CHAPTER TWO

2720 Words
HALOS lumuwa ang mata ni Riya habang nakatingala sa harap ng napakalaking bahay na nakalagak sa loob ng isang exclusive subdivision sa Alabang, kung saan siya nakatakdang manirahan mula sa araw na iyon kasama ang mga Olivarez. Ang buong akala pa nga niya ay hindi sila papasukin ng sinakyan niyang taxi sa loob ng subdivision ngunit nang sabihin niya ang pangalan niya at ang pangalan ni Mrs. Vera Olivarez, ay walang atubili silang pinapasok ng guwardiya. Bagama’t marami na naman siyang napuntahang malalaking bahay, partikular noong nag-aaral pa lamang siya dahil halos lahat ng kaibigan niya ay mga may kaya sa buhay, ngunit ito ang unang pagkakataon na makakatapak siya sa ganoong klase ng bahay na maihahalintulad sa isang palasyo… well, not literally, but almost. Mula sa labas ng mataas at malapad na gate na kinatatayuan niya ay tanaw ang napakalawak na unahan ng mansyon kung saan nakalatag ang berdeng Bermuda grass. The curved redbrick driveway from where she stands that leads to the front exterior of the mansion actually provides not only an aesthetic view but a magnificent aura and a romantic feeling to the mansion. “Sino’ng hanap nila?” pukaw sa kaniya ng babae mula sa loob ng gate. Pagtingin niya rito ay diretso itong nakatitig kaniya sa nagtatanong na paraan. Halata na may katandaan na ang babae. Mas mababa ito sa kaniya at medyo may katabaan. “Ah, ako ho si Riya. Ako ho iyong—” Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang dali-dali nitong binuksan ang gate at pinapasok siya. “Naku, kanina ka pa namin hinihintay, ineng.” Hindi naikaila sa kaniyang pandinig ang pagbabago ng boses at pag-aliwalas ng mukha nito. “Ito ba ang mga gamit mo?” usisa nito sa knapsack at isang maliit na maletang nasa semento. Tumango siya at madali rin itong pinigilan nang akma nitong bubuhatin ang mga dalahin niya. “Ako na ho, manang,” sansala niya kaagad rito at saka niya binuhat ang knapsack niya at hinila ang luggage. “Manang Melda na lang ang itawag mo sa akin, ineng,” anito habang isinasara ang gate, pagkuwa’y iginiya siya papasok sa loob. “Riya naman ho ang pangalan ko,” ulit na pakilala niya sa sarili habang nakasunod rito. Halos mapaawang ang bibig niya habang hinahagod ng mata niya ang kabuuan ng garden ng masyon. Kung kanina ay hangang-hanga na siya sa laki at ganda ng paligid ng mansyon mula sa labas ng gate, lalo siyang walang masabi pagkapasok sa loob. Partida, wala pa sila sa mismong loob ng bahay. “Ibinilin ka nga ng mga amo namin bago sila umalis para kuhanin ang apo nila,” magiliw na kuwento nito na nakapagpalingon sa kaniya rito habang naglalakad na sila sa may driveway. “Dito na nga ho nila ako pinadiretso imbis na sa ospital, eh,” tugon naman niya saka halos mahigit niya ang hininga niya nang maraaanan ng paningin niya ang isang marble Daydreaming Venus classical waterfall fountain na nasa gitna ng garden. The sophisticated fountain actually added an extreme elegance to the plain façade of the mansion. “Mas maigi nga na nagdiretso ka na rito at nang makapag-ayos ka na rin ng mga gamit mo bago sila bumalik,” anito saka itinuro ang daan paitaas na tinutumbok ng driveway. “Diyaan ang papunta sa entrada ng mansyon,” turo nito saka nito itinuro ang tinutumbok nilang daan na sa gilid naman ng mansyon, “Dine naman ang papunta sa may swimming pool at likod-bahay.” Panay halaman at bulaklak naman ang nasa gilid ng bahay na dinaraanan nila. Nilampasan nila ang dalawang swimming pool; ang isa ay malaki at malalim samantalang ang isa naman ay pambata at may slide pa. “Matagal na ho ba kayo rito, Manang Melda?” usisa niya matapos nitong buksan ang pintuan na papasok sa kusina. The kitchen is a state of the art. Kumpleto ang mga modernong gamit doon at maluwag. “Naku, ineng. Alaga pa si Adolfo ng inay ko noong bata pa siya. Purmero, eh, doon kami sa hacienda ng magulang niya at nang magkaanak siya, eh, kinuha niya kaming mag-anak para manilbihan dito sa mansyon niya,” pahayag nito patungkol sa asawa ni Mrs. Vera Olivarez. “Ah, matagal na ho pala,” tumatango-tangong wika niya saka umupo sa bar stool paharap sa magarbong lutuan bago iginala ang paningin sa paligid. “Sobrang laki ho ng bahay na ito. Nagkakakitaan pa ho ba sila rito?” usisa niya saka ininom ang tubig na inilapag ng matanda sa harap niya. “Katulong ko naman ang tatlong anak kong babae sa paglilinis dine sa mansyon. Ang asawa ko ang siyang nangangasiwa sa mga halaman dito katulong ang bunso naming anak na lalaki na si Emil. Isa pa, eh, bukod-tanging ang mag-asawa lang naman ang nandine, ineng, kaya’t hindi mahirap maglinis. Iyong mga kuwarto ng mga alaga ko at mga guestroom, eh, nililinis namin isang beses sa isang linggo. Bibihira din namang mag-ganyak ng mga salo-salo rito, madalas, eh, sa hotel sila naghahanda.” Inilapag nito sa lamesa ang isang malaking mangkok na may lamang sinampalukang manok saka muling tumalikod at sinandukan naman siya ng kanin na pagkuwa’y inilapag din nito sa harap niya. “Salamat ho, Manang Melda,” aniya saka sinamyo ang amoy ng sinampalukan. Nanlaway kaagad siya hindi pa man niya iyon natitikman. “Eh, kayo ho at mga anak n’yo?” “Kanina pa kami kumain, ineng. Sige na at hindi masarap ang sinampalukan kung malamig,” engganyo nito sa kaniya saka muling nagsalin ng tubig sa baso niya. Hindi na siya nahiya pa. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya mula pa nang umalis siya sa Blue Wave Restaurant upang kuhanin ang iba pa niyang mga gamit sa bahay inuupahan niyang kuwarto. “Teka muna’t ipapaakyat ko na kay Emil ang mga gamit mo,” paalam nito saka siya iniwan. Pagbalik ng matanda ay ipinakilala na nito ang kasamang tatlong anak na babae na pawang hawigin ni Manang Melda. Si Melody na siyang ikalawang anak nito at labing-siyam na taong gulang, si Melanie na labing-pito naman at ang bunso sa babae na si Melisa na labing-lima. Binati lang din siya ng mga ito saka nagsipagbalikan na sa kani-kaniyang gawain ng mga ito. Ayon kay Manang Melda, ang panganay na anak ng mga ito na si Melba na ngayon ay dalawampu’t limang taong gulang na at may sarili nang pamilya ay pinag-aral ng mag-asawang Adolfo at Vera mula elementarya hanggang sa matapos ng kolehiyo. Ang mag-asawa rin ang kasalukuyang nagpapaaral sa iba pa nitong mga anak na sina Melody at Melanie na kapwa nasa kolehiyo na at pawang kumukuha ng Management course sa Polytechnic University of the Philippines, samantalang sina Melisa at ang bunsong si Emil na labing-apat na taong gulang naman ay kapwa pumapasok sa Muntinlupa National High School. Palibhasa’t Linggo at walang pasok sa eskuwela ay naroon sa mansyon ang mga anak ng mga ito maliban kay Melba. “Ang mas maigi pa siguro, eh, magpahinga ka na muna sa magiging kuwarto mo. Hena’t ihahatid na muna kita sa itaas, tapos, eh, mamaya na lang kita igagala dine sa ibaba at sa labas ng mansyon, ano?” suhestyon ng matanda pagkatapos hugasan ang pinagkainan niya. Ayaw man niya ay nagpumilit naman ito kaya’t nagkasya na lang siya sa pagpupunas sa bar kung saan siya kumain. “Sige ho,” nakangiting sagot niya saka tumayo na sa kinauupuan at sumunod sa matanda nang magpatiuna na itong lumakad palabas ng kusina patungo sa kabilang bahagi ng bahay. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi mapa-usal ng ‘wow’ pagkapasok pa lang nila sa napakalawak na sala. Sa totoo lang, sa mga pelikula pa lang siya nakakita ng ganoong klaseng bahay. Napakataas ng ceiling ng sala kung saan naroon ang tatlong chandelier na kahit hindi nakailaw ay hindi naman nakabawas sa ka-sosyalan ng mansyon. Mayaman ang mga naging kaklase at kaibigan niya noon pero walang panama ang bahay ng mga ito sa bahay na kinaroroonan niya ngayon. The natural brown-colored and wooden double door with a carving of a horse in each door screams glam. The three elegant chandeliers are hanging above the high-ceiling, in which, the middle one is the biggest and the grandest which hangs directly above where the double-staircases meet. The sophisticated double staircases accentuated the hugeness of the living room as well as the entry point towards the second floor. “Ang ganda ho at napakalaki nitong bahay, manang!” bulalas niya habang nangingislap ang dalawang mata niya sa pagtingala sa tatlong chandelier na noo’y nasa mismong itaas na niya. “Si Adolfo ang nag-disenyo ng bahay na ito,” anito. Sinabayan na niya ito sa pag-akyat sa hagdan na hindi maikakailang alaga sa floorwax dahil sa kintab. “Ilan ho ang kuwarto rito, manang?” usisa niya habang nasa likuran nito. “Labindalawa,” pakli nito. “Mangyari kasi, eh, gusto sana ng mag-asawa ng malaking pamilya, ang kaso, maselang magbuntis si Vera at tatlong beses na nakunan. Noong ipinanganak ang panganay nilang si Nathaniel, eh, hindi na sana nila balak sundan. Matanda na rin sila nang ipanganak si Nathaniel. Kaso ay nabuntis ulit kaya nagpatali na kaagad pagkapanganak ni Vera sa bunso nilang si Ethan,” kuwento nito saka binuksan ang unang pinto sa ikalawang palapag. “Dito ang library.” “Wow, ang laki para hong library sa school,” anas niya pagsilip niya sa loob. Muli siyang lumabas saka isinarado ang pinto nang magpatuloy sa paglalakad si Manang Melda. “Mula rito hanggang doon sa dulo, puro guestroom ‘yan,” turo nito sa mga pinto sa mahabang pasilyo. Muli silang umakyat sa hagdan papunta sa ikatlong palapag at binuksan naman nito ang unang pinto. “Dito ang kuwarto ni Liby,” anito saka niluwagan ang pintuan saka naunang pumasok sa loob. As expected, malaki rin ang kuwarto, marahil ay triple o quadruple o higit pa ng inuupahan niyang kuwarto. Kumpleto rin sa gamit na pambata. Ang Princess Design na single bed na katabi ng Princess Design na kuna ay punong-puno rin ng mga stuffed toys. Dalawang white and pink na closet ang naroon na puno ng mga damit pang-baby. Katabi nito ay ang changing table kung saan nasa ibaba noon ang mga diaper at wet wipes. Sa may isang gilid ay maryoon ding puting rocking chair na nakapuwesto naman sa may bintana. “Dito naman ang banyo. Nakaugnay iyan sa kuwarto mo na nasa kabila.” Binuksan ni Manang Melda ang pintuan ng banyo at ipinakita sa kaniya. The bathroom has a regular size bathtub and an adjustable shower head. May dalawang white and pink na cabinet sa loob ng banyo kung saan naroon ang mga nakatuping towelette at towel, maging ang mga bathrobe na pambata at pangmatanda. “Hena sa kuwarto mo,” yaya nito pagdaka saka binuksan ang isa pang pintuan sa loob ng banyo na nag-uugnay naman sa kabilang silid na magiging kuwarto niya. “Kapagka ikaw nga pala, eh, gagamit ng banyong ‘yan, ikakandado mo pareho ang parehong pinto, ha?” paalala nito saka nagdire-diretso sa loob ng kuwarto niya. Tumango lamang siya bago nanlaki ang mga mata nang ganap nang mapagmasdan ang magiging silid niya. “Wow! Ito ho ang magiging kuwarto ko? Sigurado ho kayo, manang?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Tinakpan pa niya ang bibig niya habang kimkim ang labis na tuwa. Paano ba naman siyang hindi magugulat at mamamangha, eh, parang nakakahiyang higaan ang king-size bed na nasa gitna ng malaking kuwarto? Bukod sa unat na unat ang bedsheet na nakalatag roon ay puting-puti pa ito na parang bago pa yata. “Oo, ineng,” paniniguro nito saka inginuso ang isa pang pintuan sa gilid. “Iyon ang pintuan ng kuwarto mo palabas ng hallway,” anito saka nito binagtas ang tinuran na pinto at kinuha mula roon ang hindi niya kaagad napunang mga gamit niya. “Ay! Ako na ho ang mag-aayos niyan.” Lumapit kaagad siya rito at saka binitbit ang mga gamit niya papasok at ibinaba sa may tabi ng tokador. “May mga gamit na riyan sa loob nga tokador. Magsabi ka lang kung may kailangan ka pang iba at nang makabili kaagad,” wika nito saka kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng apron nito nang