. Pero kahit ganoon ang ginawa sa akin ni Papa ay hindi ko magawang magalit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero araw-araw akong naghihintay sa pagbabalik niya sa bahay-ampunan para kunin ako. Para sabihin na gusto niya ulit akong makasama. Para mag-sorry sa akin. Hanggang ngayon ay umaasa parin ako. Kahit ni minsan ay hindi niya ako nagawang dalawin. Kahit ilang beses kong tinatanaw ang labas ng gate para alamin kung nandoon na siya. Kumusta na kaya si Papa? Iyon ang tanong na palaging bumubulong sa isip ko. Walang araw, buwan at taon na hindi ko siya naiisip. Sana nasa mabuti siyang kalagayan. Sana hindi siya masyadong nagpapagod sa trabaho. At sana... inaalagaan niyang mabuti ang sarili niya. Naramdaman ko ang muling paglandas ng luha mula sa mga mata ko. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko para hindi maingayan ang mga kasama ko. Nanginginig na hinawakan ko ang kwintas na binigay sa akin ni Papa bago siya umalis. Suot-suot ko pa 'yon. Hindi iyon pwedeng mawala sa akin. Miss na miss na kita Papa... sobrang miss na miss. *** "Everly! Tama na, tama na!" Narinig ko ang sigaw na 'yon sa isang hallway. Napalingon ako sa dulo ng silid. Ang silid na iyon ay isang bodega. Inilapag ko muna sa sahig ang timba na may tubig at mabilis tinungo ang hallway para mapuntahan ang nakasaradong pinto. Nang buksan ko ang pinto ay napasinghap ako. "Everly!" sigaw ko kasabay ng paglapit kay Venna. Napaupo ako at niyakap siya. Nang makita ko na halos nanginginig na siya habang umiiyak ay paasik tiningala ko si Everly. "A-Ate Alisha..." nanginginig na sambit ni Venna. "Ano'ng ginawa mo?!" galit na tanong ko kay Everly. Napamewang si Everly habang hawak sa kamay ang isang mahabang ruler. "Ano pa nga ba?! Edi pinaparusahan si Venna! Alam mo bang minantsahan lang naman niyan 'yong paborito kong damit!" Kinuha niya ang damit niya at pinakita sa akin ang mantsa. "Ayan! Nakita mo ba 'yan?! Kilala mo ako Alisha, kapag nasisira ang gamit ko ng ibang tao pinaparusahan ko talaga!" Muli niyang hinigpitan ang paghawak sa ruler para muling ihampas kay Venna ngunit tumayo ako at pumagitna. "Everly!" tawag ko sa kanya sa malakas na boses. "Wala kang karapatan para parusahan si Venna ng ganyan. Hindi mo dapat ginagawa sa kanya 'to!" "Alisha, pwede ba 'wag ka ng makisawsaw pa dito! Umalis ka na at baka sayo ko pa maihataw ang ruler na ito!" Akma niyang ihahampas kay Venna ang ruler pero mahigpit kong hinawakan ang ruler bago pa man iyon dumapo sa katawan ni Venna. Seryosong tingin ang pinukol ko kay Everly. "Subukan mong gawin 'yan kay Venna. Ako ang makakalaban mo, Everly." Imbis na matakot si Everly ay napangisi siya. Umayos siya ng tayo at napahalukipkip. "Huwag mo akong bantaan, Alisha. Alam mong wala akong inuurungan," mariin na sabi ni Everly. Naglaban ang mga titig namin ni Everly. Husto na sana para magsabunutan kami nang bumukas ang pinto ng bodega at iniluwa doon si Lyka. "Guys, tawag kayo ni Sister Mia. May bisita sa ibaba, hinahanap si Venna." Matapos namin tingnan si Lyka sa pintuan ay muling lumipad ang tingin ni Everly sa akin. Napaupo naman ako at niyakap si Venna. Tinuro kami ni Everly gamit ang mahabang ruler na hawak niya. "Subukan niyong magsumbong tungkol dito. At hindi lang ito ang makukuha niyo mula sa akin," banta ni Everly. Hindi na lamang ako nagsalita. Nang makalabas si Everly kasama si Lyka ay inalalayan ko si Venna na makatayo. "Ok ka lang ba, Venna? Baka may sugat ka. Gagamutin ko," wika ko. Hindi ko mapigilan maawa sa kalagayan niya. "O-Ok lang po ako Ate Alisha. Buti na lang dumating ka kaagad dito. Kasi kung hindi, baka puro pasa na naman ang inabot ko kay Everly," naiiyak na sabi ni Venna. Napayakap ako sa kanya para aluhin siya sa pag-iyak. Tatlong taon lamang ang agwat ng edad ko kay Venna. 15 years old siya samantalang ako ay 18 years old na. Pero siya ang nauna dito sa bahay ampunan kumpara sa amin ni Everly na 6 years old nang mapunta dito. Sanggol pa lamang kasi ay nandito na si Venna. Nakuha daw siya sa basurahan ng isa sa mga madre dito. Sobrang nakakaawa kasi dala pa ni Venna ang placenta niya. Noon, akala ko, ako na ang pinaka-kawawa sa bahay ampunan na ito. Pero saka ko lang napagtanto na bawat bata pala na nandito, ay may kanya-kanyang masasakit na karanasan kung paano sila inabandona ng kanilang totoong mga magulang. At kaya na-achieve ko ang 12 years dito sa bahay ampunan iyon ay dahil walang nag-aampon sa akin. No, just kidding. Maraming gustong mag-ampon sa akin ilang buwan simula noong iwan ako dito ni Papa. What I did to reject the couples who wanted to have me as their child, was I always locked the door of my room. Sometimes I refused to eat and sometimes I chose to ran away. Kung kailangan kong makipag hide and seek sa loob ng malaking bahay ampunan na ito ginagawa ko. Para lang sabihin sa kanila na ayaw kong magpa-ampon. Because I am always hoping that my father will come back at sasabihin sa akin. "Anak... halika na. Kukunin na kita. Hinding-hindi na kita iiwan pa." Pero sa loob ng labin-dalawan taon ko dito sa bahay-ampunan, ni anino ni Papa, hindi ko nakita. Sinubukan namin ni Sister Mia na pumunta sa bahay namin pero... wala na sila papa doon. Kinuha na ng banko ang bahay namin. Ang sabi ng mga kapitbahay namin ay pumunta sila sa probinsya sa Bicol kung saan lumaki si Mommy Pauline pero wala ni isa sa kanila ang nakakaalam ng address ni Mommy Pauline. Kahit anong pasuyo ko sa mga kapitbahay namin ay wala daw talaga silang alam kung ano ang eksaktong address nila Mommy Pauline sa Bicol. Habang naglalakad kami ni Venna sa hallway para pumunta sa first floor ay napatingin ako sa kanya. "Siyanga pala, bakit nga pala may bisita tayo? Tapos hinahanap ka daw?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Napatigil si Venna sa paglalakad at napatingala sa akin. Abot hanggang balikat ko lang kasi siya. Napatigil din tuloy ako at hinarap ang tinuturing kong little sister. "Ate Alisha... h-huwag ka sanang magagalit sa akin." Kinagat niya ang ibabang parte ng labi niya saka napayuko. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Minuto ang lumipas bago ko nagets ang sinabi niya. Inalis ko ang kamay ko na nakaakbay sa balikat niya. Siguro nakuha naman niya ang kilos ko kaya sunod-sunod na napahikbi siya. "Bakit?" mahinang sambit ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagbalong ng luha sa mga mata ko. "Ate Alisha... sorry... ayokong gawin 'to p-pero... pero kasi, gusto ko rin maranasan magkaroon ng masayang pamilya. 'Yong may matatawag akong Mommy at Daddy," mahinang hagulgol niya. "Venna, akala ko ba hindi mo ako iiwan? Sabi mo walang iwanan 'di ba?" Mabilis na bumigat ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Bigla ay parang bumalik ang lahat ng mga mapait na alaala na ilang taon ko rin pilit kinalimutan. "A-Ate Alisha... I'm sorry. Please huwag kang magalit sa akin." Akma niyang hahawakan ang kamay ko pero inilayo ko iyon sa kanya. Napaatras ako. Mas lalong sumikip ang dibdib ko kasi pakiramdam ko parang-f-flashback talaga sa isip ko ang lahat ng nangyari 12 years ago. "P-Pati ba naman ikaw? Iiwanan mo rin ako?" Halos hindi makapaniwalang tanong ko kay Venna. "Nangako ka 'diba? Nangako ka na hindi ka magpapaampon! Pero sinira mo 'yon!" "Ate Alisha k-" Lumandas ang mga luha mula sa mga mata ko. "Papareho lang pala kayo ni Mama... n-ni Papa. Pare-pareho kayo na iniiwan ako. Pare-pareho kayo!" sigaw ko at mabilis na tumakbo paalis. "Ate Alisha!" sigaw na narinig ko mula kay Venna pero hindi ko siya pinansin. Tinahak ko ang hagdan patungo sa third floor kung saan naroon ang kwarto namin. Ngunit hindi ako pumasok doon. Sa cr ako pumunta. Doon ako nagkulong at hinayaan ang sarili ko na umiyak. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD