CHAPTER ONE

2788 Words
BLUE Waves Restaurant, Alabang, Philippines. December 7, 2018. Inilapat ni Riya ang likod sa malamig na sementong upuan sa rooftop ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya saka niya iniikot ang mga kamay niya upang kahit paano ay maibsan ang pangangalay na kanina pa niya nararamdaman. Sobra ang pagod niya ng mga sandaling iyon. They’ve been kicking their butts off at the restaurant since morning. Dapat sana ay nakauwi na siya kaninang ala-sais ng gabi dahil morning shift siya pero pinag-overtime siya ng Restaurant Manager nila dahil daw sa biglaang dinner booking ng suki ng restaurant na pharmaceutical company na malapit sa restaurant nila. Gusto sana niyang magreklamo dahil siya lang naman ang pinag-overtime ng gunggong niyang amo pero kailangan niya rin naman kasi ng pera para pambayad ng renta ng inuupahan niyang kuwarto. Somehow ay okay na rin ang nangyari kahit pa nga patay-patay na ang katawang-lupa niya. Umupo sa may paanan niya si Damian, isa sa mga cashier ng restaurant na ka-close niya, saka nito ipinatong ang mga binti niya sa hita nito. “Feeling Darna ka kasi, ateng,” bagama’t may lambing ay may bahid iritasyon na sabi ng bakla niyang kaibigan bago tinanggal ang suot niyang sapatos saka sinimulang masahihin ang paa at binti niya. Tanging ungol lang ang isinagot niya. Hindi niya pa kayang makipagtalo ngayon. “Bakit ka ba kasi pumayag na ikaw na naman ang mag-overtime, ha? Isang linggo ka na kayang kayod-kalabaw rito. Ano, gusto mong tayuan ka ng rebulto diyan sa harapan sakaling bumigay ‘yang katawan mo sa pagod?” asik naman ni Nica, ang pinakamalapit niyang kaibigan na siyang nagpasok sa kaniya sa restaurant. Receptionist ito roon at untouchable dahil girlfriend ito ng may-ari ng restaurant na si Boss Miggy. “Hayaan mo na lang,” mahinang sabi na lang niya habang nakapikit. Kung tutuusin, kaya naman niyang gamitin ang charm at pagiging malapit na kaibigan kay Nica para hindi siya api-apihin at pag-initan ng atribidong restaurant manager na dati niyang manliligaw pero ayaw naman niyang may masabi ang iba pa nilang kasamahan kay Sir Miggy at lalo’t higit kay Nica. Muling humihithit ng sigarilyo si Nica saka iyon ibinuga bago humakbang papalapit sa kanila ni Damian. “Alam mo, halata namang pinag-iinitan ka ni Panutsa, eh. Palibhasa kasi, binasted mo kaya ginagantihan ka sa schedules mo. Puwede namang si Racquel ang pag-OT-hin niya, eh, bakit ikaw pa talaga ang pinili niya? Tapos inilagay ka pa talaga niya sa opening shift bukas? Nananadya talaga ‘yon, alam mo ‘yon, ‘di mo ba feel?” sarkastikong patuloy nito saka umiling-iling. Nagpakawala siya ng hininga saka nag-unat bago niya idinalat ang mga mata niya at bumaling sa nakatayo sa harapan niyang kaibigan. “Kailangan ko ng pera. Hindi pa ako nakakabayad sa kuwarto ko. Kulang na nga lang basahan ako ng nobena ni Manang Lucy tuwing umaga, eh,” katwiran niya saka siya muling pumikit. Sa gigil ni Nica ay hindi nito napigilan ang sariling kurutin ang braso niya sabay sabing, “Kung hindi ka ba naman kasi estupida at kalahati, sukat pautangin mo ‘yong bruhildang ka-roommate mo kahit dalawang buwan pa lang kayong magkakilala!” “Aray naman!” reklamo niya nang masaktan sa pagkurot ng kaibigan saka siya napilitang umupo kahit nananakit pa rin ang katawan niya. “Naawa lang ako sa tao. Malay ko ba na gaganunin ako no’n,” depensa niya sa ginawa niyang pagtulong saka tumayo at nag-inat ng katawan. “O, may tumatawag,” ani Damian nang mag-vibrate ang cellphone niyang nasa konkretong upuan. “Sino ‘yan? New suitor mo?” tudyo ni Nica saka lumapit sa kaniya. “Lumayo ka nga, amoy yosi ka!” reklamo at taboy niya rito saka naglakad palapit sa railings ng rooftop bago sinagot ang tawag. “Hello, Sir Jake,” bati niya sa Head Consultant and Senior Therapist ng Angel Wings Orphanage and Rehabilitation Center kung saan siya nagpa-part-time bilang paid volunteer cuddler.” Sinenyasan niya pa ang mga mga kaibigan na manahimik dahil sumunod pa talaga ang mga ito sa kaniya at nanunudyong tumigil sa harap niya habang kapwa nakahalukipkip at impit na nakangiti. Pinilit niyang ignorahin ang dalawang kaibigan na nangungulit sa kaniya at pilit na pinakinggan ang sinasabi ng kausap. Makalipas ang mahigit-kumulang na tatlong minutong pakikipag-usap kay Jake ay ibinaba na niya ang telepono at sinighalan ang dalawang kaibigan. “Ang kulit n’yo! Grabe!” Walang lingon-likod na binirahan niya ng baba habang naghahagalpakan sa tawa ang dalawa na kaagad din namang sumunod sa kaniya habang panay pa rin ang pang-aalaska at pangungulit sa kaniya. *** KINABUKASAN, pagkatapos na pagkatapos pa lang ng shift ni Riya ay kaagad na siyang nagpaalam kina Damian at Nica na kapwa kadarating pa lang sa restaurant dahil kapwa evening shift ang mga ito. Nag-thumbs up pa ang mga ito sa kaniya at nag-murmur ng ‘Fighting!’ bago siya tuluyang lumabas ng restaurant. Alam kasi ng mga ito na may crush siya kay Sir Jake kahit slight lang naman. Wala siyang oras sa love life dahil kailangan niyang kumayod nang todo para may panlamang tiyan sa araw-araw at may ipambayad sa tinitirhan niya. Para namang nakikisama ang pagkakataon sa kaniya dahil pagkarating pa lang niya sa waiting shed para sana mag-abang ng bus patungo sa Angel Wings Orphanage and Rehabilitation Center ay eksakto namang may tumigil doon na ang ruta ay sa bahay-ampunan s***h rehabilitation center na sasadyain niya. Ayon kay Jake, siya ang napili ng isang pamilya ng baby para maging cuddler nito. Walang masyadong impormasyong inilahad si Jake sa kaniya at sinabi lang nitong pagdating niya sa ampunan sila mag-uusap ng pamilya ng bata para sa iba pang detalye ng magiging trabaho niya. Pagdating sa reception ng Angel Wings Orphanage and Rehabilitation Center o AWOREC ay nakipagbatian na muna siya sa mga naroon at saka siya nagdiretso sa banyo para mag-ayos dahil pakiramdam niya ay nanggigitata na siya sa pawis dahil sa ginawang niyang pagbiyahe na halos kalahating oras din ang itinagal. Saktong katatapos lang niyang maghilamos nang tumawag si Jake. “Nandito na ako sa ampunan, Sir Jake. Papunta na ako riyan,” tugon niya habang pinupunasan ng panyo ang basang mukha saka niya ibinaba ang telepono nang magpaalam na ito. Dali-dali niyang inipitan ang diretso at hanggang balikat niyang buhok saka nagmamadaling lumabas ng banyo at tinahak ang daan patungo sa opisina ni Jake. Tatlong katok ang ginawa niya bago bumukas ang pintuan ng opisina ni Jake. Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo sa sofa ang may-ari ng orphanage na si Mrs. Vera Olivarez kasama ang asawa nitong katabi nito sa pagkakaupo na pormal ang hitsura. “Magandang hapon po,” bati niya sa dalawang matanda saka nagtatakang tumingin kay Jake na noon ay pinapasok siya at iginiya na sa loob habang ito naman ay nagtungo sa katapat na sofa na kinauupuan ng dalawang matanda. Bukod-tanging ang dalawa lang ang kasama ni Jake sa loob ng opisina nito kaya mabilis din siyang nagpaumanhin at nagpaalam. “Babalik na lang ho ako, Sir—” aniya sa pag-aakalang may pribadong pinag-uusapan ang mga ito. “Stay, hija. We really wanted to talk to you,” nakangiting putol ng ginang sa sinasabi niya. May katangkaran ang height nito, maganda at sopistikada bukod pa sa napakaamo ng mukha nito na tila ba anghel na bumaba sa langit na umayon din naman sa kabaitan nito. “A-Ako po?” naninigurong tanong niya saka siya nagtatanong na tumingin kay Jake. “Sina Ma’am Vera ang gustong kumuha ng serbisyo mo, Riya,” paglilinaw ni Jake saka itinuro ang sofa’ng pang-isahan sa may gilid. “Maupo ka muna,” anyaya nito sa kaniya. Bagama’t kagya’t siyang nag-alangan ay dagli niya rin namang sinunod. Napabaling siya sa mag-asawa nang tumikhim ang matandang lalaki samantalang si Mrs. Vera naman na nakaupo malapit sa gawi niya ay agad na ginagap ang kamay niya. “Jake highly recommended you to us, not to mention that I’ve already seen you with the babies and kids here, that’s why we decided to hire you as our granddaughter’s private cuddler,” umpisa nito saka marahang pinisil ang kamay niya. “Po?” maang niyang tanong dito. Hindi niya rin maalala na may apo na pala ito dahil hindi naman din siya nagtatanong. Ang alam lang niya ay may dalawa itong anak na lalaki na hindi pa naman niya nakita roon kahit kailan. “Ahm, ilang taon na ho ba ang apo n’yo, Ma’am Vera?” seryosong tanong niya bagama’t gusto niyia ring itanong kung ano ang nangyari dahil karaniwang kumukuha ng serbosyo ng isang cuddler na katulad niya ay mga naulila nang mga sanggol at bata. “She’s six-days old.” Bahagya pang nanginig ang boses ng matandang babae sa pagtugon nito sa tanong niya. Bahagya siyang napamaang sa narinig. Sa makatuwid ay bagong silang pa lamang ang sanggol na aalagaan niya? At ano ang nangyari sa manugang nito? Lalo pang lumalim ang gitla sa noo niya nang mapagmasdang maigi ang matanda. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang panunubig ng mata nito na agad nitong pinalis. “She’s still at the hospital at nasa incubator pa dahil premature siyang ipinanganak. She’ll be there for at least another two to four days more bago namin siya maiuwi sa bahay…” Biglang tumigil ang matanda sa pagsasalita at saka tumungo. Hindi na nito napigilan pa ang paninikip ng dibdib at pag-iyak. Hinagod naman kaagad ng asawa nito ang likod ni Mrs. Vera at ito na ang nagpatuloy sa pagpapaliwanag sa kaniya kahit na para sa kaniya ay hindi naman kailangan. “Our son and daughter-in-law met an accident more than a week ago. Unfotunately, our son died on the spot…” he heaved a sigh and tried to hold back his tears then continued, “Luckily, Liby, our granddaughter, survived. Her mother lived for a day just to deliver Liby.” Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa matandang lalaki. Bagama’t hindi naman talaga bunyag ang personal na buhay ng mga ito sa bahay-ampunan kaya’t wala rin siyang masyadong alam tungkol sa pamilya nito, isa lang ang sigurado siya… mahal ng mga tauhan roon ang buong pamilya nito dahil nga mababait ang mga ito. “Since we know how effective cuddling is for an abandoned child that’s why we wanted to hire you to be Liby’s exclusive cuddler,” pauna ni Mrs. Vera nang kumalma na ito. “Wala naman hong problema, Ma’am Vera. Puwede naman ho akong dito dumiresto pagkatapos ng trabaho ko,” may simpatyang pahayag niya. Umiling ito saka tumingin kay Jake na noon ay tumayo bago pumunta sa table nito at saka may kinuha sa drawer nito pagdaka ay bumalik sa harapan niya at iniabot sa ginang ang brown envelope na tangan nito. “We want to hire you exclusively and not only as a part-timer. We want you to come with us to see Liby before she goes out from the hospital so you’ll know what are the do’s and don’ts once we send her home. Jake confirmed that she’ll be a bit sensitive compare to other babies you handled as she’s a premmie but I’m sure that you’ll be able to handle her with ease,” paliwanag ng matandang babae. “Ahm… pero, Ma’am Vera…” Napakamot pa siya sa batok niya saka alanganing tumingin kay Jake saka ibinalik ang tingin sa ginang. “Eh, may trabaho pa ho kasi akong iba. Sa totoo niyan, part-time ko lang ho talaga ang pagiging cuddler,” nahihiyang imporma niya sa kaharap. Ngumiti ito saka tumango. “We know. Jake already told us,” nakangiting sambit ni Mrs. Vera. “ That’s why we are offering you a full-time job of being Liby’s cuddler—exclusively. Of course, kasama na rin sa benefits mo ang free lodging, food, and personal na pangangailangan mo. You’ll get your salary paid in full every month.” Mrs. Vera pulled out a two-pages document inside the envelope and laid it in the table in front of her. “Read the terms and conditions of this contract. Jake will explain to you each clause and you may ask him if you have any other concerns pertaining to this contract.” “Pero, Ma’am—” tangkang pangangatwiran niya sana n amabilis naman nitong pinutol. “I’m giving you an offer that I know you can’t refuse,” giit ng ginang saka tinapik ang kamay niya at nginitian siya ng may kahulugan bago bumaling ulit kay Jake. “We’ll go ahead, Jake. Dadaanan pa namin si Liby sa NICU.” Kinuha na nito ang clutch bag na nasa ibabaw ng lamesa saka ito tumayo at muli siyang kinausap. “See you tomorrow, Riya.” Iyon lang at umangkla na ito sa bisig ng asawa nito na tumango lang sa kaniya bilang pagpapaalam. Hindi na siya nakakibo pa. Wala na siyang nagawa kundi ang ihatid ng tanaw ang mag-asawa habang nakasunod sa mga ito si Jake. Saka lang siya tila natauhan nang muling isara ng lalaki ang opisina nito at lumakad palapit sa kaniya. “Do you want something to drink, Riya?” tanong ng lalaki sa kaniya bago ito umupo sa kanina ay inupuan ni Mrs. Vera. “Okay lang ako, Sir Jake,” tanggi niya saka bumuntong-hininga. “Sir, hindi ko ho yata matatanggap ang alok ni Ma’am Vera. Hindi ko pupuwedeng iwan ang trabaho ko sa restaurant—” “Basahin mo muna ang kontrata, Riya, bago ka magdesisyon,” mahinahong singit ng lalaki sa sinasabi niya. Wala na siyang nagawa nang mataman siya nitong titigan nang magpoprotesta pa ulit sana siya. Humugot siya nang malalim na hininga at saka kinuha ang dokumentong iniabot nito saka niya sinimulang basahin ang nilalaman ng kontrata. Sa unang bahagi pa lamang ng kontrata kung saan nakalahad ang halaga ng sasahurin niya ay tila nalula na siya. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi na napatingin siya kay Jake. “Totoo ba ‘to, Sir Jake? Sahod ko ‘to?” tila ba nagdududang tanong niya rito na para bang namamalik-mata lang siya. Tumango ito at makahulugang ngumiti sa kaniya. “You’re a nursing graduate at alam din nilang nursing board exam lang ang kulang sa ‘yo kaya hindi ka makapagtrabaho sa mga ospital as a nurse,” paliwanag nito. “Oo nga, Sir Jake. Pero…” anas niya habang nakakunot ang mga noo at nag-iisip pa rin. “Look, Riya, everybody here knows how capable you are on handling babies kaya nga wala akong pagdadalawang-isip na i-recommend ka sa kanila. This is your chance para makapag-ipon, so later on, makapag-review ka na at makapag-take ng board exam,” pangungumbinsi nito sa kaniya. “Pero masyado naman yatang malaki ang halagang ito, Sir Jake. Isa pa, nakita mo ba ito? Libre lahat!” hindi pa rin makapaniwalang pahayag niya. “Your job will be 24/7, Riya. Idagdag pa na napaka-crucial ng magiging papel mo sa well-being ni Liby,” pagrarason naman ng lalaki sa kaniya. “This kind of offer doesn’t just come along, Riya. I’m telling you, you have to grab this opportunity for your own sake,” pangungumbinsi pa rin nito. Muli niyang tiningnan ang hawak na papel at muling pinasadahan ng basa ang mga nakasulat doon. Halos lahat kasi ng nakasaad roon ay pawang pabor sa kaniya maliban sa huling clause. “Teka, Sir Jake… ano’ng ibig sabihin nitong kahulihang statement?” Ibinigay niya sa lalaki ang dokumento at saka itinuro ang gusto niyang linawin. “Ah, ibig sabihin, maaari ka lang bumitiw sa pagiging cuddler ni Liby kapag nakapag-asawa na ang bunsong anak nila,” anito na tinagalog lang naman ang nakasulat sa dokumento. “Alam ko, sir. Ang ibig kong sabihin… bakit may ganyan? Ano naman ang kinalaman ng pag-aasawa ng anak nila sa pagbibitiw ko sa trabaho kung sakali?” nagugulumihanang tanong niya rito. Tumitig ito sa kaniya saka seryosong nagpaliwanag. “Wala pang asawa ‘yong bunsong anak nila. Siguro balak nilang ipaampon ang bata sa bunso nila kung sakaling mag-aasawa siya. Makes sense to me. They are old at iba pa rin kung ang magpapalaki sa bata ay ang tiyuhin niya.” Ngumiti ito sa kaniya na para bang may iba pang ibig ipakahulugan bago muling nagsalita. “Pero what if they’re really looking for someone like you to marry their youngest son at palusot lang nila ang clause na if ever na magre-resign ka?” tudyo nito habang nakaangat ang isang sulok ng labi nito. Nanlaki ang mga mata niya at awtomatiko siyang pinamulahanan ng mukha sa hiya. “Sir Jake!” bulalas niya pagkarinig sa sinabi nito sabay takip ng bibig niya na ikinatawa nito ng bahagya na hindi maikakailang aliw na aliw sa naging reaksyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD