KASALUKUYANG pinapaliguan ni Riya si Liby sa banyo habang pakanta-kanta pa siya para aliwin ang sanggol. Nakakatuwa talaga si Liby dahil tila ba ito ipinaglihi sa serena na gustong-gustong nakababad sa maligamgam na tubig ng baby bathtub. “Gusto mo bang maging swimmer paglaki, ha? Oo, tapos sasali ka sa Olympics, ano? ‘Di ba? ‘Di ba?” tuwang-tuwang pagkausap niya rito na tinugon naman nito ng matinis na pagtawa. “Riya—” “Ay, kabayong bundat!” gilalas na sigaw niya nang mula sa nakabukas na pintuan ng kuwarto ni Liby ay biglang tawag sa kaniya ni Ethan. Napahugot siya ng hininga at sandaling napapikit at napahawak sa dibdib niya na mas lalong ikinabungisngis ni Liby. Ethan scoffed then spoke again in a deep tone. “It’s time for breakfast. Gusto mo pa talaga na susunduin ka muna para ka

