Chapter 2

2005 Words
Chapter 2 ALISHA "Ate Alisha... aalis na ako ngayon. Hindi mo pa rin ba ako kakausapin?" Natakpan ko ang tenga ko habang nakaupo sa tiles ng CR. Limang araw simula nang malaman ko na magpapa-ampon si Venna ay hindi ko na siya kinakausap. Tuwing nagkakasalubong kami sa corridor ay ako na mismo ang unang umiiwas. Kapag kakain naman ay hindi ko na siya tinatabihan. Tuwing nag-aatempt siya na tumabi sa akin ay ako mismo ang unang umaalis. Dinadala ko ang tray ng pagkain ko at sa ibang lamesa ako pumupwesto. Kapag gabi naman pagpinipilit niyang tumabi sa higaan ko gaya ng palagi niyang ginagawa ay ako na mismo ang umaalis. Lumalabas ako o kaya pumupunta sa terrace at hinahayaan ang sarili na maaliw sa mga kalangitan na puno ng bituin. May gabi din na doon na ako nakakatulog sa terrace at nagigising na lamang kapag pumupunta doon si Sister Mia. "Alisha... hindi mo hawak ang kapalaran ng ibang tao. Kahit tayo mismo... hindi natin pwedeng pigilan ang kapalaran na maaaring mangyari sa buhay natin," naalala kong sabi ni Sister Mia noong pumanhik siya sa terrace para papuntahin ako sa kwarto ko at doon matulog. "Dahil tanging Diyos lamang ang nakakaalam sa kung ano ang mangyayari sa atin kinabukasan." "Nangako po kasi si Venna, Sister Mia na hindi siya magpapa-ampon. Na magsasama kaming dalawa sa bahay-ampunan na ito. For better or for worse. Pero siya din naman pala ang sumira ng pangako na iyon," mahinang sambit ko sa garalgal na boses. Naramdaman ko na naman ang pagbalong ng luha sa mga mata ko. "Hindi mo siya masisisi, Alisha. People come and go. Wala naman talagang nagi-stay sa mundo. Mapa-bagay man 'yan o tao. That's the cruel reality of life. Pero alam mo ba na may isang bagay na talagang nag-i-stay sa atin?" Napatingin ako kay Sister Mia kasabay ng pagkunot ng noo ko. "Ano po 'yon?" Hinawakan niya ang kamay ko kasabay ng pagsilay ng ngiti sa makulubot niyang pisngi. "Good memories. It'll always stay here," Tinuro niya ang ulo ko. "and here." Tinuro naman niya ang puso ko. Nagising ang naglalakbay kong diwa sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng pintuan ng CR. "Ate Alisha... please, kausapin mo naman ako. Nandiyan na sina Mr and Mrs. Lemera," nagmamakaawang boses ni Venna. Humugot ako ng malalim na hininga. Mas lalo lang kasing sumikip ang dibdib ko ng marinig ang apeliyido ng mga aampon kay Venna. "Kung ayaw mo talaga akong kausapin. Atleast... sana mabasa mo ang sulat ko sa 'yo, Ate Alisha." Nakita ko ang papel na nilusot niya sa ilalim ng pinto. "Mamimiss po kita, Ate Alisha..." garalgal ang boses na sambit ni Venna sa labas ng pinto. Ilang sandali ay narinig ko ang mga hakbang niya na papalayo sa pinto. Napatitig ako sa papel na nasa sahig. Mula sa kung saan ay muli na naman bumalong luha sa mga mata ko. Niyakap ko na lamang ang tuhod ko at napayuko habang umiiyak. *** Narinig ko ang pag-start ng engine ng isang sasakyan sa labas. Mula sa pagkakatitig sa nakalukot na papel na binigay sa akin ni Venna ay lumipad ang tingin ko sa bintana. Sinabi ko sa sarili ko na sa huling sandali ay hindi titingnan si Venna. Kasi baka pag nakita ko siya pigilan ko lamang siya sa kagustuhan niyang magpaampon. Naramdaman ko ulit ang pagbalong ng luha sa mga mata ko nang maisip ko na hindi ko na ulit makikita ang tinuturing kong little sister. Ang inalagaan at binantayan ko. Ang naging kalaro at palagi kong pinagtatanggol tuwing binubully siya ng ibang mga bata dito. Marami rin ang gusto umampon sa akin noon pero liban sa iniisip ko na baka dumating si Papa, dahil din kay Venna kung bakit tumatakas ako sa mga aampon sa akin. Kasi kapag nawala ako paano na si Venna? Wala na siyang magiging kakampi dito. At minsan niya na rin hiniling na huwag ko siyang iiwan. Pero ngayong lumaki na kami. Sa parte ko bihira na lamang ang gusto umampon sa akin. Halos wala na nga ata. Siguro dahil malaki na ako. Kadalasan kasi ng mga pumupunta dito sa orphanage ay mga around 1 year old to 10 years old inaampon ang mga bata dito. Swertehan na rin kung may gusto pang umampon sa edad namin. Hindi ko naman pinagsisihan kung tumanda na ako dito kasi si Papa talaga iniisip ko at si Venna. Pero ngayon na umalis na si Venna. Mas lalo kong naisip na huwag umalis dito kasi mas lalong pumapasok sa isip ko ang pag-abandona sa akin ni Papa dito. Humugot ako nang malalim na hininga. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina na naroon at sumilip sa ibaba. Saktong umandar ang kotse na sinakyan ni Venna. Lalong sumikip ang dibdib ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang sundan na lamang ng tingin ang kotse hanggang sa mawala sa iyon sa paningin ko. Nanghihina na muli akong napaiyak. Bahagya akong naghinayang na hindi ko man lang nakita si Venna bago siya umalis. Pero kasalanan ko din naman kasi nagmatigas ako. Hindi ko siya pinansin at kinausap. Tapos ngayon umalis na siya. Eto ako at sobrang masama ang loob sa pag-alis niya. Ang mga sumunod na araw sa akin sa bahay ampunan na ito ay hindi ko alam na ganito magiging kahirap. Sa pag-alis ni Venna ay hindi ko akalain na mararamdaman ko ulit 'yong lungkot na naramdaman ko noong umalis si Papa. Hindi ko mapigilan mabagot. At pakiwari ko ay nawalan na ako ng lakas na gumawa ng mga chores namin dito sa orphanage. Tulala at malayo ang isip ko nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell mula sa gate. Mula sa pagdidilig ng halaman sa maliit na garden ay napatingin ako sa gate. Doon ko nakita ang isang lalaking nakasuot ng polong kulay asul na pinapayungan ang isang babae. Kumunot ang noo ko para pagmasdan pa ang itsura ng babae sa labas ng gate. Nakasuot ito ng mamahaling damit. Ang bag na dala nito ay halatang mamahalin. Ang mga alahas na nasa katawan nito ay halatang iniingatan. Idagdag pa ang sopistikadang itsura na ito na sa unang tingin ay hindi mo gugustuhing titigan dahil paninguradong mai-intimidate ka lang. "Naku! Nandiyan na pala si Mrs. Enriquez," sambit ni Sister Mia kasama ang iba pang madre. Mula sila sa loob ng bahay. Ako lang ang nasa labas. Pag hapon kasi tulog ang ibang mga bata. Ang iba naman ay naglalaro at ang mga madre naman ay nagpapahinga sa sala. "Alisha, buksan mo nga ang gate at papasukin mo ang panauhin natin," utos sa akin ni Sister Mia. "Sige po." Pagtango ko. Pinatay ko muna ang tubig sa hose na hawak ko at agad na tumalima. Habang papalapit sa gate ay napatitig ako sa babae na nasa labas. Hindi ko makita ang ekspresyon sa mata niya kasi nakasunglasses siya, pero sure ako na tinitingnan niya ako. "Magandang hapon po. Pasok po kayo," istima ko pagkabukas ko ng gate. "What took you so long? Kanina pa bumubusina ang kotse at nariyan ka lang pala sa labas pero parang hindi mo narinig," deretsahan sabi ng babae sa akin. Sa tono ng boses niya para siyang boss na hindi dapat pinapahintay ng matagal. Mariin kong nalapat ang labi ko. "S-Sorry po..." hinging-paumanhin ko at niluwagan ang gate. Taas noo na pumasok ang babae na sa tantiya ko ay nasa early 30's palang. No, parang... nasa 20's palang o sadyang alagang derma lang talaga mukha niya? Sumunod naman ang lalaki na parang driver niya. Hindi ko mapigilan sundan siya ng tingin. "Ang sungit niya naman." mahinang anas ko sa sarili. Isinara ko ang gate. Nang muli kong lingunin ang babae ay nakalapit na siya kina Sister Mia. "Magandang Hapon po Mrs. Enriquez. Mabuti at nakarating kayo dito," nakangiting bati ni Sister Mia. Hindi nagsalita ang babae. Tumango lamang siya kapagkuwa'y nakita ko na nilingon ako ng babae bago muling hinarap si Sister Mia. "Who is she? Ampon niyo din ba siya dito?" tukoy ng babae sa akin na bahagyang ikinakunot ng noo ko. "Ah..." bahagyang tumawa si Sister Mia. Sinenyasan