TULUYAN nang kumawala ang natitira pang inihibisyon sa utak ni Riya. Walang pag-aalinlangan niya nang ipinagkaloob ang sarili kay Ethan kahit pa nga mas marami ang dahilan para hindi niya iyon gawin. She’s crazy, she admit. Bakit ba naman kasi para siyang mauubusan ng lalaki na pati ang sinabi niyang itinaga niya sa bato ay kinain din niya tulad ng sinabi noon ni Damian. Paglipat niya kanina sa kuwarto ni Liby ay saka lamang nag-sink in sa kaniya ang lahat. Noon lang din niya naramdaman ang hapdi ng pagiitan ng hita niya dahil bagama’t hindi na siya birhen, Ethan got carried away that he took her in a slightly rough manner. Well, she liked it… a lot… pero, dahil nga ilang taon na rin matapos ang una’t huling pagbibigay niya sa sarili sa naging unang nobyo niya noon, of course, pakiramdam

