BAGO sila tuluyang makapasok ng mansyon ay umangkla na sa braso niya si Felicity kaht pa nga obvious na masama ang loob nito. “Okay, we’ll stay here for a while but promise me that we’ll be outta here before it gets dark, okay?” kumpromiso nito na nginisian niya lang. “Oh, Ethan, akala ko ba—kaagad na natigil sa pagsasalita si Manang Melda nang makitang hindi siya nag-iisa. “Aba, eh, may kasama ka pala,” anito at saka nginitian si Felicity. “Sweety, I’m thirsty,” malambing na sambit ng dalaga sa kaniya pagtigil nila sa harapan ni Manang Melda na noon ay kasalukuyang naglilinis ng bar. “Ay, saglit at ikukuha kita ng maiinom. Tubig lang ba?” anang matanda saka lumabas sa may counter ng bar para magtungo sa gilid kung nasaan ang maliit na ref. “Aba, eh, nananghalian na ba kayo?” bago p