ako ni Sister Mia na lumapit kaya agad naman akong sumunod. Nakaharap ko muli si Mrs. Enriquez na noon ay wala ng suot na sunglasses. Hindi ko maipagkakailang ang ganda ng mga mata niya. Ang ganda ng pagkakakurba at natural lamang ang haba ng mga pilik mata. Dumagdag din sa ganda ng mata niya ang natural na kulay ng kanyang copper brown eyes. Ang makeup niya ang nagbigay sa kanya ng pagiging isang may class na babae. Mataas at dapat VIP. Iyon ang dapat na itrato sa kanya base sa itsura niya. "Siya si Alisha... Alisha Baltazar. Ahm, Alisha... siya pala si Mrs. Theresa Enriquez. Isa siya sa mga sponsors ng bahay-ampunan natin." Ahh, kaya pala medyo masungit siya kasi ini-sponsor-an niya pala ang bahay ampunan na ito. "Good Afternoon po ulit," bati ko sa mahinang tinig. Hinagod ako ng tingin ng babae kapagkuwa'y tumango at muling tumingin kay Sister Mia. "Maybe we should talk some important matters now, Sister Mia?" "Ahm, sige po. Dito po tayo sa sala." Sumunod ang babae sa loob habang ang kasama nitong lalaki ay nanatili sa labas. Naiwan din ako sa labas at sinundan na lamang ng tingin si Sister Mia at si Mrs. Theresa Enriquez. Kinuha kong muli ang hose at muling diniligan ang halaman. Muli akong tumingin sa loob, sa sala kung saan may binigay na manipis pero malapad na libro si Sister Mia. Bahagyang tumaas ang kilay ko. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin kapag pinapakita ni Sister Mia ang libro na iyon sa mga bisita; nais nitong mag-ampon ng bata. Ang manipis na libro kasi na iyon ay naglalaman ng mga basic information ng bawat bata narito. Kung dati, kapag nakikita ko ang bisita na pumipili sa listahan ng mga batang aampunin ay kinakabahan ako. Dahil baka ako ang mapili o kaya si Venna. Pero ngayon wala na akong nararamdaman kaba kasi alam kong hindi niya ako pipiliin kasi na-reach ko na age limit ng mga aampunin. At base sa first impression niya sa akin kanina. Mas naging kampante ako na hindi niya ako pipiliin. Naglakad ako sa iba pang bulaklak para madiligan na rin iyon. "Alisha..." Napalingon ako kay Sister Mia na siyang tumawag sa akin. Nasa balkonahe na si Sister Mia. Bahagyang kumunot ang noo ko kasi akala ko nasa sala siya at kausap si Mrs. Enriquez. "Po? Sister Mia? May ipaguutos po kayo sa akin?" tanong ko. Lumipad ang tingin ko kay Mrs Enriquez na noon ay naglakad palapit sa amin. Isang alanganin na ngiti ang binigay ni Sister Mia. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Mukhang alam ko na ang mangyayari. "I wanted to adopt you." Napatingin ako kay Mrs. Enriquez na siyang unang nagsalita. "Po?" Nabingi ata ako sa sinabi niya. Lumapit sa akin si Sister Mia at hinawakan ang balikat ko. "Ahm... Alisha... gusto kang ampunin ni Mrs. Enriquez. Isa siyang business woman. At pinangako niya sa akin na papag-aralin ka niya ng kolehiyo. At higit sa lahat magiging maganda ang buhay mo sa kanya." mahinahon na sambit ni Sister Mia. Bigla ay nalito ako sa sinabi ni Sisiter Mia. "Sister Mia... a-alam mo pong hindi ako nagpapaampon at alam mo po ang dahilan," deretsong sabi ko. Naging alanganin ang mga ngiti ni Sister Mia. Tiningnan ko si Mrs. Enriquez. "Sorry po... pero hindi po ako nagpapaampon." Pinatay ko ang tubig sa hose at ibinaba iyon saka nakayukong tinalikuran sila para umalis. Hindi ko maiwasan magtaka kasi hindi naman naging maganda ang first impression namin ni Mrs Enriquez sa isa't isa kanina tapos biglang gusto niya akong ampunin? Gusto kong isipin na nagjo-joke lang siya sa sinabi niya. "What if... tutulungan kita na mahanap ang tatay mo?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko sinabi ni Mrs. Enriquez. Tama ba narinig ko? Tutulungan niya ako na mahanap si Papa? Unti-unti akong napalingon sa kanila. Doon ko nakita ang pag-angat ng sulok ng labi ni Mrs. Enriquez. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD