Chapter 3

1983 Words
Chapter 3 ALISHA Isinilid ko ang huling damit sa maleta ko. Iginala ko pa ang paningin ko sa higaan ko para siguruhin kung may naiwan pa ba akong gamit. "Mabuti naman at aalis ka na." Napalingon ako kay Everly na noon ay nakahalukipkip na nakatayo sa gawing likuran ko. "Wala ng magiging kontrabida sa akin dito sa bahay-ampunan na ito." Hindi ako nagsalita. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Kinuha ko rin ang stuff toy na palaging kayakap ni Venna pag natutulog siya sa tabi ko. Isinilid ko rin iyon sa maleta. Binigay sa akin ni Sister Mia ang maleta na iyon. May lima siyang maleta sa kwarto niya. Ginagamit nila iyon tuwing may mga meeting silang kailangan gawin ng mga kapwa nila nagsisilbi sa Diyos. Ang pinahiram sa akin ni Sister Mia ay ang maleta na bakante at hindi niya na ginagamit. Bago ko ilagay sa loob ng maleta ang stuff toy ay napatigil pa ako at bahagya pang natulala sa hawak ko. "Hindi ko alam kung himala ba na napapayag ka ni Sister Mia na magpaampon o sadyang mukhang pera ka lang kasi nalaman mo na milyonarya ang aampon sayo," may bahid ng pangungutya na sabi ni Everly saka nakuha pang ngumisi. Tuluyan kong isinilid ang stuff toy sa maleta at hinila ang slider ng zipper para masarhan iyon. Pagkatapos ay tumayo ako nang maayos at hinarap si Everly. Imbis na sagutin ang pangungutya niya sa akin ay pinili ko na lamang na ngumiti. "Ikaw na lang ang natitirang 'ate' dito sa bahay-ampunan. Kaya... please lang alagaan mo ang mga bata na nandito. Huwag mo na sana silang pahihirapan. Ituring mo silang kapatid gaya ng kung paano ka nila tinatawag bilang Ate Everly." Naningkit ang mga mata ni Everly. "Ano'ng ibig mong sabihin? Na matanda na ako? Na wala ng aampon sa akin, ganoon?" Napangiti ako sa sinabi ni Everly. Kahit kailan talaga hindi ako naiintindihan ng babaeng 'to. Hinila ko ang hawakan ng maleta. Hinarap kong muli si Everly at ngumiti. "Kahit marami tayong hindi napagkasunduan. It was nice to meet you parin, Everly." Ngumiti akong muli. Hinila ko ang maleta ko at nilampasan si Everly. "Ang yabang mo ha? Porket mayaman ang umampon sa 'yo?!" Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni Everly at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kwarto. "Magkikita parin tayo sa labas, Alisha! May mag-aampon din sa akin at paluluhurin kita sa mga paa ko dahil sisiguraduhin kong mas magiging mayaman ako sa 'yo!" Napailing na lamang ako. Kahit kailan talaga hindi naman naiintindihan ni Everly ang mga sinasabi ko. Mas gusto niya pang intindihin ang makitid na utak niya. Nang makalabas ako sa kwarto ay tinahak ko ang hagdan para bumaba. Habang ginagawa ko iyon ay saglit akong napatigil. Napatingin ako sa first floor sa sala kung saan naroon si Mrs. Enriquez. Nakikipagusap siya kay Sister Mia kaya hindi niya ako kaagad nakita na bumababa ng hagdan. Isang linggo simula noong una ko siyang nakita at ngayon ang araw na muli siyang bumalik sa bahay ampunan para kunin ako. Mapera siya kaya isang pitik niya lang ay kaya niyang ilakad ang mga papeles na kakailanganin niya para maampon ako. Balita ko ay may malaki siyang kumpanya ng mga pabango sa France. Marami din siyang mga high class na restaurants at resorts dito sa Pilipinas. May sarili din siyang clothing line na sobrang tinatangkilik sa ibang bansa. Hindi ko pa man din nakikita ang bahay ni Mrs. Enriquez pero panigurado akong mansyon iyon sa laki. Sino ba naman hindi magkakaroon ng mansyon kung halos kabi-kabilaan ang negosyo na pagmamay-ari niya? Pero kahit ganoon kayaman ang mag-aampon sa akin. Hindi iyon ang nagpukaw sa interes ko na magpaampon sa kanya. Gusto niya akong tulungan na makitang muli si Papa. Sa lahat ng mag-aampon sa akin siya lang ang bukod tanging nag sabi sa akin ng bagay na iyon. At iyon ang weakness ko... I mean ang matagal ko ng kahilingan sa puso ko. Ang makita si Papa ang tanging hiling na gustong-gustong matupad simula pa noong iniwan niya ako at araramdaman ko na si Mrs. Enriquez ang tutupad ng kahilingan ko na iyon. "Oh, ayan na pala si Alisha." Nakangiting sambit ni Sister Mia nang magawi ang paningin niya sa kinatatayuan ko. Napalingon sa akin si Mrs. Enriquez dahilan para tamaan ako ng kaba. Hindi lang dahil sa awra niya kundi dahil sa iyon na nga ang araw na kukunin niya ako sa bahay ampunan na iyon. Binigyan ko ng lakas mga paa ko na humakbang paabante. Ito na 'yon. Wala ng urungan 'to. Lihim akong nag-usal ng panalangin na sana ay gabayan ako ng Diyos sa panibagong kabanata ng aking buhay. Papa... maghintay ka lang jan. Magkikita na din tayo soon. Napapangiti ako sa tuwing sumasagi sa isip ko si Papa. Ano kaya ang mararamdaman niya na makita ako? Makikilala niya pa kaya ako? Hindi na siguro. Kasi batang paslit ako noong iniwan niya tapos ngayon matangkad na ata ako sa kanya. Hindi pa man din ako nakakababa sa hagdan ay tinulungan na ako ng dalawang lalaki na kasama ni Mrs. Enriquez. Isa doon ang personal guard niya at ang isa ay driver. Kinuha nila ang dala kong mga gamit at bumalik sa kinatatayuan nila sa main door ng bahay-ampunan. Si Sister Mia ang unang lumapit sa akin. Kasunod ang ibang mga madre na naging malapit din sa akin. Mahigpit na hinawakan ni Sister Mia ang mga kamay ko. "Ahh... mamimiss kita, Alisha. Pero masaya naman ako dahil paniguradong napunta ka sa mabuting kamay. Ipagpapanalangin ko sa Diyos na makita mo ang papa mo sa lalong madaling panahon." Parang gusto kong maluha sa harapan ni Sister Mia pero pinigilan ko. Baka magbago lang kasi ang isip ko kapag masyado kong pinairal ang emosyon ko. "S-Salamat po, Sister Mia... sa pag-aalaga at pagkupkop sa akin sa bahay na ito." Kahit gaano katatag ang isip ko na huwag maging emosyonal ay maririnig parin sa boses ko ang tila paos na tinig. Dahil siguro iyon sa pagpigil kong huwag mapahagulgol sa harap ng taon tinuring ko na rin na pangalawang magulang. Nakita ko kung luha na bumalong sa mga mata ni Sister Mia. Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit bago pa man din ako madala sa emosyon niya. "Mag-iingat ka, Alisha. Paminsan-minsan ay dumalaw ka parin dito. Hindi lang kami makakamiss sa 'yo. Pati na rin ang mga bata na nandito," wika ni Sister Susan. Tumango ako at ngumiti. "Oo naman po. Hindi po ako makakalimot sa mga taong tumanggap at nag-aruga sa akin ng matagal." Pagkatapos kong magmano isa-isa sa mga madre na nandoon ay lumapit ako kay Mrs. Enriquez. Binigyan ko ng lakas ng loob ang sarili ko na tumingin sa mga mata niya kahit ang totoo ay pakiwari ko matutunaw ako sa tindi ng intimidasyon na mayroon si Mrs. Enriquez. Nginitian ako ni Mrs. Enriquez. Na siyang nagdulot sa akin ng bahagyang pagkasorpresa. "Maraming Sister Mia and to all. Aalis na po kami," nakangiting sabi ni Mrs. Enriquez. Muli kong niyakap si Sister Mia at pagkakataon na iyon ay hindi ko na napigilan na umiyak. Inalo ako ni Sister Mia. Kaya ilang minuto ang lumipas ay naramdaman ko na lamang ang paa ko na pumapasok sa loob ng magarang kotse ni Mrs. Enriquez. Isang lingon pa ang ginawa ko kina Sister Mia at sa bahay-ampunan na kinalakihan ko. Bago tuluyang lumiko ang kotse sa National road kung saan tinahak nito kahabaan ng kalsada. **** "'Yan, linisin niyo ng maigi 'yan ha?" Napatingin ako kay Madam Sophia. Ang mayor doma ng mansyon ni Mrs. Enriquez. "Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan? Hugasan mo ng maigi 'yan." Napalagpat ko na lamang ng mariin ang labi ko sa sinabi ni Madam Sophia. "Sino ba nag-hire sa 'yo dito para magtrabaho dito sa mansyon. Mukhang wala kang alam sa gawaing bahay eh. Ang bagal-bagal mong kumilos!" Tatlong araw na ako dito sa mansyon simula noong ihatid ako dito ng driver. Nagpahatid muna si Mrs. Enriquez sa airport para sa kanyang 3 days business meeting sa Singapore. Kaninang tanghali lang dumating si Mrs. Enriquez. Sabay kaming kumain ni Mrs. Enriquez na ikinagulat ng lahat ng mga katulong. Lalong-lalo na ni Madam Sophia. "Huwag kang masyadong feeling VIP porket kasabay mo si Ma'am Theresa na kumain sa hapag. Naawa lang 'yon sa 'yo kaya ganoon. At katulong parin ang tingin namin sa 'yo," narinig ko pang patutsada sa akin ni Madam Sophia. Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. "Alisha..." Napatingin ako sa sala mula sa kusina nang marinig ko ang pangalan ko mula kay Mrs. Enriquez. Hinugasan ko ang kamay ko at napatingin kay Ate Mariel na siyang tinutulungan kong mag-hugas ng mga pinagkainan namin. "A-Ahm... bakit po Ma'am?" tanong ko nang makalapit ako. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay nilingon ako ni Mrs. Enriquez. Mabilis na kumunot ang noo niya kasabay ng pagpasada ng tingin sa itsura ko. "Why are you wearing that?" Napatingin ako sa sarili ko at doon ko nakita ang suot kong apron. "N-Naghuhugas po ako ng pinagkainan natin, Ma'am..." Mabilis na umawang ang bibig ni Mrs. Enriquez. "What?!" Nanlaki ang mga mata niya. Tumayo siya at tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko kaya naman napahawak siya sa sintido niya. "You're not a maid here para maghugas ka ng pinggan. May mga katulong akong binabayaran para doon!" "Ah-Ahm... ma'am ano k-kasi" "Sophia!" Hindi ko natuloy ang pagi-explain ko nang tawagin ni Mrs. Enriquez si Madam Sophia sa malakas na boses. "Sophia!" "Y-Yes, Ma'am... bakit po?" tanong ni Madam Sophia nang halos patakbong lumapit sa amin. Lumapit si Mrs. Enriquez sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Anong ginawa ninyo kay Alisha?" "Ma'am? Ah-Ahm... wala po! Ano naman ang pinagsusumbong ng babaeng 'yan sainyo." sambit ni Madam Sophia sa mahinang boses. "Sophia!" tawag ulit ni Mrs. Enriquez sa mataas na boses. "Ahm, wala naman po Ma'am. Naglilinis lang naman 'yan dito. Nagdidilig ng halaman naghuhugaa ng pinggan at naglalaba." "What?! Ginawa ninyong katulong ang anak ko habang wala ako?!" hindi makapaniwalang wika ni Mrs. Enriquez. Napaglapat ko ang mga labi ko lalo pa nang makita ko kung paano magulat si Madam Sophia sa sinabi ni Mrs. Enriquez. "T-Teka... a-anak niyo po siya?" pasinghap na tanong niya. "Oo! Hindi ba-ahh... wait, sinabi ko na ba sainyo na may ipapakilala ako sainyo noong isang araw?" Umiling si Madam Sophia. "Ok, kaya naman pala. Tawagin mo lahat ng katulong ng mansyon na ito bilis! I want them to be here in one minute!" "Opo, Ma'am!" Agad na tumalima si Madam Sophia para tawagin ang mga katulong. Habang ako naman ay napalunok ng laway kasi hindi ko alam kung kaya nilang pumunta sa harapan namin sa loob lamang isang minuto. Unless... kung tatakbo sila. Pero kahit siguro tumakbo sila ay hindi sila makakaabot sa isang minuto na sinasabi ni Mrs. Enriquez. Sobrang lawak ng mansyon na ito. Parang hektarya sa laki! Mayroon limampu't dalawang katulong si Mrs. Enriquez sa mansyon. Dalawang minuto ang lumipas nang makumpleto ang lahat ng katulong kasabay na ang mga hardinero ng mansyon. Lahat sila ay nagtipon sa harapan namin. Sabi ko nga hindi nila kaya ang isang minuto. Gladly, nagawa nila sa loob ng dalawang minuto. Pero kitang-kita ang hingal at pagod sa mukha nila dahil sa pagtakbo. "Kayong lahat. Gusto kong ipakilala sainyo ang anak ko..." Hinawakan ni Mrs. Enriquez ang balikat ko at pinaharap ako sa kanila. "Si Alisha Claudette Enriquez. Siya ang magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ko." Nakita ko ang pagkabigla mukha nila. Kahit ako ay nabigla din sa sinabi ni Mrs. Enriquez. "Ngayon! Gusto kong lumuhod kayo sa harapan ni Alisha dahil sa pagturing ninyo sa kanya bilang isa sainyo." Bahagya akong nataranta. Napatingin ako kay Mrs. Enriquez. Magsasalita na sana ako para tumutol nang magsalita siyang muli sa malakas na boses. "Luhod!" Mabilis na nagsiluhod ang lahat ng mga katulong sa harapan ko. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD