“HOY, ateng! Kumusta ka na diyan, ha?” Halos mabingi ang kaliwang tainga ni Riya pagkasagot ng tawag ng baklang kaibigan na si Damian habang nagtitiklop siya ng bagong labang damit ni Liby. “Aray, ha! Hindi ka naman excited niyan?” pabirong reklamo niya habang kipit ang telepono sa pagitan ng balikat at tainga niya. Kakapadede pa lang kasi niya kay Liby at kakatulog lang nito kaya hindi niya pupuwedeng i-speakerphone ang pakikipag-usap sa kaibigan. “Grabe ka kasi, ateng! Wala kang paramdam kanina, eh. Malay ba namin, baka ‘kako humihimas ka na sa malamig na rehas dahil nagdilim na ang paningin mo at napatay mo ‘yang poging antipatikong anak ng boss mon a feeling ko crush mo naman pero nagpapakipot ka lang!” tudyo nito sa kaniya bago hinihingal na pumalatak. “Ako? Crush ko ‘yon? Hoy, Dam