tumunog iyon. “Paano? Maiwan na muna kita rito, ineng, ha. Magpahinga ka na muna at bumaba ka na lang mamayang alas-kuwatro at gagawa ako ng miryenda natin,” baling nito sa kaniya matapos tingnan ang cellphone. “Eh, anong oras ho ba ang dating nina Mrs. Olivarez?” tanong niya pagkatalikod nito. “Aba, ang sabi, eh, mamayang gabi raw sila uuwi gawa ng alas-sais pa raw ng gabi mailalabas si Liby. May hinihintay pa yatang resulta ng test na ginawa sa bata,” imporma nito. “Ah, sige ho. Bababa na lang ho ako mamaya,” aniya nang mahalatang kailangan nang bumaba ng matanda. “Sige, ineng,” paalam nito saka lumabas na nang tuluyan ng kuwarto niya mula sa pinto palabas ng hallway. Nang mapag-isa ay umupo na siya sa kama saka tumingala. Napangiti na lamang siya sa sarili niya nang makita ang mga carvings na nasa ceiling. “Hanep! Daig ko pa ang prinsesa, ah!” bulong niya sa sarili habang ninanamnam ang lambot ng kinahihigaan niyang kama. Mayamaya ay nagtalukbong siya ng kumot at saka nagtitili sa loob habang ikinakawag ang mga paa. Sobrang saya niya sa mga oras na iyon. Ni sa panag-inip ay hindi niya pinangarap na makakita man lang sa personal ng ganoong klaseng bahay, lalo’t higit ang makatapak at makahiga sa ganoong klaseng higaan! Bahagya niyang tinampal ang sarili sa pag-iisip na baka panag-inip lamang ang lahat. “Ouch!” daing niya saka ipinadyak ulit sa ere ang mga paa. Hindi… hindi siya nananag-inip lang. Totoo ang lahat ng ito! Ilang katok sa pintuan at pagtawag sa pangalan niya ang nagpabalikwas sa kaniya mula sa mahimbing niyang pagtulog. Medyo nagulat pa siyang muli nang magisnan ang sarili sa kuwartong iyon ngunit nang maalala na naroon nga pala siya sa mansyon ng mga Olivarez ay dali-dali siyang bumangon. “Ate Riya?” muling tawag sa kaniya sa labas ng pintuan. Saglit niyang inayos ang sarili saka binuksan ang pintuan. Kaagad niyang nginitian si Melisa nang magisnan ang dalagita roon. “Ay sorry, nakatulog ako, eh,” pasensya niya. Ngumiti lang ang dalagita saka ito muling nagsalita. “Okay lang, ate. Halika na, nagluto si nanay ng ginataang bilo-bilo,” yaya nito sa kaniya. “Ay, masarap ‘yon, ah!” Bigla siyang na-excite nang marinig ang sinabi ng dalagita. Agad siyang sumama rito pababa. Ngunit nang nasa second floor na sila ay saka lang niya napansin ang isang life-size portrait na nasa pinaka-bungad ng hagdanan pababa sa ground floor. Marahil ay hindi niya iyon napansin kanina dahil sa mas naagaw ng atensyon niya ang mga chandeliers. “Ah, sina Senyor Adolfo, Senyora Vera at mga anak nilang sina Senyorito Nathaniel at Senyorito Ethan ang mga iyan,” pakilala nito sa mga taong naroon sa portrait. Yes, she was stunned, well, granted that they are good-looking family, no doubt about it… but it was actually because someone among them caught her very eye. Suddenly, she felt so numb all over her body… and as strange as it is, her heart also went ballistic as she looked at those deep, striking eyes. How could she ever forget those mesmerizing eyes and those luscious lips that made her knees feel so weak and made her heart beat go crazy? Napalunok siya at nagtanong kay Melissa habang ang atensyon ay nasa larawan pa rin. “E-Ethan ba kamo?” naninigurong tanong niya sa dalagita. Iyon ang pangalan na sinambit ng babaeng nakakita sa kanila ng lalaking kamukha ng nasa larawan bago ito nagtatakbo noong nasa Amerika siya. The very day she wanted to forget. “Oo, ate.” Itinuro pa nito ang lalaki sa litrato. “Siya ang bunsong anak nina Senyor at Senyora,” kumpirma nito. Napahugot siya nang napakalalim na hininga. Pagkuwa’y dumako ang tingin niya sa lalaking nasa kabilang bahagi naman ng litrato. Muli siyang nagpakawala ng isa pang buntong-hininga. How could she forget that man as well? Napaisip tuloy siya kung pinaglalaruan ba siya ng tadhana. Napailing siya saka napakagat-labi. Now, she’s in big trouble!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD