KATATAPOS lang palitan ng diaper at bihisan ni Riya si Liby nang tumawag si Manang Melda sa kaniya at sinabing naglagay ito ng ilang bag ng frozen pumped breast milk sa laundry chute mula sa dumating na batch na in-order ni Mrs. Vera mula sa Human Milk Bank. Pagkalapag niya kay Liby sa loob ng kuna at nasiguradong ang atensyon ng sanggol ay nasa musical mobile play toy na nakasabit sa kuna nito ay nagmamadali siyang lumabas ng silid. Lakad-takbo siyang nagtungo sa may laundry chute para kuhanin ang mga gatas saka bumalik sa silid habang ang atensyon ay nasa mga bag ng gatas na nasa loob ng cooler. “Hey, missy!” bungad-bati ni Ethan sa kaniya pagkapasok niya ng silid. “Ay, kapre!” Kulang-kulang na lang ay mabitiwan niya ang tangan na cooler nang bigla na lang magsalita ang lalaki na noo

