CHAPTER TWENTY

1319 Words

MARAHAS na nagpakawala ng hangin si Riya pagkalabas na pagkalabas ni Ethan ng kuwarto ni Liby. Nanggigigil siya dahil sa masamang ugali ng lalaki kaya naman halos bumuga ng usok ang butas ng ilong at tainga niya sa pagkabanas! ‘Hmp! Feeling niya talaga napakaguwapo niya! Ano? Guwapo nga ang baho naman ng ugali! Huwag na uy! Hindi na ako nagtataka na ipinagpalit siya ng girlfriend niya sa kuya niya na mukha pa lang, eh, mukhang anghel na!” sigaw ng isip niya saka uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili. Lumapit siya sa kuna ni Liby at saka pinagmasdan ang napakagandang sanggol. For a moment, napanatag ang puso at isip niya habang nakatitig sa bata. Bagama't totoo naman na pera talaga ang dahilan kung bakit siya nagtitiis na makisama sa tila laging may dalaw na tiyuhin ni Liby, ipinang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD