SUKBIT ang knapsack ay tuluyan nang lumabas ng mansyon si Ethan para bumalik sa condo unit niya. Pagkatapos ng pagtatalo nila ng magulang niya ay nagpasya na siyang tuluyang umalis. Napatigil siya sa paglalakad nang maabutan niya ang mommy niya na nakaupo sa pinakataas na baiting ng hagdan sa unahan ng mansyon at nakahalukipkip. Nagpakawala siya ng hininga bago lumapit dito. “Mom,” tawag niya rito pagkatigil niya sa mismong likuran nito. Tila napapitlag pa ito sa pagtawag niya. Halatang masyaong okupado ang isip nito at hindi namalayan ang presensya niya. Agad itong tumayo at saka humarap sa kaniya. Namumula ang mata at ilong nito mula sa pag-iyak. “Ethan, anak…” namamaos ang boses na bulong nito. Bahagya pang nanginig ang mga labi bago pa nito mahaplos ang pisngi niya. “I am so so

