HINDI pa man natatapos ang pagkain nila ay napabaling si Riya sa katabing si Ethan nang tumunog ang telepono nito na nakapatong rin sa ibabaw ng dining table. Uminom muna ito ng juice bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. “Oh, hi, Felicity, good morning,” pormal na tugon ng lalaki sa kausap. Awtomatiko siyang napabawi ng tingin at wala sa loob na napaismid saka sunod-sunod na sumubo ng pagkain. Umagang-umaga, nasira ang mood niya. “Yes, I know,” tumango-tango pa ito saka ikinipit ang telepono sa pagitan ng balikat at tainga para maghiwa ng French toast. At ang damuho, parang enjoy na enjoy pa sa pagkausap sa dati niyang best friend. “Nag-breakfast ka na?” tanong pa nito. ‘Wow! Concern sa future bride niya!’ gigil na patutsada ng utak niya habang ngumunguya. Nagpakawala siya

