“DAD, chill,” relax na salubong ni Ethan sa ama na noo’y paakyat na sana ng hagdan. Nakasunod rito ang nag-aalalang in ana lumingon din sa kaniya nang magsalita siya mula sa kusina. Namumula ang mukhang humakbang patungo sa kaniya ang ama, samantalang ang mommy naman niya ay mabilis na pumagitan sa kanila. “Adolfo, ang puso mo, ano ka ba?” paalala ni Mrs. Vera sa asawa habang nakaharang ang katawan sa kaniya. “Why did you leave just like that, huh? Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante ang mga taong iyon sa negosyo natin?” galit na galit na pahayag nito. “Adolfo—” muling pigil ng mommy niya na pinutol niya. “And it matters to me because?” pinanatili pa rin niya ang pasensya kahit pa nga nagpanting na ang tainga niya sa sinabi ng ama. As far as he's concerned, kahit noong wala pang

